Saturday, February 25, 2012

BATA PAANO KA NILILOK

BATA PAANO KA NILILOK
Sinulat ni Ma. Crozalle Reyes Raymundo
(a.k.a. Wee-ween Reyes, Aug. 26, 2011)

Bata, bata, bata saan nagsimula
Sa unang araw ba ikaw ay nakita
Mata'y nakapikit at mukhang kawawa
Labi mong kaynipis bunganga'y bumuka

Bata, bata, bata bigay ni Bathala
Pag ika'y nakita inis nawawala
Tamis ng 'yong ngiti pagod ay nawala
Sa kahinaan mo akong aalaga

Bata, bata, bata saan ka nagmula
Nililok ka gamit ang pag-ibig nila
Hinubog kagaya ng isang kandila
Upang sa paglaki mabait na bata

Bata, bata, bata kahit di maligo
Samyuin ng ilong ikaw ay mabango
Ang amoy ng sanggol oh kay sarap mo
Sisinghot-singhutin habang kayakap ko

Damhin ang pag-ibig habang nakakanlong
Sapagkat paglaki'y halos di makalong
At sa iyong bigat karga'y urong-sulong
Habang sinasayaw ako'y bumubulong

Halina nga sanggol habang ika'y kaya
Bukas makalawa'y lalaki't tatanda
Panaho'y lilipas/ magkarga'y sasawa
Lalaki ka sanggol/ ika'y di na bata

At sa 'yong paglaki ako'y susubaybay
Sa lahat ng oras andito at gabay
Hanggang sa kayanin katawa'y matibay
hanggang sa paglaki patuloy sumikhay

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...