MGA OFW, BAYANI NG BAYAN
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/16/2011
Ang gusto kong itawag
sa nakitang lagalag
bayani't wag pumalag
Bakit baga bayani
ang aking pagpupuri
galit ba ang marami?
Kung inyong nakikita
itong aking nakita
kayo ba matutuwa?
Sila ay nagtitiis
saan man maihagis
kahit kutis makinis
Sa isang kumot nga lang
pag ang tulog ay kulang
sa sahig naghambalang
Mabuti nga kung sahig
sa bahay mayrong banig
sa kalsada'y natabig
Wala ka nga bang puso
luha mo'y di tumulo
sa nakitang ganito?
Bakit hindi bayani
tawag sa mga ere
nagtiis namayani?
Di bat sila ay anak
dito ipinanganak
tayo'y nakatitiyak?
Nagtiis at naghirap
tinupad ang pangarap
pag-asa ay kinalap
Ito ay sa bayan din
bawas ang problemahin
at magulang nagpakain
Hindi ba yan ay tulong
pag buhay naisulong
itong bayan uusbong?
Pag ang tao ay pobre
problema na malaki
ng isang presidente
Di pa ba maliwanag
bayani ang itawag
kahit kayo'y papalag?
Wala akong magawa
damdamin ay naawa
pagmamahal nadama
Mga OFW para sa akin
kayo ay bayaning tunay....
No comments:
Post a Comment