"LIPSTICK" SA IYONG LABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/22/2011
"Lipstick" lang naman pala
gusto ko ngang matawa
bakit ako tutula
Gusto ko ngang magsisi
bat ko kaya sinabi
tula ako'y hahabi
Natawa sa sarili
at ano meron dini
isang gamit sa labi?
Ah parang sira ulo
sa "lipstick" nagkagulo
aming mga kagrupo
Maghapong nagtawanan
"lipstick" ang katapusan
ng magulong usapan
May "lipstick" na maanghang
meron ding pangmagulang
kahit pangdalaga lang
May"lipstick" na mapula
meron namang maputla
merong parang mantika
Ngunit ano ba ito
isang gamit ng tao
ganun kaordinaryo
Aba teka, tama ka
ngunit importante s'ya
lalo na sa dalaga
Pwede rin sa baklita
kahit lalaki pa nga
lalo na sa artista
"Lipstick" lang pala siya
bakit laging kasama
sa bag nitong dalaga
Pag-aalis ng bahay
Sa labi'y maglalagay
ng "lipstick" na may kulay
Pagdating sa puntahan
punta ng "C.R."naman
"retouch" ang gawin n'yan
Kahit nga sa kalsada
kotseng nakaparada
Sa "side mirror" din pala
hayy...kaloka talaga
kahit sa dyip, taxi pa
sa kotse lagay din s'ya
Para bang di gaganda
at di rin s'ya masaya
kung ang "lipstick" ay wala
Ngunit pag hinalikan
ang labing nalipstikan
may papalag ba diyan
Kung mabura naman yan
Si irog ang dahilan
hindi ba kainggitan
"lipstick" lang ang pang-akit
sa binatang makulit
mapulang labi'y langit
Ang aking masasabi
"lipstick"ay importante
sa labi ng babae
Pakiramdam kayganda
kapag "lipstick" meron ka
parang isang prinsesa
Hayyy ewan ang sabi ni Ina "lipstick"
wag ipahiram kasi sa bunganga yan....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment