Saturday, February 25, 2012

SIGI MAGPAKASAMA KA!!!

SIGI MAGPAKASAMA KA!!!
(Masaya ka kaya?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/03/2012

Bakit ang mga aso
ay mabilis tumakbo
kumakahol pa ito

Bakit iyang palaka
komokokak-kokak pa
para lang kumakanta

Bakit ang mga manok
maagang tumilaok
parang merong nalunok

Bakit ang mga baka
Ay laging umuunga
Nakakain ng nganga

Bakit ang mga pusa
Ngumingiyawngiyaw pa
Nakahuli ng daga

Bakit ang mga baboy
Panay panay ang laboy
Heto't nag oink oink tuloy

Bakit ang mga ibon
Nag twit twit sa maghapon
Panay din ang limayon

Bat di tumulad sa aso
Sa palakang lumukso
Sa manok na umupo

Sa baka at sa pusa
Sa baboy na mataba
Sa ibong nagsalita

Bakit tao'y ganito
Gusto lagi ay gulo
Tinago ang talino

Bakit hindi bumait
Iwasan ang mainggit
At galit ay iwaglit

Ikaw ay may damadamin
Bat ayaw mong gamitin
At maging masayahin

Bakit hindi magsaya
Tumawa at matuwa
Ng ikaw ay bumata

Tingnan mo ang sarili
Lagi kang nakangiwi
Puso mo ay kayhapdi

Tao'y mapagpasensya
Humingi ng dispensa
Lahat sa yo'y maawa

Masarap ang magsaya
Buhay nati'y gaganda
Mawala ang problema

Ito ay pakiusap
Sa amin ay humarap
Halakhak ay kaysarap

Itong grupo ay handa
Sa kasiyaha't tuwa
Tayo ay samasama

Kaya't tayo'y magdasal
sa "Kanya" ay umusal
S'ya ang Puong Maykapal

Sana ay pagpalain
KUng ikaw ay tigasin
Paano papalarin

Halina at tumawa
halina at matuwa
halina at magsaya

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...