Wednesday, February 22, 2012

ANG PAGLIKHA

ANG PAGLIKHA
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/23/2011

UNANG ARAW simula
ang Diyos ay gumawa
ng langit at ng lupa

Ang mundo'y walang hugis
wala rin itong wangis
kadilima'y kaparis

At "Siya" ay umusal
liwanag ay iluwal
nangyari ang dinasal

Liwanag ay sumilay
ang gabi ay humimlay
at sila'y naghiwalay

PANGAL'WANG ARAW naman
langit kanyang tinuran
ito ang kalangitan

At may nilagay pa nga
ang tubig sa ibaba
sa taas ay iba pa

At PANGATLONG ARAW na
ang tubig inipon "N'ya"
pinalabas ang lupa

Ang tubig naging dagat
ang lupa ay kinalat
damo't tanim umugat

Sa PANG-APAT na ito
bigyang ilaw ang mundo
buwa't araw narito

Itong mahinang araw
sa gabi ay tumanglaw
ang malakas sa araw

PANGLIMANG ARAW naman
ang tubig ay nilagyan
may buhay naglanguyan

Ang ibon nagliparan
nagkaroon ng kawan
oh kay gandang pagmasdan

PANG-ANIM NA ARAW
mga hayop gumalaw
gumagapang lumitaw

At ginawa ang tao
sa "Kanyang" pagkatao
lalaki't babae 'to

At ng makumpleto na
ang Diyos ay masaya
lahat ay nagawa "N'ya"

IKAPITO'Y tapos na
araw na pinagpala
dito "S'ya" nagpahinga

Daigdig ay nagawa
may langit na at lupa
may tanim at hayop pa

At binigyang hininga
taong galing sa lupa
may espirito pa nga

Nawa'y ating sinupin at pangalagaan
ang mundong "Kanyang" pinaghirapan.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...