Saturday, February 25, 2012

BAGONG PAG-ASA SA BAGONG TAON!



BAGONG PAG-ASA SA BAGONG TAON!
(TWEENTY TWELVE O DOS MIL DOSE)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/31/2011

Oh kaysayasaya ito't narito na
Sang dosenang tuwa't puno ng pag-asa
Lumukso't sumigaw ipadyak ang paa
Ating salubunging may galak at saya

Tayo ay magbago't galit ay iwaksi
Tanggapin ang taon ialis ang hapdi
Ng ating kahapong sa ati'y lumungi
Harapin ang bagong may tamis ang ngiti

Baguhin ang ugali't ang inggit alisin
Turuan ang puso ang budhi'y linisin
Ang buhay gagaan ang sa'yo'y tanggapin
Ang bigay ng Diyos ating pagpalain

Itong dos mil dose ang dala'y marami
Sang dosenang swerti kung sakasakali
Haluan ng tyaga tayo'y magpunyagi
Kaya nga't ang tao magsipag palagi

At sa pagsalubong nitong bagong taon
Tayo'y tumingala sa Kanya'y tumugon
At tayo'y umusal sandaling lumingon
Ating iiwanan ang nalumang taon

Ilang oras na lang at tao'y magpalit
Namnamin ang lahat iwan ang pasakit
HUmingang malalim ibuga ang galit
Dibdid ay gagaan ngumiti sa Langit

Salamat, salamat sa 'yo dos mil onse
Sana ay natuto may leksyong nauwi
At ngayon pagharap may ngiti sa labi
May baong pag-asa itong dos mil dose

Salamat Oh Diyos sa nagdaang taon
Maganda at pangit lahat ay may rason
Pagkat nananalig sa 'yo Panginoon
Kami'y naniniwala ikaw ang aahon

Tayo'y humalakhak tayo'y pumalakpak
Tayo'y nakaraos sa taong kay payak
At sa bagong taon tayo ay pumadyak
Tayo ay lumukso sahig ma'y mabitak


MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT
SALUBUNGIN ANG DOS MIL DOSE NG MAY TUWA AT GALAK!!!!

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...