Saturday, February 25, 2012

IKA- ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI



IKA- ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/21/2011

Naiwan sa bahay, ako ay mag-isa
Hindi naman sanay wala ng nagawa
Nagsimba ng solo pagdating huli na
Ang sermon ni Father muling nagsimula

Kumanta ang pari pagkalakas pala
Wala na sa tono ang boses ay iba
Hindi mahinaan akala'y maganda
Nalunod ang tinig yaong manganganta

Simbahan ay puno sa labas tumayo
Ako ay may dala ang folding na silya
Hindi nakatulog mata'y nakabuka
Kayhaba ng sermon antok ay nawala

Paano antukin lahat napatawa
Ang boses ni Father humahalinghing pa
Para lang kabayo na kumakarera
Mukhang napagod na pang-anim na simba

At ang aking dasal ay naisturbo pa
May katabing bata malikot na sadya
Silya'y daladala paikot ikot pa
Panay ang salita lakas ng bunganga

Kasama'y sumunod panay ang saway n'ya
Ngunit di s'ya pansin at mukhang may tama
Sarili'y natanong dapat nga ba kaya
pwedeng simbang gabi bata'y daladala

Natapos ang simba lahat ay masaya
pagkat itong pari mukha pang komedya
Paglabas ng simbahan ako ay nauna
At baka masiksik ako'y lumakad na

Pasensya na nakalimutang gumawa ng tula kanina...
  

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...