MAG-INGAT KA INAY
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.ka. Wee-ween Reyes
Luha'y unti-unti namang sumusungaw
Gustong maghabulan pababa gumalaw
Parang ulan noon ng bagyo'y dumalaw
Ang tubig sa bundok ito't nabulahaw
Puso ko ay takot at iwas masaktan
Ayaw kung makita ang iyong paglisan
Pilit kong winala ang nararamdaman
Inay, ay kay sakit ng naiiwanan
Ako'y sadyang duwag sa katotohanan
Laging lumalayo problema'y takbuhan
Sapagkat ang puso'y lubos nasasaktan
Ang maisip ka lang luhang kabayaran
Puso'y gutay-gutay luha'y sandamukal
Dibdib ay mabigat damdami'y nasakal
Ako'y nagdurusa dahil ika'y mahal
At sasarilinin daanin sa dasal
"Mag-ingat ka inay", aking paalala
Baunin ang halik ito'y alaala
Kahit sa malayo iyong dinggin sana
Mga hinabilin laging dala-dala
Aking idarasal sa Puong Maykapal
Bigyan ka ng buhay na tigib ng sakdal
Pagkat aking Inay buhay naging banal
At ikaw sa "Kanya'y" laging nagdarasal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment