Saturday, February 25, 2012
ANG KABIT 1
"ANG KABIT"
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/20/2012
THE OTHER WOMAN 1
Loving you would not be that easy but life with you will be like lying in a bed of roses......Gwen Torres
UNANG YUGTO:
Nakilala ni Gwen si Onie through another friend sa isang birthday party. "Gwen si Onie officemate ko", pakilala ni Peter sa dumating na kaibigan. Matangkad si Onie, 5'11" samantalang si Gwen ay 5'7". "Onie here, sabay abot sa kamay na tinanggap naman ng dalaga. "Hi" Ngumiti na parang napapaso sa mga tinging pilyo ni Onie. "Oh Gwen, ikaw munang bahala d'yan sa kaibigan ko, bilin ni Peter,
"sasalubungin ko lang yong mga dumarating pang guests. Ingat ka d'yan, pilyo yan." Nakangiting birong may laman ni Peter.
"May kaibigan palang maganda itong si Peter di man lang nagsasalita." "Halos malusaw si Gwen sa mga papuri ni Onie at totoo, tinatablan s'ya at kinikilig. "kakainis ang lakas mambola, binata kaya naman ito? Pero in fairness ang lakas ng dating ha, lakas din ng kabog ng dibdib ko ah, parang may nagbobowling sa loob." "Hey Gwen, are you with me? Layo ata ng iniisip mo ah." "Hah? ah ano nga ba yon?" Ang napapahiyang tanong ng dalaga. At sabay na nagkatawanan na lang sila. Di kasi s'ya sanay na makiharap sa ganito ka confident na lalaki. Pero di naman n'ya masisi. "D'yos ko naman kahit sino naman sigurong makakilala dito mawawala din sa sariling gaya ko."
Nagsimula ang party, umalingawngaw hanggang sa labas ng venue ang boses ng Emcee. Napakagaling ng nakuha nila. Kayang-kayang buhayin ang party kaya't enjoy ang mga bisita. Kahit si Gwen at Onie ay siyang siya rin. "Without further ado, may we call on Miss Gwen Arguelles to give us a beautiful song. "Excuse me", sabi ni Glen kay Onie na mukhang nagulat, sabay tayo. Let's give her a big round of applause. At nagpalakpakan ang mga tao lalo na ng makita na ang kakanta pala ay parang si Brook Shields, Filipina version. Di maitatatwa napakaganda talaga ni Gwen at well poised, kahit sinong lalaki ay mapapalingon lalo't matangkad s'ya. Kahit galing s'ya sa mahirap na pamilya ay maganda ang upbringing ni Gwen kasi educated naman ang mga magulang. Di lang talaga sinuwerteng yumaman
♪♫♪"Tell me her name♪♫♪
I want to know
The way she looks
And where you go
I need to see her face
I need to understand
♪♪Why you and I came to an end♪♪
Napakalamyos ng tinig ni Gwen, tatayo ang balahibo ng kahit sinong
makakarinig. isa yon sa kanyang mga assets. Ngunit minsan magtataka
ka. Kahit anong ganda n'ya, kahit anong talino, maganda ang boses,
may tinapos, it seemed she has everything except money, ngunit bakit sawi pa rin si Gwen. Pera, pera lang ba ang batayan kahit sa pag-ibig?
♪♫♪Tell me again♪♫♪
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
♪♪Remembering when I was your own♪♪
Ang mga lyrics ng kanta'y parang bombang sasabog sa dibdib ng dalaga.
Kaya ito ang kinanta n'ya kasi angkop na angkop sa kanyang kasawian
ngayon. Biktima rin s'ya ng mapanlinlang na pag-ibig, pag-ibig na
sandaling napabayaan nong sumali s'ya sa beauty contest.
Napikot ang boyfriend n'ya. Nakabuntis ng 18 anyos, di raw pumayag ang
magulang na di pakasalan ang babae. Ang masama pa nito, it really
pours when it rains, talo na sa pag-ibig talo pa sa beauty pageant.
Pero kay Gwen, di ito oras para magpatalo sa nadarama. No use crying over spilt milk. Di na rin maibabalik kahit bumaha pa ng luha ang buong kamaynilaan. Kailangan n'yang lumaban. Kailangan pa s'ya ng pamilya n'ya at ang sarling kapakanan ay ipagpaliban muna.
♪♫♪I'll let you go♪♫♪
I'll let you fly
Why do I keep asking why
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow
Tell me the words I never said
Show me the tears you never shed
Give me the touch
That one you promised to be mine
♪♪Or has it vanished for all time♪♪
Sa kakulangan ng backer at sponsor na tutulong sa kanya sa mga
pangangailangan sa pageant ay di naging madali para makapasok sa top 5 si Gwen. Ni wala s'yang matinong costume, kahit mga kagamitan ay puro lang hiram sa mahihirap ding kaibigan. Kahit nga sapatos at damit nahirapan din s'yang manghiram dahil ang laki nya, Nagawan din ng paraan but not as expected so umuwi s'yang luhaan. Pero alam ni Gwen malayo pa ang mararating n'ya at ngayon pa lang nagsisimula ang kanyang buhay. Dumaan man s'ya sa kabiguan ay muli s'yang babangon at magiging clever na sa mga susunod na relasyon. Ang pagkatalo n'ya sa beauty pageant at ang pagkabigo sa pag-ibig ay lalong nagpatapang sa kanya para humarap sa buhay at magsumikap.
♪♫♪I close my eyes♪♫♪
And dream of you and I
And then I realize
There's more to life than only bitterness and lies
I close my eyes
I'd give away my soul
To hold you once again
♪♪And never let this promise end♪♪
Matapos kumanta ay maririnig ang malakas na palakpakan at ang sigawan ng audience....more, more ,more na muli naman n'yang pinaunlakan. Matapos ang pangalawang kanta ay bumalik na si Gwen sa gawi ni Onie. "Wow, ang galing! Ganda pala ng boses mo. Wala akong masabi", sabay hawak sa kamay n'ya si Glen. "Naging tagahanga mo ako bigla." 'Yong hawak na yon sa kanyang mga kamay ay di malaman ni Gwen kung bakit nagdadala sa kanya ng sensasyon. And also a feeling of relief. Parang nakakalimutan n'ya ang mga dinaanang heartaches. Hanggang sa makaupo na s'ya ay halos di bitiwan ni Onie ang kanyang mga kamay kaya di n'ya maintindihan kung paano uupo. "Ay sorry." At natawa na lang sila sa kanilang itsura.
Marami silang napagkwentuhan sa party. Tawanan, kulitan, dahil parehong walang kakilala doon ay nakontento na rin sa isat-isa. Hanggang matapos ang party at mag-uwian ay nagkaroon na sila ng closeness na akala mo ay matagal ng magkakilala Dahil halos di na naasikaso ni Peter si Onie ay sila na ni Gwen ang magkasama throughout the entire night. Masayang kausap si Onie at masyadong mataas ang confidence level. Mestizong, maamo ang mukha, at isang successful businessman and mind you, with oozing personality, kayat madaling mahulog ang loob ng kahit sinong babaeng makadaong palad n'ya. Kahit si Gwen na kagagaling lang sa mapait na relasyon ay nag sisirko sirko ang puso sa mahabang oras na magkasama sila ng di sinasadya.
Matapos ang party ay di pumayag si Onie na hindi maihatid si Gwen sa bahay nila sa Mandaluyong. Kahit nahihiya ang dalaga, dahil simple lang ang tirahan nila ay napilitan na rin sa sobrang pangungulit sa kanya. Tinginan ang mga kapitbahay pagdating nila dahil sa bagong bagong mamahaling sasakyan ni Onie.
"Di na ako papasok baka makaisturbo pa mag-uumaga na eh" "ok sigi,
salamat sa paghatid." Ngunit bago umalis si Onie ay iniabot ang CP nya kay Gwen, "ilagay mo number mo." pagbalik ni Gwen sa CP, akmang aalis na si Onie pero lumapit muna kay Gwen sabay halik sa pisngi, "thanks for the nice evening." Nabigla man sa ginawi ng bagong kakilala ay wala na ring nagawa si Gwen. Isip n'ya ganun lang talaga siguro ang mayayaman pag nagpapaalam.
Hawakhawak pa n'ya ang pisngi pagpasok sa bahay. Parang natuka ng ahas sa pagkabigla.Ang bilis ng loko ah, natatawang isip n'ya, medyo kinilig ng bahagya. Naglinis ng katawan si Gwen at nagpalit ng pangtulog. Kung maaari nga lang huwag hilamusan ang kanyang pisngi para di mabura ang halik ni Onie. Ngunit di pwede sa kanyang matulog ng di naglilinis ng katawan lalo ang mukha. Kumuha s'ya ng bulak at nagpahid ng moisturizer. Alam n'ya kahit hilamusan n'ya ang kanyang mukha di natatanggal lahat ng ipinahid dito. Maingat sa kanyang mukha si Gwen. Lagi n'yang isinasaisip ang mga katagang galing kay John Keats, "a thing of beauty is a joy forever".
T'was a long sleepless night for her. A great experience, She's 22 and had not experienced to be elated by someone who is so handsome and wealthy like this new acquaintance. A foreign feeling, maybe because she was brought up with a poor family and an attention coming from this man is really heaven to her. Di n'ya maintindihann kung ano ang iisipin sa mga ginawi ni Onie. Unti-unti ay may namumuong tanong sa kanyang isip. Ngunit nahihiya s'yang isipin. Paano nga
naman magkakagusto ang isang mayaman sa isang mahirap. Heaven and Earth ang pagitan nila. Pero hindi n'ya maiwasang matuwa.
Napakasarap damhin kapag may nagpapakita ng importansya galing sa isang mayamang tulad ni Onie, Isang lalaking napakalakas ang appeal. Para kang nasa alapaap at ang mga nakakatuwang gestures n'ya habang magkasama sila sa party ay isang nakakakiliting experience para kay Gwen. Ngunit kahit banayad lang nakatulog ay kailangan n'yang tumayo kinaumagahan. Kailangan n'yang asikasuhin ang mga requirements sa inaplayang trabaho.
Maaga pa lang ay naligo na si Gwen at bumalik sa kompanyang pinuntahan n'ya ng nagdaang araw. Pursegido s'yang makakita ng trabaho at matulungan ang kanyang pamilya na nagpakahirap makatapos lang s'ya. Tumatanda na rin ang kanyang mga magulang at apat pa ang mga kapatid na pinag-aaral. Sadyang napakahirap isipin na sa hirap ng buhay ay nagagawa pa ng iba na sayangin ang mga oras sa walang kwentang bagay. To her, time is gold. Kailangang magmadali para kumita at makatulong sa pamilya.
At sa paghakbang ni Gwen papalabas ng pintuan ay di n'ya alam kung
anong swerte ang naghihintay sa kanya sa labas sa maghapon. Pababayaan na lang n'ya kung saan s'ya dalhin ng kapalaran......
--------------------------------- A B A N G A N -----------------------------------
Read the next Chapter
ANG KABIT 2 ANG KABIT 6 ANG KABIT 10 ANG KABIT 14
ANG KABIT 3 ANG KABIT 7 ANG KABIT 11 ANG KABIT 15
ANG KABIT 4 ANG KABIT 8 ANG KABIT 12 ANG KABIT 16 (END)
ANG KABIT 5 ANG KABIT 9 ANG KABIT 13
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment