Wednesday, February 22, 2012

EPEKTO NG "SHABU"

EPEKTO NG "SHABU"
Ma.Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 

Umaga sa klinika
may dumating pala
babaeng nagwawala

Ang dila nakalabas
at hinahampas-hampas
meron daw ditong ahas

Ahas daw tumutuka
wala namang makita
dila halos mauka

Naubus na ang "tissue"
panay ang pahid nito
bulate naman daw 'to

Ito'y paulit-ulit
nakita'y ipinilit
gusto ko ng magalit

Ang "Boss" ko ay sumenyas
wala naman daw ahas
sa isip ay pangahas

Pagkat s'ya ay napraning
mata ay walang ningning
para nang isang kuting

Sapagkat nakaturok
itong gamot na hayok
nilapa ang dayukdok

Sama pala ng tama
kapag ikaw nakana
sa klinika hihiga

S'ya ay ginamot ni Dok
hindi ako inantok
sa kanya nakatutok

Magdamag na nagbantay
sa babaeng naratay
umaga nagkamalay

Ang epekto ng "shabu"
ay masama sa tao
masira ang'yong ulo

Bago mo ito gawin
isang libong isipin
baka saan ka dalhin

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...