Wednesday, February 22, 2012

ANG "BOARDER" KUNG BUTIKI

ANG "BOARDER" KUNG BUTIKI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/26/2011
(Haiku 6-5-6)

Butiki, butiki
parang umihi
ayon sa kisame

Sisilip-silip pa
mukhang nahiya
sa taong makita

At kakawagkawag
mukha ngang duwag
tumakbo ang kumag

Pagdating ng hapon
pagkakataon
gagawin ang layon

Siya ay bababa
hindi gagala
hahalik sa lupa

Sabi sa alamat
ewan kung tapat
kung kwento ay sapat

Araw-araw noon
tuwing orasyon
mag-ina'y tutugon

Ang anak mabait
at magkalapit
wala namang pait

babae'y nakita
umibig bigla
sobrang nabalisa

Akala'y maganda
isang dalaga
engkatada pala

Bakit itong anak
nasirang utak
ang ina'y initak

Ang puso ng nanay
kanyang binigay
sa babae alay

sinunod ang liyag
hindi nahabag
kasamaa'y hayag

Merong nangyari
ginawang butiki
ngayon ay nagsisi

bababa sa lupa
tawad at awa
ang hinahangad n'ya

tutuo ma't hindi
merong butiki
sa ating kisame

Ito raw ay gamot
sa hika'y sagot
ako'y napakamot

Ulan ay dadalaw
Pag nahulog daw
sa ulo humataw

tiyak may bisita
pag sya'y kumanta
sa pintuan banda

Kapag sa bintana
s'ya ay kumanta
may sulat ka pala

Butiki'y kakanta
gabit umaga
sa bahay tumira

At ang mahalaga
tulong sa madla
insekto'y nawala

Ngunit mag-ingat din
baka samain
May laglag sa kanin

Iyan ang butiki
minsan ay ngiti
minsan mapatili

S'ya ay aking "Boarder"
"now and forever"
kami ay "together"

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...