Wednesday, February 22, 2012

Sa Iyong Kandungan Inay


Sa Iyong Kandungan Inay
(para kay Ma'am Lettie Festin Magango
inspirasyon: mensahe ng anak nya sa FB)

Kantahan mo Inay ligaya ang dulot
Iugoy ang duyan tulog ko'y maudlot
Habang minamasdan bunso mong 'sang dakot
Hinlalaki'y subo lagi'y inuot-ot

Mula unang hakbang ay inalalayan
At sa abakada ako'y tinuruan
Pagbilang ng isa, dalawa'y dagdagan
Tatlo, apat, lima, nakasampu naman

Ng puso'y lumukso dibdib ay kumabog
'Di maintindihan puso'y umindayog
Pag-ibig umusbong sa kanya'y nahulog
Si Inay nagpayo bago nakatulog

Sa aking paglaki nag-aral, nagtapos
Katuwang ni Ama si Inay pagkilos
Ngunit aking ama'y kinuha ng Diyos
Naiwan si Ina sa gitna ng unos

Kamukha si Inay ng Birheng Maria
Nagtiis gabayan ang anak mag-isa
At nangibangbansa nawalay sa kanya
Pangarap maabot at di na umasa

Pahayag kay Inay ako ay sumulat
mata ko'y pumula luha ay maalat
Sa aking pagtawid sa karagatan't dagat
Puso ay naghanap pero laging salat

"Inay, sa paglayo aking napagtanto
Ako ay namanglaw at hungkag ang puso
Ang hanap na lugar ay may magsusuyo
D'yan sa 'yong kadungan bakit pa lumayo


"Orihinal na mensahe sa FB ng isang anak na
seaman para sa kanyang ina kung saan naging
inspirasyon ko sa paghabi ng tulang ito......

Steve Bryan Magango: mama, ive always search
for the place i wanted to be. a place full of care,
comfort and love.. endeed,after crossing the vast
oceans and seas i realized im mislead for what im
searching for is to be with the arms of MOTHER.
coz in your arms mama i'm HOME.
June 18 at 12:02am

Lik

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...