Wednesday, February 22, 2012

AWIT MAY DALANG PASAKIT

AWIT MAY DALANG PASAKIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/25/2011
(first tula using HAIKU)

Nong ako'y bata
ako'y meron pang muta
gusto'y matanda

Isang mayaman
malayong idad naman
ay nagustuhan

Sa 'ming simbahan
ay doon nagkatahan
may boses naman

S'ya ay kasama
kami ay manganganta
tuwing may simba

Kung kumakanta
ako ang naggitara
ako'y masaya

Kung naimbita
grupo nami'y kakanta
ibang bayan pa

Sa murang idad
hanga sa abilidad
umibig agad

Ako'y nagsabi
noon sa aking ate
damdaming ere

Pag inaya nyan
ako na magtatanan
aking patulan

Ate'y wala lang
ang isip din ay kulang
batang nilalang

Di ko rin alam
kung anong pakiramdam
parang nakulam

At isang araw
tinawag ni "Father" daw
parang matunaw

Sabi ni "Father"
ako ang maging "singer"
ako'y na "bother"

Bago ang kanta
at bukas ikakanta
kaya ko nga ba

Kasal ay sikat
mayaman ang katapat
puso'y naglapat

Para ngang bomba
dito sa aking tenga
ang lalaki'y S'ya?

Akong kakanta
ang ikakasal ay s'ya
ito'y patawa

Araw ng kasal
ako'y dasal ng dasal
tapang umiral

Di makakanta
at baka umiyak pa
di yata kaya

Pa'no kakanta
baka pumiyok pa
abay disgrasya!

Mahirap pala
pari'y kinausap na
at pumayag s'ya

Hindi kakanta
aking hiling sa kanya
sakit ang panga

Kung magkamali
ay masisi ang pari
buhok puputi

Ngayo'y naglakad
sa altar kinaladkad
s'ya na mapalad

Sakit sa puso
para ngang dinuduro
at nagdurugo

At natapos na
kaysakit ng umaga
puso'y hiniwa

Kaylupit naman
ang aking kapalaran
ako'y nasaktan

Anong malay n'ya
may isang batang gaga
umibig pala

At nagdalaga
limot na ang pagsinta
ako'y natawa

Ganun lang pala
lilipas ang nadama
pag-ibig bata

Parang mamatay
noo'y puno ng lumbay
ang aking buhay

Parang bangungot
paggising ay natakot
mata'y kinusot

Pagnatauhan
ay matatawa naman
sa kagagahan

Bata batuta
isang bara ang muta
ay nabutata

hahaha challenging pala ang HAIKU....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...