Saturday, February 25, 2012
AKO AY TUTULA PARA SA MADLA
AKO AY TUTULA PARA SA MADLA
Ruben Ferranco, 01/15/2012
Kung ako'y may talino
Ikararangal ko 'to
Sa kapwa'y ialay ko
Ito'y galing sa puso
Anhin ang kaalaman
Kung takot kang malaman
Pag-iimbot ang laan
Sa tao ay gahaman
Ikahon mo na lang yan
Itago sa karamihan
Sarilinin tuluyan
Wag magaya ninuman
Huwag mong ipalagay
Iyang galing mong taglay
Saan mo ba hinukay
Sa iba ring nag-alay
Kung ang iba'y matuto
Sa galing na sabi mo
Dapat ikarangal mo
At magsilbing maestro
Huwag mong sasaklawan
Iyang alam ni Juan
S'ya'y may katalinuhan
D'yos ang pinanggalingan
Ang tao'y may adhika
Wag isiping masama
Puso mo'y umunawa
Wag pigilan ang iba
Kung ikaw ay nangarap
At gusto mong malasap
Upang sa hinaharap
Buhay mo ay masarap
Iba'y may pangarap din
Ang mundo'y wag angkinin
Ibahagi, ihain
Imbot wag pairalin
Oh kaysarap damahin
Sa puso ay namnamin
Kabutiha'y linangin
Ang Diyos nakatingin
Huwag kang mapanghusga
Pabayaan ang iba
Sila di'y may biyaya
Hindi ka nag-iisa
Bakit ka matatakot
At puso'y magkutkot
Kagalingang sandakot
Ngayon lang pumalaot
Nahan ang kagalingan
At ang pinanggalingan
Nitong kinatakutan
Di ba ikaw may tangan?
Bakit nagsusumigaw
Lakas ng alingawngaw
Umabot at umapaw
Sa bundok ay naligaw
Pag-aari ang mundo?
Lahat sosoluhin mo?
Sumigaw kung totoo
Magdakdak sa fezbuk mo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment