PUPUTOK ANG BUTSE
(Lahat maturete)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-een Reyes, 12/15/2011
dinikdik at pinitik
sa lupa ay tumalsik
sa mundo ay ihasik
sa dibdib ay may tinik
ng isadlak sa dilim
ay tila nga malalim
puso ay naninimdim
parang sukang maasim
ngunit katahimikan
ay sadyang panindigan
ang D'yos ay aasahan
lahat ng kagipitan
pumanglaw man ang araw
at gabi ay dumalaw
puso'y di mabulahaw
maghihintay ng linaw
puso ay sumisigaw
dumugo nagpalahaw
kusang umalingawngaw
uhaw hindi matighaw
hanap ay katarungan
sa abang naisahan
bibig ay binusalan
gusto'y katahimikan
lugmok na'y sinipa pa
pinahalik pa sa lupa
dayukdok ang lumapa
may kasama pang sawa
may tao ngang kay sama
mahina'y kinawawa
sa puso ay nawala
ang hagod ni Bathala
ngunit ako'y nagdasal
pagpalain ng Maykapal
taimtim na umusal
sana sila'y magmahal
D'yos ang may kagustuhan
kung anong kapalaran
kung ano ang paglagyan
tanggapin at ingatan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment