
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
Sa karimlan ng buhay
ikaw ang aking gabay
sa labas man o bahay
Kung buhay ko'y madilim
at natakot sa lagim
mukha ay makulimlim
Para lang isang bulag
ang buhay ay halaghag
talo pa isang bihag
At ngayo'y mangangapa
para lang isang bata
mata'y puno ng muta
Ngunit kung ika'y nand'yan
buhay at kapalaran
ay masusubaybayan
Ikaw pa rin ang tanglaw
pag ang araw naligaw
at hindi nakadalaw
-o-o-o-o-ILAW-o-o-o-o-
No comments:
Post a Comment