Wednesday, February 22, 2012

ISANG TASA NG UMUUSOK NA KAPE

ISANG TASA NG UMUUSOK NA KAPE
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/11/2011

Isang tasang kape mainit at swabe
Sa inyo ay alay ngayong gabing-gabi
Para lalamunan mainitan lagi
Dito sa tawanan ay 'di magpalugi

Halina't higupin ng isip tumulin
Haya't mainit pa ang sarap namnamin
Parang nanunuot sa ating damdamin
At makapagtula kung ako'y palarin

Paggawa ng tula utak ay mabilis
Mainit na kape ang kanyang kaparis
Pagtipa sa "keyboard" para s'yang hagibis
Parang tumatakbo pagkabilisbilis

Kaybango ng usok sa ilong sumuksok
Pakiramdam ko nga damdami'y umusok
At ang aking tula biglang bumulusok
Nahugot sa puso 'di naman pumiyok

Hmnn napakasarap ako'y napapikit
Aking pakiramdam ay biglang uminit
Napawi ang lamig sa anit nadikit
Hindi lang tumula ako'y napaawit

Salamat sa kape ako ay masaya
Sapagkat ang dulot ay init at ligaya
Itong mga taong sa puyat nagdusa
Isang tasang kape buhay ay masigla

OH kape na kayo d'yan habang mainit pa....

ISANG TASA NG UMUUSOK NA KAPE
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/11/2011

Isang tasang kape mainit at swabe
Sa inyo ay alay ngayong gabing-gabi
Para lalamunan mainitan lagi
Dito sa tawanan ay 'di magpalugi

Halina't higupin ng isip tumulin
Haya't mainit pa ang sarap namnamin
Parang nanunuot sa ating damdamin
At makapagtula kung ako'y palarin

Paggawa ng tula utak ay mabilis
Mainit na kape ang kanyang kaparis
Pagtipa sa "keyboard" para s'yang hagibis
Parang tumatakbo pagkabilisbilis

Kaybango ng usok sa ilong sumuksok
Pakiramdam ko nga damdami'y umusok
At ang aking tula biglang bumulusok
Nahugot sa puso 'di naman pumiyok

Hmnn napakasarap ako'y napapikit
Aking pakiramdam ay biglang uminit
Napawi ang lamig sa anit nadikit
Hindi lang tumula ako'y napaawit

Salamat sa kape ako ay masaya
Sapagkat ang dulot ay init at ligaya
Itong mga taong sa puyat nagdusa
Isang tasang kape buhay ay masigla

OH kape na kayo d'yan habang mainit pa....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...