PANGATLONG ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/18/2011
Haiku 4-9-4
aba, aba
pangatlong araw na nga pala
ay kay saya
akala ko
kukunti na ang mga tao
at pangatlo
abay mali
marami rin ang pumarini
nagmadali
kaya kami
maaga ngayon ay maswerte
nakadali
nakaupo
kung nahuli pa ay nakupo!
walang banko
ganun na nga
ngayong umaga'y umulan pa
ambon pala
nagmisa na
si father ayan at malat na
boses wala
hay salamat
maswerte nga mata ko'y mulat
ako'y gulat
kagabi nga
ang bunganga ko'y nakabuka
nakanganga
kaya wagi
ako'y nagdasal ng mabuti
nakangiti
sana, sana
simbang gabi ay mabuo na
ay maganda!
kayo diyan
aba'y inyo namang simulan
habol naman
puyat na nga
nagtyatyaga tuwing umaga
nagsisimba
mabuti pa
ito ay tapusin ko na
tutulog na
sana magsimba ka rin tingnan mo sila...
No comments:
Post a Comment