Wednesday, February 22, 2012

MANGANGALULUWA PO...



MANGANGALULUWA PO...
(Araw ng Undas, Nobyembre 1, 2011) 
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/12/2011


♪♪"Kaluluwa'y dumaratal♪♪
♪♪Sa tapat ng durungawan♪♪
♪♪Kampanilya'y tinatangtang♪♪
♪♪Ginigising ang may bahay♪♪

♪♪Kung kami po'y lilimusan♪♪
♪♪Dali-dali n'yo pong bigyan♪♪
♪♪At baka kami'y mapagsarhan♪♪
♪♪Ng pinto ng kalangitan♪♪

"Nay, nangaluluwa nariyan sa labas
Narinig ko silang kumantang matimyas
Bigyan natin Nanay di naman madalas
Tuwing isang taon sa araw ng Undas"

Tayo ng maglinis at bukas ay handa
Magdala ng walis, ng trapo at timba
Magdala ng sabon at puting pintura
Huwag kalimutan ang ating meryenda

Ngayo'y malinis na at trapal ay kinabit
May mga bulaklak sa gilid sinukbit
Nagpintura na rin mag-ingat madikit
At baka sa damit pintura'y kumapit

Araw na ng undas tayo ng pumunta
Handa na ang lahat bitbit isa-isa
Puto't dinuguan may "fried chicken pa"
Espageting masarap inumi'y handa na

May dalang bulaklak at kay halimuyak
Kadila'y may sindi anghel pumalakpak
Ngayo'y pyesta nila wala ng iiyak
Pagkaraming tao lahat ay gumayak

Dumating ang ibang mga kamag-anak
May suman na dala, kakanin, nilupak
Tayo ay magdasal mamaya'y papapak
Mga dalang baon tayo'y mapasabak

Oh magkainan na buksan ang pagkain
Habang nagkwentuhan dala ay papakin
Pagkaraming baon sobra pa sa atin
Bigyan mo ang iba para mabusog din

Ngayon ang kandila ayan natunaw na
Sa kamay ni Totoy kanyang kinamada
At hinimas-himas at naging bilog na
Mabangong kandila ngayon ay bola na

Araw ay natapos nagdasal ng masidhi
Kwentuha'y kay sarap lungkot ay napawi
Halakhaka'y sobra muntik mapaihi
kandila'y kunti na pwede ng umuwi


Madilim ang bahay ang ilaw puro patay
Inay may kaluluwa dito nyahhhh.....
  

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...