HANGGANG KAILAN PACMAN?
(Senaryo sa laban ni Pacman)
Inspirasyo: Manny pacquiao
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/8/2011
Ang dyipney di nagbyahe
lahat hindi umihi
tumunganga sa T.V.
Ang nag-oopisina
ay tumigil gumawa
lahat ay naantala
Mga tao sa parke
manonood ng sine
"screen" palang malaki
Pagkat Packman ng bayan
susugurin na naman
itong kanyang kalaban
Ang mundo ay tumigil
ang tao ay nanggigil
durugin ang suwail
Sila'y pinakilala
pinakita sa madla
ngayon ay magsimula
Lahat pinaliwanag
Unang "round" ay tinawag
Sila'y nagpakatatag
Gumitna ang repere
nagsimulang dumali
suntok doon at dini
Sumugod na si Pacman
at agad inupakan
itong kanyang kalaban
Tinamaan ng kunti
ngunit ito'y bumawi
si pacman ay nangiwi
pangalawang "round" naman
at muling nagtinginan
at muling naggirian
Tinamaan ng sutil
nagalit, nagkapangil
at gusto ng kumitil
Sumugod ng deretso
akala mo ay turo
susungkiin ang tao
Tumama ay solido
at dumugo ang noo
kalabang mexicano
Gumanti'ng Mexicano
sapol ang Pilipino
binalikan s'ya nito
Pangatlong round tinawag
ang buntot ay kumawag
kamao ay matatag
Pagkat ang Pilipino
ay matigas ang buto
nasaktan ang Mexicano
Ito ay inundayan
at muling binanatan
Mexicano'y duguan
Isang matinding suntok
ito'y di nakapiyok
parang nahilong manok
Ito'y biglang kumisay
mga paa'y bumigay
sa lapag humandusay
Ang repere'y lumapit
kamay ay inilawit
at nagbilang ng saglit
isa, dalawa, tatlo
at hanggang ito'y sampu
ay di na nakatayo
At itinaas naman
itong kamay ni Pacman
natapos na ang laban
Si pacman ay tumungo
lumuhod pa sa kanto
at nagdasal na ito
Pagkat itong si pacman
ang D'yos tinatawagan
kapag s'y ay lumaban
At pag nanalo naman
pinasasalamatan
sa D'yos utang ang laban
Ang pera'y sobra-sobra
humiga na sa kwarta
lahat nakuha mo na
Ang ibinigay ng D'yos
ingatan mo ng lubos
ng ito'y di maubos
Tumigil na sa laban
ingatan ang katawan
magpahinga na Pacman
Wag ubusin ang lakas
mag-isip kung may oras
habang ika'y malakas
HUwag mo ng hintayin
si Ali ay gayahin
at sakit ay manahin
Naipakita mo na
pagmamahal sa bansa
iyon ang mahalaga
Pwede namang tumulong
maraming bumubulong
sa tenga'y dumagundong
Bigyan mo ng panahon
ang sarili'y iahon
tapos na'ng obligasyon
Ako'y bubulong sa D'yos
at dadasal ng taos
na ika'y makaraos
Mabuhay aming Pacman
sana ay huling laban
mangako sa ating bayan
Pagkat ang kagaya mo
kailangan ng tao
kapwa mo Pilipino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment