Wednesday, February 22, 2012

ISANG NAKAKATAKOT NA GABI

ISANG NAKAKATAKOT NA GABI
Ma.Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/21/2011

Ng pumanaw si Inang
dili-iba't ang byanan
siya'y taga Bulacan

Sabado pa lang noon
kami'y tumakbo doon
paglamay aming layon

Noon ay nagpaalam
kinausap ang b'yanan
parang tumango naman

Kayat kinabukasan
bahay ay binalikan
at baka manakawan

Dumating na sa bahay
inayos pamumuhay
mag-iiwan ng bantay

Pamilya'y babalik na
sa b'yanan ko ang punta
ang gamit inihanda

bago sila umalis
likod ko ay pinalis
at may ibong dumaplis

Ngunit wala raw naman
at sila'y napaalam
gagabihin sa daan

Ng sila'y malayo na
ako ngayo'y mag-isa
takot ay baliwala

Ng ako'y mapalingon
sa likod galing iyon
bangko'y umingit ngayon

Ngunit ng aking tingnan
walang kababalaghan
puro katahimikan

At ngayon ay gabi na
ang bantay ay wala pa
ngayo'y walang kasama

Umakyat na sa taas
kay tapang sa pangmalas
mata'y ayaw ibukas

At nahintakutan na
si Inang naalala
ang kumot ay nagdusa

Talukbong ng mahigpit
kumot halos mapunit
ang bagang ay nagngitngit

Nangalog na ang tuhod
Nabaluktot ang likod
Parang may nakatanghod

Nilakasan ang loob
ang mukha'y nakasubsob
ang takot ay lumukob

Nanginig ang katawan
ang takot naramdaman
ako'y nahintakutan

"Inang kung ika'y nand'yan
ako ay duwag naman
pasensya at layuan"

At ako ay nagdasal
"Ama Namin" ang usal
kahit ulo'y kumapal

Ang tagal ng umaga
mas lalo ngang humaba
parang inaantala

Oras nakakainip
hanggang sa mapaidlip
ang mukha'y nakatakip

Hanggang ako'y magising
para akong nalasing
o sa bangungot galing?


Ay tutuo nga talaga....
May istorya ka rin ba? Ikwento mo na.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...