BABALA!! DE SABOG ANG TULA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/31/2011
Bagong taon na naman
Lahat nagkatuwaan
At nagkakasiyahan
Problema'y nakalimutan
Kabikabila pa nga
At walang patumangga
Sasabog ang yong diwa
Putok ay nakamangha
Ngunit diwa lang kaya
Sana nga'y di malala
At lahat ay mabigla
Sa masamang balita
Bagong tao'y pag-asa
At hindi pagdurusa
Iwas sa di maganda
Makita ang umaga
Putuka'y maririnig
Kahit saan mang panig
Kahit buong daigdig
Lahat ay mayayanig
Aya't nagsalimbayan
Ang lakas ng putukan
Para lang katuwaan
puro lang payabangan
Merong tawag ay bawang
Ang lakas makabuwang
Ngayon may nakalamang
Parang bombang inumang
Mga bago'y marami
May Pla-pla at Kabasi
Giant Whistle bomb dini
Bin ladin di'y matindi
Kahit ako'y nanginig
Malamya't umiibig
Goodbye Bading narinig
Malakas makayanig
Malaking triangulo
Kasinlaki ng braso
Makapatay ng tao
Goodbye Philippines ito
Ngunit bakit ganito
Maraming parukyano
Kahit pa delikado
Matitigas ang ulo
Kalokohan nga kaya
Ang nakasanayan na
Bagong tao'y kawawa
Kung paputok ay wala
Meron bang pagbabago
Kung putuka'y ganito
Ang tao'y mamiligro
Sa nakagawian n'yo
Ito'y isang babala
Aksidente'y malala
Kung lalapit kang kusa
Sa sarili'y maawa
Ito ri'y paalala
Lumayo sa disgrasya
Huwag mamulot pala
Pag hindi sumabog pa
Mahalin ang katawan
Ang buhay ay minsan
Wala 'tang karapatan
Abusuhi't pabayaan
Oh, kayhirap mabuhay
Kung maputol ang kamay
Paningin ay mawalay
Ano pa ating saysay
Maawa ka maawa
Itong katawang lupa
Pahiram ni Bathala
Tayong pinaalaga
Boommmm, Booommmmmm
Ayan nahhh! takbo nahhh!
Ang buhay ay mahalaga.........
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment