TULA AY PAG-IBIG
Lihim na nagmasid ang plumang tahimik.
Ba't wala ng sigla ang kanyang paligid.
Hanggang sa lumuha may pait ang himig.
Mundo ng makata ay biglang nahindik.
Pag-ibig parati himig ng tulain.
May saya't may pait o kahit panimdim
Bundok na kay taas pilit aakyatin.
Kahit mga tala ay kayang sungkitin.
Kung may pagmamahal sa bawat paghabi;
kaya ring maghasik ng tuwa ang labi.
Kapag may pagsinta sa bawat kalahi
Daigdig kukulay, umaga'y may ngiti.
Ang bagsik ng isip at talim ng dila
Ay sining sa katha't maringal ang akda.
MCRR 2017 (Peb. 10)
Larawan (google)
No comments:
Post a Comment