Wednesday, February 22, 2012

MARAMING SALAMAT SA LAHAT!


MARAMING SALAMAT SA LAHAT!
(Galing sa puso ni Terwina)

(NONG AKO'Y IPINANGANAK)

Nobyembre sinko na nga
"birthday" ko ay tapos na
ako ay maligaya

Ako ito si Wee-ween
si "we win" ay ako rin
iniba lang ispeling

lumaking t'yan ni nanay
at ng ito'y bumigay
ako ay nagkamalay

Inanak ng eleksyon
Nobyembre pala noon
wala ng mga Hapon

Kanilang kandidato
si Doktor Mayuga po
nanalo sa kongreso

Natuwa ang tatay ko
"we win" daw at panalo
magandang pangalan ko

Lumaki ng matulin
"We win" ay naging Wee-ween
"we won" nama'y pangit din

(KAPAG GALIT SI NANAY)

Ako ay si Terwina
at terwina din pala
tawag pala'y galit na

Ang tawag n'yang pasinghal
pag pasaway at hangal
nong wala pang sal'wal

Pag ako ay makulit
o siya ay nagngitngit
may kurot pa sa singit

Hanggang ako'y lumaki
kaibiga'y aataki
'tong tawag na matindi

Sa kanila ay tuwa
ang hatid ng Terwina
sila ay siyang-siya

At para rin musika
dito sa aking tenga
pag itong tawag nila

Kahit hindi na galit
Kahit di nanlalait
Terwina parang Langit

(DALAGA NA SI TERWINA)

Nang ako'y nagdalaga
marami ng amiga
at amigo din pala

Tumawa ang barkada
ang ngalan ay pambata
ang Terwina'y iniba

Terwina'y naging "wines" na
pinalitan ng iba
ngayon at dalaga na

Silang nagpalit nito
hindi makareklamo
tao'y nagmomoderno

Sila ay natutuwa
ang "Wines" pang Amerkana
maganda raw sa tenga

Ako rin ay masaya
"feeling" ako'y moderna
ngalan ay imported pa

Pag merong nagtatanong
sa akin lang ang dunong
hahaba pa ang pulong

(ANG PANGALAN SA LANGIT)

Mga bansag lang naman
iisa lang ang ngalan
doon sa kalangitan

Maria ay "Maria"
nanay ng Diyos Ama
sa ngalan ko ay una

Crozalle ang susunod
kahit sinong sumugod
ay tiyak malulugod

C......Capiz, probinsya ng nanay ng tatay ko
R......Romblon, ako ay Romblomanon
O......Odiongan,ako ay Odionganon
Z
A
L......ang tatay ko si riZAL
L
E......ang nanay ko si LEtty

Pinagmamalaki ko
ang tatay kong humayo
ang pamana'y ga mundo

Odiongan aking banwa
Romblon aking probinsya
Itong kanyang pamana

Kahit sa buong mundo
iisa ang ngalan ko
s'ya ang nagkarpentero

Salamat aking tatay
kahit ako'y nalumbay
Diyos ang aking gabay

Ako'y simpleng tao
hindi gustong magulo
gusto'y kasama kayo

Maraming salamat sa lahat ng nagpasaya sa
akin sa araw ng paglabas ko sa sanlibutan...

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...