Wednesday, February 22, 2012

ANG PAMILYA AT PUNO

ANG PAMILYA AT PUNO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/2/2011

Ang isang pamilya'y may tatay at nanay
Merong unang anak siya ang panganay
Mayroon ding bunso minsan ay pasaway
Iba'y walang anak tuloy rin ang buhay

Ang masasabi ko sa isang pamilya
Maihalintulad sa punong may bunga
Kailangan din n'ya na may mag-alaga
Parang mag-asawa nagmahalan sila

Itong isang puno dapat alagaan
At para mamunga s'ya ay pausukan
parang mag-asawa na merong lambingan
Ang pagmamahalan magbungang tuluyan

Kapag namulaklak kasunod ay galak
At magiging bunga ang isang bulaklak
Parang isang ina nagbuntis ng tiyak
Lumaki ang tiyan inere ang anak

Itong anghel nila ay nailuwal na
Ngayo'y nakabuo ng isang pamilya
Oh kay sarap pala ng may anak ka na
Puspos ng ligaya umaga'y may tuwa

Pagdating sa hapon ay may sasalubong
Inosenting ngiti may kasamang bulong
Kahit di mawari diwang nakakulong
Kaysarap pakinggan sa pagod ay tulong

Kami'y maglalaro puso ko'y may ngiti
At sa aking isip ako'y may nahabi
At dito sa labi agad namutawi
Kaysarap mangarap problema'y napawi

Ngunit may pamilya ang anak ay wala
Mayron namang iba may lolo at lola
Meron ding kaanak sila'ng umaruga
Ang pamilya'y nand'yan at handang magpala

May anak o wala hindi importante
Mahalin palagi kung sinong sa tabi
Pamilya'y mabuo kung mananatili
Pag-ibig sa kapwa huwag isantabi

Ang pagpapamilya ay pananagutan
May pagpahalaga sa nasasakupan
Oras ay importante sama-sama minsan
Kapag may problema ay maaasahan

'Wag ding kalimutan ang D'yos na nagpala
Pamilya'y turuang sa "Kanya'y" kumilala
Pagkat ang pamilya laging sama-sama
Kung ang Diyos Ama ay mas mahalaga

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...