Saturday, February 25, 2012

UNANG PAG-IBIG, WALANG KAMATAYAN? (First LOve Never Dies)


UNANG PAG-IBIG, WALANG KAMATAYAN?
(First LOve Never Dies)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/15/2012

Ang daming dapat pag-usapan, mahahalagang bagay na kapakipakinabang. Ngunit dito sa LDR ang umagahan, tanghalian, at hapunan ay puro pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig. Minsan gusto ko ng sumigaw...PAG-IBIGGGGGGGGG, PAG-IBIGGGGGGGGG, PAG-IBIGGGGGGGGGG kayo riyan, pangmeryenda po! Kita nyo kahit pala meryenda pag-ibig din. Ganyan ang mga tao dito sa LDR punung-puno ng iba't ibang klaseng pag-ibig.

Hahahahahaha, sa tanda ko ba namang ito, at kung tutuusin ay happily married na naturingan, ano ba't andito ako? Oo nga naman, di n'yo ba naisip ang grupong ito ay LOVE, DATING, ROMANCE ang ngalan. Sakto di ba? Para sa mga umiibig o di kaya naghahanap ng pag-ibig , o para sa mga sawi na gustong umibig muli. O sa mga balo o sa mga matandang dalaga at binata kaya na naghahanap ng pag-ibig. Ngunit hindi naman pala. Ito ay bukas para sa lahat, para ibulalas ang laman ng kanyang puso. Be it a happy heart, or a lonely one, o kahit ano pang puso yan basta usapang puso lang, ng tao ho, di ng saging (may kakornihan din tayo minsan).

Pero ang naka-agaw ng pansin sa akin kaninang madaling araw, (hindi ko lang nga nabigyang pansin talaga kanina dahil ako'y gumagawa pa ng tula ng isang FB friend matapos akong gumawa ng 2 tula para sa LDR) ay ang post ni Prince John Jeoffrey Arevalo na First love never dies. Kung iisipin natin ay totoo yang kasabihan na yan. Kahit ako pwede kong aminin sa sarili na posible yan (yong mga kabatch ko wag kayong OA magreak hehehehe) pero on the other hand, masasabi rin nating di totoo ang kasabihan kasi ang pagmamahal may level, level din yan para sa akin.

Totoo, aaminin ko at kahit sa asawa ko ay inamin ko din na hayaan na lang yong first love ko na mag okupa ng kahit kapuringgit d'yan sa puso ko. Kasi iisa namang puso ang ibinigay ni Lord. Buti nga s'ya ukupado n'ya lahat ang kabuuan ng aking puso. Kaya't hayaan na lang n'ya na kahit yong isang pinakamaliit na litid sa gilid ng puso ko ay malambitinan ng aking first love. hehehe (pasensya na lang kay First Love ganun talaga eh) Saan naman kayang parte ng katawan ko s'ya ilalagay. Di naman pwede sa apdo, sa atay o sa balunbalunan. Mas lalong di pwedeng isabit sa taynga. Doon lang talaga sa puso eh. Kasi nakatatak na yon doon. Kung pwede nga lang tapyasin eh bakit hindi, di bah, para na lang matapos na ang usapan.

Pero yon ay isang klaseng pagmamahal na iba na ang kategorya. Yong wala ng "lust" o kamunduhan. Yong parang nand'yan lang s'ya bilang simbulo ng kabataan at kalinisan ng pag-ibig, yong pag-ibig na minahal ka ng tunay at walang pag-iimbot, intense 'ika nga, isang inosenteng damdamin na di mo nabigyan ng tamang pagpapahalaga dahil ikaw ay bata pa ring katulad n'ya. Siguro masasama na nga s'ya sa klase ng pagmamahal na binibigay mo sa magulang at kapatid sobra pa sa isang kaibigan. Yan ay kung narating nyo na 'yong point na ganito sa narating namin. Na halos lahat ng pagkakamali ng bawat isa ay nakalimutan na at ang natira na lang sa alala ala ay magandang gunita. Maaari, di ba?

Ngunit pakatandaan at pakaingatan marami ang nasisira sa pag-aakalang first love never dies nga. Tsismis lang ito na aking nalaman at ang iba'y totoo at makatotohanan. Kahit umidad 40 pataas, ang mga may first love noon ay nakakagulo at nakakasira ng pamilya ngayon. Dahil ang idad na ito ay wala na yatang kahihiyan na iniisip at wala ng takot ipaglaban sa mundo ang pag-ibig na akala nila ay intended for them by the Lord dahil nagkitang muli.

Ilan sa aking mga kaibigan ay naging biktima ng First love na yan. Magmula magkita sa class reunion o kaya'y sa high school reunion ang kanilang mga asawa ay narikindle ang mga damdamin na makasalanan sa mga ka first love dahil kalimitan ang mga babae'y mga hiwalay na sa asawa, o balo na o kaya'y di masaya sa asawa kaya kumikending na talaga sa mga lalaking kaklase kahit pa nga very much married pa ang mga ito. At doon nagsimula ang mga patagong pagkikita, ang mga pagtext text, ang mga pag FB FB ang mga kaguluhan sa mag-asawa, ang kaguluhan sa pamilya, ang mga iskandalo at ang paghihiwalay.
Ito'y mga sitwasyon na hindi maganda sa isang "First Love".

Sana iyan ay i preserve ng bawat isa para maging magandang alaala na minsan sa iyong buhay ay may nagmahal ng tapat sa 'yo na kahit may-asawa ka na at maalala mo s'ya ay matutuwa ka. Pwede mo pa ngang ikwento sa iyong asawa ng walang malisya at ng di n'ya pagseselusan . Ngunit kong iyan ay haluan mo ng kalokuhan at bigyan ng second chance ngayong pamilyado ka na, iyan ay magiging bangungot pag nagkabistuhan na, dahil tiyak magugulo ang iyong pamilya, posibleng masira pa, and will lead you to a broken family just because of those memories that should have been long buried at maisusumpa mo bakit pa kayo nagkita. Nakakapanghinayang di ba. Sana napreserve na lang.

First love never dies, dahil naaalala mo lang s'ya, hindi para bigyan pa rin ng halaga ang kung anong pinagdaanan. Sari-sari man itong kahulugan sa bawat isa, panatilihin nating igalang ang memories ng ating fisrt love. Para kung magkasalubong man kayo at pumitlag ang 'yong puso yon ay galing sa inosente mong damdamin na naryan lang sa iyong puso, nakasabit lang, kasi may
nagmamay-ari ng iba at yon ay ang iyong true love.

Kung nagkatuluyan man kayo ng iyong first love ay napakainam, kung hanggang sa pagtanda ay di nabago ng panahon ang inyong pagmamahalan, much better. Ngunit minsan ay di ito batayan para masabi mong maswerte ka sapagkat maraming magsing-irog ang nagkatuluyan na hindi mag First Love pero mas masaya pa silang nagsasama kaysa iba. Sadyang ang pag-ibig nga ay mahirap arukin ang lalim. Napakahiwaga. Napakamakapangyarihan. Ngunit may hihigit pa ba sa kapangyarihan "N'ya"? S'ya lang ang nakakaalam kung tayo ay pasaan......

Inspired by the post of:
Prince John Jeoffrey Arevalo
FIRST LOVE NEVER DIES..... agree or not?
01/15/2012

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...