BUHAY "ABROAD"
(ang tulang ito ay hinango sa post na umiikot
sa FB, nasa ibaba ng tula ang original post)
Tula ni Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 10/1/2011
Akala ng iba sa "abroad" kaysaya
Marami kang pera laging magpadala
Hindi nila alam puro pagtitiis
Para makaipon't padala'y di mintis
Akala ng iba ikaw ay mayaman
Ang kotse na gamit 'di pa nabayaran
Hindi nila alam milya-milya pala
Ika'y maglalakad kung sasakya'y wala
Iba't ibang bansa mga dyipne'y wala
Wala ring traysikel na pumapasada
Wala ring de padyak na pwedeng matawag
Paano nga kaya kung hindi matatag
Akala ng iba masarap sa "abroad"
Maraming trabaho't ito'y sunud-sunod
Dapat lang kumayod umaga't maghapon
Maraming bayaran dapat makaipon
Dapat ngang kumayod mga "bills" bayaran
Meron pa sa kotse, ilaw, tubig pa yan
Meron ding "insurance" bahay at iba pa
At mga "cedit cards" na babayaran n'ya
Hindi pwedeng tambay sa 'yong kapitbahay
Sapagkat sila rin todo hanap-buhay
Para may pangbayad at may ipadala
Sa mga naiwan kay daming problema
Akala ng iba dito ay masaya
Pagkat may letratong sa "picnic grooves" kuha
Mukha ay maganda hindi mukhang pagod
Nagbayad ng dolyar ngiti ay kay lugod
Akala ng iba malaki ang kita
Pagkat dolyar't euro bayad sa kanila
Kapag pinadala malaki ang palit
Ngunit ang sa "abroad" sila'y nagigipit
At ang Kinse pesos presyo ng sardinas
Ay presyong dolyar din ang bili sa labas
Tinapay dos pesos sa labas dolyares
Ang upa ng bahay mataas pang labis
Maraming naghangad lumabas ng bansa
Kahit "post order bride" siya ay payag na
Hindi alintana ang kahihinatnan
Lahat ng trabaho'y kanyang papasukan
Manggagawang normal nitong ating bansa
Sa trabaho'y hirap katawa'y pagod pa
Pagdating ng sweldo sa pagkai'y kulang
Walang magagawa pagkasyahin na lang
At ganun din itong iba't ibang bansa
Sa Hongkong, Middle East, US at Canada
Kahit sa Europa o kahit na saan
Magbanat ng buto kung gustong yumaman
...........................................
"Mapalad ang isang taong ang lakad ay sa
Panginoon, sapagkat ang kanyang panyapak ay
tungo sa kapayapaan at buhay".....
..............................
............
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
BUHAY ABROAD: Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa abroad ka madami ka ng pera. Ang totoo, mukha lang madami kasi panay ang padala mo sa kanila sa Pinas habang ikaw ay puro pagtitiis sa labas. Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa ibang parte ng bansang pinag-abrodan mo... maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa ibang lugar, kailangan ng sariling sasakyan… Akala nila masarap ang buhay sa abroad.. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka magtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo; sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurances, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa mga picnic groves at parks at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi nagbayad ka ng dolyar o euro+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dollars o euro na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dollars o euro din ang gastos mo sa abroad. Ibig sabihin ang dollars o euro mong kinita sa presyong ganon mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas, dolyar sa labas, ang 2 pesong tinapay sa pilipinas, dolyar sa labas, ang upa mo sa bahay na P5,000 sa Pilipinas, sa abroad sobrang taas. Madaming naghahangad na makarating sa ibang bansa... lalo na mga Pinay,..hahanap ng paraan kung papaano mangibangbansa, maging post order bride man basta makarating lang at di naiisip ang maging buhay o anong trabaho ang mapapasukan... Mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng Hongkong, middle east, mapaCanada, US o Europa …. Hindi ibig sabihin Dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay sa ibang bansa. ~~ "Mapalad ang isang taong ang Lakad ay sa Panginoon, sapagkat ang kanyang panyapak ay tungo sa kapayapaan at buhay"...from Hardy Caligtan, via Dan Alegre Robles, rephrased & reposted: 'EGL'
ReplyDelete