Wednesday, February 22, 2012

Pilipinas Ika'y Aming Babalikan....


Pilipinas Ika'y Aming Babalikan....
sinulat ni weeween reyes raymundo
july 26, 2011
siyudad ng Pasig

Ngalang Pilipinas kaygandang pakinggan
Dito ay sumibol ating kamusmusan
Gustong umasenso't hahanap ng yaman
At sa ibang bansa tayo'y nanahan

Isa at dalawa at tatlong dekada
Ngunit kung bilangin tila sumobra pa
At nangibang-bansa doon ay tumira
Siya'y inulila iniwang mag-isa

Perlas ng Silangan ang tawag sa kanya
Tawag ng dayuhang sa kanya'y humanga
parang isang perlas sa dagat sa gitna
Sa ganda'y sagana banyaga'y namangha

Ang kapaligiran ay ubod ng yaman
Kaya't naglalaway mga tampalasan
Binalak pasukin at pagmiminahan
Walang matitira sa 'yong kagandahan

Kayo'y makiramdam at dayo lang naman
Mga pilipino'y may katalinuhan
Baka akala n'yo ay may katangahan
Ikaw ay humanda't hindi uurungan

Itong Pilipinas ay aming tahanan
Lumayo man kami sadyang babalikan
Saka iaalay aming natutunan
Bayang pinagmulan mula kamusmusan

Kami ay babalik umalis lang saglit
Maghahanap-buhay para lang sa paslit
Sa kanyang pag-aral lungkot ang kapalit
Dito sa malayo isip 'di mawaglit

Ating Pilipinas kahit na mawalay
Hindi lilimutin habang nabubuhay
Sa ating pagtanda sa ating tagumpay
Ating Pilipinas pag-ibig ay tunay

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...