Wednesday, February 22, 2012

PAGBUKLOD NG PAMILYA

PAGBUKLOD NG PAMILYA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/12/2011

Anong nangyayari sa kapaligiran
Mga magpamilya ay nagbabangayan
Ang mga kilala sa ating lipunan
Ay sila pa ngayon ang merong hidwaan

Ang isang pamilya ay dapat may basbas
Ng ating D'yos Ama at hindi ni Hudas
Pagkat ang pamilya na meron sa labas
Ay hindi maayos at may alingasngas

Ang sagradong kasal ating respetuhin
Huwag magkasala isip ay linangin
Itong ating buhay kahit saan dalhin
Turo ng magulang ay laging isipin

Ang ating pamilya ay ating sinupin
Bigyan ng panahong pagbukludbuklurin
At ang mga anak ating intindihin
Atin ding sikapin sila'y pag-aralin

Dalhin sa simbahan at ilapit sa D'yos
At sila'y turuan nitong sampung utos
Pagkat mahalaga at gabay sa unos
Batayan ng buhay pag-aralang lubos

At ang mga anak ating subaybayan
Mula pagkabata ay ating simulan
Hanggang sa lumaki tayo ay nariyan
Sa lungkot at tuwa at kaligayahan

Materyal na bagay ay huwag sanayin
Sila ay turuan tayo ay mahalin
At bigyan ng oras na makasama rin
At ang pagmamahal and'yan sa damdamin

Ang isang pamilya dapat magsunuran
Iwasang tumubo ang mga inggitan
At dyan magsimula ang inyong awayan
Katulad ng iba sila'y magpatayan

Itong aking payo inyong pag-isipan
Pagkat mahalaga ang pagmamahalan
Sa buhay ng tao ating kailanagn
Magdasal palagi at sa D'yos Tumangan

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...