MASAYANG PAGLALAKBAY PA HAWAII INA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a.Wee-ween Reyes,10/18/2011
Luha'y naghabulan sa mata'y nalaglag
Pilit kinukubli sa ina na liyag
Puso'y nilakumos lukot ng nilatag
At tabi-tabingi kahit na ipagpag
Luha ay umagos habang lumalakad
Pilit tinatago damdaming lumantad
At ng makalayo ngumoyngoy sa palad
Tigmak itong luha bumaha ang syudad
Alog ang balikat hindi na pinigil
Pagkat nag-iisa linabas ang gigil
Katawa'y nanginig sa sobrang pagsikil
Damdami'y ilabas masama magpigil
Pa'no kita ina mapigil umalis
Puso mo'y nasanay sa lupang ninais
Mga kaibigan ay walang kaparis
Kasamang nanahan sabay nagbungisngis
At sa 'yong pag-alis inang aking mahal
Pabaon ko sa 'yo'y pag-ibig at dasal
Kasama ang lahat sa'yo'y nagmamahal
Mag-iintay kami at hindi mapanghal
Paalam na ina sana'y gabayan ka
Sa iyong pag-alis ng ating D'yos Ama
Sana ay mabuti at laging masaya
At laging mag-ingat sa mga disgrasya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment