Saturday, February 25, 2012
TARAK SA DIBDIB, KABIGUAN, PASAKIT (BROKEN HEARTED, paano lumimot?)
TARAK SA DIBDIB, KABIGUAN, PASAKIT
(BROKEN HEARTED, paano lumimot?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/13/2012
Nakaranas ka na ba ng ganitong senaryo sa buhay mo? 'Yong tipong gusto mo
ng magpakamatay? yong tipong gusto mo ng magbigti o magpatiwakal,'Yong
tipong katapusan na ng mundo sa 'yo, yong tipong magugunaw na ang mundo,
yong tipong guguho ng lahat ang mga pangarap mo? Sapusapo mo ang 'yong
ulo, kung maaari nga lang gusto mong iuntog sa pader. O kaya gusto mong
maglaslas, o uminom ng lason, o pasagasa sa pison, o kaya mag patihulog
sa bangin.
Eh, yong pakiramdam na parang hiniwa ang puso mo, yong parang ang
hapdi,yong parang tinusok ng balaraw,yong parang warak na warak na ang
dibdib, yong parang nasugatan ka nga at kapa ka ng kapa na wari'y
pagkalalim lalim ang sugat at napakasakit, ngunit pag iyong sinilip wala
namang dugo. Wala din namang sugat. Pero bakit ganun? Ang kirutkirot, ang
sakitsakit ang hapdihapdi. Tagos sa kaluluwa.
Minsan para ka ng sira ulo, iiyak sa isang tabi mas masarap sa kanto ng
kwarto, nakahalukipkip ang mga kamay na parang giniginaw o kaya
nakatalukbong ng kumot at ayaw makipag-usap kahit kanino man kahit pa nga
tumutunog ang cell phone ayaw sagutin. Kahit pa tawagin ng kapatid para
kumain ayaw tuminag. Kahit pa galit na si nanay sa pagbibingibingihan mo
wala ka pa ring pakialam. Kahit nga bumubulyaw na si tatay who cares pa
rin ang drama mo. O kung wala ka sa pamilya, kahit iba ang mga kasama ang
sungit sungit mo, mainit ang ulo, nakasimangot maghapon akala mo pasan
pasan ang mundo, Nakabulyaw pag kinausap. Kung tutuusin ano naman ang
pakialam namin sa problema mo?
Mas masama nito natuto kang maglasing, o manigarilyo, magbarkada kasi sabi mo nga sawi ka. Paggising mo sa umaga, may nabago ba o mas nadagdagan ang 'yong problema, kasi nagsuka ka ng nagsuka kagabi, ngayon may hang over ka pa. Mag-isip ka kaya ng mas magandang paraan. Buti pa pumunta ka na lang sa simbahan.
Matanong nga kita, tanga ka ba o nagtatangatangahan? bobo ka ba o nagbobobobobohan? walang isip o nagwawalawalaang isip? Bulag ka ba o
nagbubulagbulagan? O bingi o nagbibingibingihan? Bakit di natin baliktarin lahat yan. Gawin nating positibo ang senaryo.
Paano? Aba, una mahalin mo ang iyong sarili, susunod wag mo na s'yang
mahalin kasi di ka na n'ya mahal dapat lang di ba? Sabi nga ni Uncle Sam,
love begets love. Yong pagmamahal daw dapat ang sukli ay pagmamahal din
oh di bah? Pano kung di ka na n'ya mahal ano isusukli mo? Ngayon
magpakatalino ka. Wag mong hayaan na ang isip ay matalo ng puso. Bakit?
Saan ba nakapwesto ang utak mo di ba mas mataas sa puso? Eh di sana
inilagay na ni Lord yang utak sa bituka natin. Bakit sa pinakamataas s'ya
nakapwesto?
Sagutin mo nga ako, sino ba yang inibig mo? Dati naman ordinaryong tao lang
yan sa 'yo nong di ka pa umiibig sa kanya di ba? Bakit all of a sudden
naging superstar s'ya sa buhay mo ang swerte naman n'ya. Parang s'ya na
ang kabuuan ng iyong mundo. Ng iyong pangarap. Ang lahat lahat. Parang
doon mo na pinaikot ang buhay mo samantalang s'ya parang wala lang,
parang normal lang, samantalang ikaw parang tumama sa supistik, sa lotto
sa milyones ni papa Manny Pacqiao, sa palaro ni Papa Vic Sotto. Tanungin
mo nga ang sarili mo yong totoo lang ang isasagot mo ha. Minahal ka ba
n'ya gaya sa pagmamahal mo sa kanya?
Aba kung sasagutin mo ako ng oo ay parang mali naman, kasi kung minahal
ka n'ya dapat kayo pa rin ngayon, dapat may mahal ka pa, dapat di ka
lumuluha ngayon, dapat di ka nag eemo, o kaya nagpost ng kung anuano sa FB, dapat di ka n'ya ipinagpalit, o iniwanan o niloko. Di rin s'ya dapat
nagsinungaling o nanghuthot sa 'yo.Bakit di mo yan makita lahat? Bulag ka ba o duling kung mahirap at banlag lang daw kung marami kang pera?
Ngayon ang tanong bakit di mo turuan ang sarili mong maging matapang, makalimot, mag move on. Kung s'ya nga walang ni katiting na pagpapahalaga at pagmamahal sa 'yo. bibigyan mo pa rin s'ya ng sukli. Maawa ka naman sa sarili mo. Pag nagmahal ka magtira ka. Yon bang any moment na iwanan ka n'ya
ay may natira pa sa pagkatao mo na pwede mong pagsimulan. Lalaki lang yan ...o kaya ...babae lang yan. Lagi mong tandaan ang patalastas sa T.V. na galing din sa mga idiomatic expressions; there are many fish in the sea, and i texted them all for you.
Sana lang kong naging anak kita at dito ka sa tabi ko ay masusubaybayan kita at masasalo sa bawat pagbagsak mo. Sana nasa tabi mo ako para dalhin kita sa labas pag nalulungkot ka at naalala mo s'ya. Pakakainin kita ng masasarap kasi
pag busog ang tao mas maganda ang pakiramdam, ibibili din kita ng tsokolate kasi ang tsokolate nakakapasaya sa tao, ibibili din kita ng magagandang damit, blouse, sapatos, pantalon na sabi mo'y nakita mo sa department store para
matuwa ka, ibibili din kita ng mga make up at tuturuan kitang mag-ayos ng sarili para pag maganda ka feeling mo mas higit ka sa kanya.(of course di para sa boys ang make up at dress)
Hindi lang yon, masasabi mo pa sa sarili mo, "ang ganda ko naman para iyakan s'ya di naman gwapo nahaling lang talaga ako." This could help you develop your self steem. Sana nga andito ka sa tabi ko at laging paalalahanan ka na ang tangatanga mo. Sana sa tabi kita para pag umiyak ka sasabihin ko sa 'yo sigi umiyak ka pa, pesteng lalaki yan iniiyakan pa negro naman, o di kaya pesteng babae yan di naman kagandahan iniiyakan pa. Sana nga nasa tabi kita at pandidilatan kita kung nag eemoemohan ka, sana nga sa tabi kita, para kwentuhan ka na ganyan lang naman ang buhay, na gaya mo rin ako ay umibig at nasaktan pero nagpakatatag, tumayo ng angat ang ulo at umibig na muli at lumigaya.Ngayon pag naalala mo ang nakaraan matatawa ka pa sa katangahan mo.
Paano nga ba ang madaling paglimot. Sa totoo lang napakadaling lumimot kung tuturuan natin ang ating mga sarili na magpakatatag. Masakit oo, alam naman nating lahat yan. At bakit mo iisipin kung masakit. Kaya nga tayo binigyan ng talino, ng will power, kita n'yo may power talaga tayo. Be clever about your feelings. Maging tuso ka. Pag naalala mo, umalis ka d'yan sa kinalalagyan mo para ma distract ang attension mo, magkakaroon ng cut yong guhit na unti-unting gumuguhit sa emotion mo. Pagkakataon mo na, nasira na ang continuity ng iyo kalungkutan kasi lumipat ka na ng lugar, pwedeng may nakita ka na naka akit ng iyong attention.
Pwedeng nakita mo ang computer aba'y mag FB ka na lang kaysa manimdim. O di kaya ayain mo ang yong ate o ang yong kasama na lumabas at magpahangin o kahit bumili ka lang ng kendi sa kanto. Sa totoo lang ang daming paraan na makakasira sa namumuo mong kalungkutan. Ituloytuloy mo ang momentum na nagawa mo para madisrupt ang
pag-iyak mo.Magpakatalino ka naman minsan kahit minsan lang para pagnatutunan mo na yan magkakaroon ka ng pattern kung paano mo lalabanan ang sakit sa 'yong dibdib. kumilos ka , kilos kung may naaalalang kalungkutan. Wag na wag kang magmumukmok sa isang tabi, pag 'di mo yan napaglabanan ay talo ka na naman n'yan.
Ngayon kung ako nama'y iyong susundin, itong susunod para sa akin ay napaka effective at marami ng nakinabang na mga kaibigan sa aking payong ito. Magtapon ka ng mga bagay na makakapaalala sa kanya. Lahat lahat wala kang ititira. Wag mo ng isipin yong mga memories. Bakit? Ano ba talaga ang mahalaga sa iyo ang makalimot ka o ma preserve mo ang memories galing sa isang taong naging sanhi ng iyong pagluha at nagbigay ng pasakit sa yo? Para ano? Para pahirapan ang iyongsarili tuwing makikita mo ito? Alalahanin mo , seeing one will let you remember the other.
Ngayon, i unfriend mo s'ya, lahat ng kamag-anak n'ya, lahat ng close friends ng pamilya at lahat ng may koneksyon sa kanya na palagay mo ay makakakonekta sa kanya. Itapon o ipamigay lahat ng galing sa kanya. Wala kang panghihinayangan, (kung house and lot yan idonate mo na lang sa LDR.hehehe.) Wala kang ititira na galing sa kanya. At yong mga kamag-anak na kunyari may concern, wag mo na munang pansinin, Just focus on yourself until such time that you are strong enough to face the world squarely. Yes, that would be the best time for you to come out of your shell. No more fears of heartaches. No more tears.
Pero habang tinutulungan mo ang iyong sarili, magdasal at magpasalamat sa
Kanya sa paggawa ng paraan para mawala sa 'yo ang isang tao na di ka naman pala mahal. Sadyang ang D'yos ang nakakaalam kung sino ang karapatdapat sa puso mo.Kung pwede seryosohin mo itong mga nabanggit ko. Malay mo ito pala ang kailangan mo paulit ulit mo itong basahin. Try mo. This could help you
combat your stress, your anxiety, your pain or heartaches, your distress and all that.
Ang buhay ay di perpekto, masalimoot, maraming problema, maraming pasakit pero minsan naman sobrang saya. Sobrang exciting. Kaya dapat alam nating bumalanse. Ganyan talaga eh. Pero di naman natin pwedeng iwasang umibig kasi doon ang sarap ng buhay, ang total happiness, pag nakita mo ang tunay na minamahal. Ang pagpapamilya. Kaya lang kailangan lang talaga tayong maging maingat sa pagpili ng taong mamahalin para maiwasan ang mga ganitong pasakit at maiwasan ang pagiging broken hearted. Wow, bakit nga ba nauso ang pag-ibig?
Ngayon gusto ko kayong bigyan ng kunting tips para madaling makalimot
1. iwasang mapag-usapan ang tungkol sa relasyon na katatapos lang,
iwasang pag-usapan 'yong taong involved sa mga pasakit mo ngayon.
2. turuan ang sariling maging bulag at bingi, iwasang isipin.
3. wag kang mabuhay sa paniniwalang ang bagong relasyon ay healthy.
No it's not . it will just add insult to injury. Lolokuhin mo lang ang iyong sarili.
4. Hayaan mo na munang humilom ang sugat bago pumasok ulit sa bagong
upang maiwasang maulit ang naranasang
5. Libangin ang yong sarili wag na wag kang magmukmok.
6. Magtapon ng mga bagay na makakapaalala
7. hingin ang payo ng magulang o kapatid bago ang iba
8. mag-isip ng mapaglilibangan o mapapasyalan pag nalulungkot
9. magdasal at humingi ng gabay sa KANYA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment