Thursday, February 23, 2012

UNANG ARAW NG SIMBANG GABI



UNANG ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/16/2011

Tandang tanda ko pa noong ako'y bata
Itong simbang gabi ay alas dose pa
Kahit inaantok ako ay sasama
Doon sa upuan ako'y nakanganga

Ngunit sa pagtanda aking daladala
At ang nakagisnan tuloy sa pamilya
Gising ng maaga kahit puyat ka pa
Hahabol ng misa kami'y samasama

Ngunit bakit ano, ako'y nalilito
Umaga na ngayon simbang gabi ito
Hindi tulad dati iyan ay tutuo
Sino ang nagturo gabi ay nabago

Ngunit ano pa man ang kasasapitan
Oras ay mabago huwag kalimutan
Ang siyam na gabi ating pagtyagaan
At may endulhensya tayong makakamtan

Maagang gumising ang dalawang supling
At inalog-alog ako ay tumambling
Dali-daling tumayo ang mata'y naduling
Napuyat sa Face book kayo ang kapiling

Ngunit sa paggising biglang naalala
Usapan kagabi maaga't sisimba
Ngayon ay malinaw kami ay pupunta
Doon sa simbahan unang gabi pala

At ngayong umaga ay simbang gabi na
Kami'y dalidaling lumukso sa kama
At agad nagbihis baka mahuli pa
Marami ang tao pagkat ngayo'y una

Ngunit sa simbahan puno ang upuan
Kami'y nakatayo walang masandalan
Ngalog aking tuhod pagod naramdaman
Ngayon ay nadala bukas ay agahan

Kay sarap pakinggan si Father mainam
Sermon ay maganda aking ninanamnam
Kahit ako'y gutom at tyan kumakalam
Itong aking puso busog at mayaman

Sana'y maging siyam hanggang sa matapos
Ngayo'y una pa lang tayo ay kumilos
Ating isapuso upang makaraos
Unang simbang gabi simba ay malubos

Bukas simba ulit tayo ha.........
Mgandang umaga po!!!

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...