SANA MATAPOS NA ANG MAGDAMAG
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/21/2011
Sinundo ako minsan
ng aking kaibigan
merong dalang sasakyan
Hindi ko matanggihan
ng ako'y anyayahan
sapagkat kahiyaan
Dumating ang kapatid
galing Japan di batid
sa 'kin takot ang hatid
Sasakyan ay tumakbo
palingon-lingon ako
takot sa mga tao
Isip ko'y mababaril
at masundan marahil
noong mga suwail
Pagkat itong kasama
biktimang nakalaya
sa kapwang masasama
Noon ang kapamilya
ay na "massacre" sila
anim ang nadisgrasya
Ang isa ay nabuhay
ang akala ay patay
siya ngayon ang pakay
Hindi pa nakontento
tinakot pa ang tao
tatanggalan ng ulo
Ang masama pa nito
Pag tinanong ang apo
lola nya'y kamukha ko
Ang lola n'ya'y namatay
binawian ng buhay
nong pinasok ang bahay
Kuwento sa pag-ibig
laman ko ay nanginig
palalo ang nanaig
Ito nga kami ngayon
nakaumang ang kanyon
tuloy rin ang paglingon
At hanggang nakarating
ang bagang nakaigting
halos ngipi'y malibing
Nakahingang malalim
kahit mukha'y madilim
isip ay makulimlim
Sila ay nananago
ang salarin labas noo
walang takot mabuko
Ito nga ang kasuyo
At aking kinatagpo
sila'y patago-tago
Ng kami ay natulog
isip ko'y umiinog
kung saan iindayog
Kung sakaling palarin
silang mga salarin
ano ang aking gawin
Diwa'y gising magdamag
takot sa mga kumag
puso'y halos malaglag
Takot na takot ako
ngunit sila paano
ang buhay ay nagulo
Sana ay matapos na
magdamag nag-alala
puro takot at dusa
Ang dasal ko sa araw
agahan ang pagdalaw
makauwing may araw
Ako ay nagdarasal
sa 'ting Puong-Maykapal
sila po'y aking mahal
Sana ay mahuli na
salaring gumagala
parusahan may sala
Sana matapos na din ang inyong hirap....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment