Kung meron man akong masidhing pangarap sa buhay iyon ay ang makita ko ang aking pinakamamahal na ama na ipinagkait sa akin ng aking ina at lahat ng mga taong nakapaligid sa amin. Ang aking pagkauhaw sa pagmamahal ng isang ama ang nagtulak sa akin upang matutong maghanap ng katotohanan sa aking pagkatao at maglakas loob umalis ng bansa baon ang katiting na pangarap.
Basahin po ninyo ang aking istorya na hinango ni Wee-ween Reyes sa aking Diary...Marian..
MAPAGLARONG KAPALARAN
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 1/3/2012
"Ama, maghintay ka lang na lumakilaki ako't hahanapin kita, kahit saang sulok ka man ng mundo naroroon." Mulang bata si Marian ay di nakaranas mayakap ng isang ama. Hindi rin n'ya ito nakita hanggang naging dalagita s'ya.
Parangarap sana n'yang makita at makasama ang papa n'ya subalit ito'y itinago ng kanyang ina at lahat ng nasa paligid nya. Pinalabas nila kay Marian na patay na ang papa nito. Wala s'yang alam kong anong istorya ng buhay meron ang mama at papa nya.
Kahit nga ang lima n'yang kapatid ay tikom din ang mga bibig" basta mula pagkabata ipinasok na nila sa utak nito na lumisan na ang kanilang tatay. "Hindi ako naniniwala sa sabisabi nila na wala na akong tatay. Alam ko Papa magkikita pa tayo, mag-iipon po ako para mahanap kita."
When she was 15 years old, naging working student s'ya sa Zamboanga City. "Hindi ako aasa kahit kanino dahil isa lang ang gusto kong marating sa buhay, makasama ka Papa." Minabuti n'yang tumigil sa pag-aaral noong third year high school s'ya para makaipon ng pera. Swerting nadiskubre n'ya ang kanyang citizen's ID at nalaman na sa Malaysia pala s'ya ipinanganak. Kaya't lalo s'yang nag-ipon dahil gusto n'yang makabalik doon. "Kahit itinatago man nila ang lahat sa akin mabait pa rin ang D'yos."
Nadiskubre n'ya sa kanyang citizen's ID na sa malaysia s'ya pinanganak at malaysian ang tatay n'ya. Anim silang magkakapatid at s'ya ang bunso
Namasukan s'ya bilang isang yaya sa zamboanga city para lang makaipon at makapunta sa Malaysia. Nagtiis s'yang mamasukan kahit sa murang idad pa lamang. Ang importante may pambili s'ya ng ticket para sa barko. Gusto nyang makaalis agad.
March 28, 2001 decided na talaga s'yang magpunta ng Malaysia kasi may unting ipon na s'ya sa six months na pagtatrabaho. Ito'y lihim sa lahat. Hindi s'ya nagpaalam kahit kanino. Gusto n'yang matiyak na tuloy ang pag-alis n'ya para mahanap ang kanyang Papa at walang kokontra sa kanya.
.
August 15, 2001. Everything's ready. Travel na n'ya papuntang Malaysia Bungao to Felda Sabah that day. Daladala n'ya ang ID as a Malaysian citizen.Noong dumating s'ya sa malaysia ng araw na yon ay masayang masaya s'ya ngunit
naiiyak sa tuwa dahil excited na s'yang makita ang pinakamamahal na ama na kaytagal n'yang hinanap.
Sinimulan na n'yang maghanap. Nagtanong tanong sa mga nakakasalubong. Sa kanyang paghahanap, minsan ay di na s'ya kumakain dahil binabadyet ang pera para sa kanyang mga pamasahe. Tubig lang lagi ang dala n'ya. "Tatlong araw na s'yang nagtitiis ng gutom, tiniis nyang di kumain. Kumakalam ang sikmura nya pero wala s'yang magagawa kundi uminom ng tubig. Ito lang ang makakapagsurvive sa kanya. "Pero kakayanin ko po ito Papa makita lang kita. Alam ko malapit na tayong magkita. D'yos ko tulungan n'yo po ako."
Tiniis n'ya ang hirap na yon para lang matagpuan ang taong hinahanap at dala ang isang picture ng ama at ang buong pangalan at address nito.Pero ang hirap palang maghanap kung hindi mo alam ang lugar. Nagtiis s'yang matulog sa bangketa sa harap ng isang restaurant. Naglatag ng karton at pilit nilabanan ang lamig ng gabi at ang takot na baka mapaano sya sa kalye.
Wala rin s'yang mapaliguan. Sadyang kayhirap para sa isang 15 anyos na dalaga. But life has to go, andito na s'ya at sandali lang ay matutupad na ang munting pangarap na nasa dibdib n'ya mulang magkaisip
August 20, 2001 at 4:00pm may nakita s'yang isang babaeng nag lalakad sa malapit sa address na hawak n'ya at pinakita n'ya ang litrato ng ama. Sabi pa ng babae,"oo kilala ko siya halika at dalhin kita sa kanya,bakit mo pala siya hinahanap miss?" "Papa ko po s'ya at matagal ko na po syang hinahanap."
Nong araw na dumating si Marian sa bahay ng ama ay wala ito at nasa trabaho raw sabi ng dinatnang babae na dili iba ay kanyang kinakasama. May anak silang 2 isang babae at isang lalaki.Nong araw ng pagdating n'ya sa bahay ng kanyang papa ay hindi man lang s'ya niyayang kumain o kahit painumin ng tubig. Tiniis n'ya ang lahat nang iyon kasi nahiya s'yang magsalita at di nya kilala ang mga dinatnan.
Nang hapong iyon ay may kumatok sa pintuan. Ng buksan n'ya ito ay ang kanyang ama na pala. Wala s'yang ginawa kundi yakapin at pinaghahalikan ang ama sa sobrang kasabikan. Na ikinabigla naman nito."Sino ka?""Ito ang picture nyo na kinuha ko sa mama ko kasama ang address n'yo." At nihayakap din s'ya nito.
Napakasaya talaga n'ya noon. Ilang buwan din ang pinagtiis nya kahit di sila nagkakaintindihan ng kanyang stepmother.Napakalupit nito at alilang kanin ang trato sa kanya. Kahit kailan yata ay di n'ya ito makakasundo. Pero gusto n'yang makasama ang kanyang Papa kaya kahit anong mangyari sinusumpa n'ya kakayanin n'yang lahat , for the love of his father
Nov 20, 2001, May isang lalaki na hindi n'ya kilala ang pumunta sa bahay ng papa n'ya at nakipag-usap sa papa at stepmother n'ya. Hindi masyadong maintindihan ni Marian kong anu ang pinag uusapan nila kasi malaysian ang salita ng mga ito. Kung nakaintindi naman s'ya ay unti lang.
April 4, 2002. 8:00pm, May biglang dumating na mga tao sa bahay nila na hindi n'ya kilala. Nilapitan sya ng kanyang papa. "Anak hindi ako pwedeng tumanggi sa gusto nila dahil wala akong pera na ibalik sa kanila, kailangan mong magpakasal sa lalaking yan."sabi n'ya, "Papa hindi pa ako handang humarap sa buhay pagpapamilya. Paano na ako at paano na ang magiging anak ko. Ang bata bata ko pa po" Pinangbayad utang lang pala s'ya.
Ngunit walang saysay ang kanyang pagtanggi. Hindi na mapigilan ang gusto nila kasi kasubuan na at wala na rin s'yang nagawa kundi pumayag na lang sa anumang gusto ng papa n'ya. Hindi n'ya kilala ang lalaking naging asawa at hindi pa s'ya nakaranas magboyfriend o kahit man lang magkaroon ng kaibigang lalaki.
"Ang hirap makisama sa taong hindi mo mahal. Oo mayaman sila at maraming pera pero kahit gaano pala karami ang pera mo kung di mo mahal ang taong kasama mo ay useless pa rin. Ang laking halaga nga ng dowry na hiningi ng stepmother ko, 9 thousand ringgits,more than 100 thousand pesos." Kung sa ngayon ay papatak sa 124,326 pesos ang 9000 ringgits na nakuha ng kanyang
stepmother. "May mga alahas pa sa dowry ko ngunit kahit isa ay wala akong natikman kahit nga piso man lang." Pero tiniis pa rin n'ya ang lahat na yon, all for his father.
May 2, 2003, Magpipitong buwan na ang tyan n'ya ay walang ginawa ang asawa n'ya kundi umalis araw araw. Samantalang si Marian ay nasa bahay lang. Noong 8 months na ang tiyan n'ya ay pumunta sya sa bahay ng kanyang papa. Ang asawa n'ya ay nasa bahay nila ng time na yon. Pero iba na rin ang trato sa kanya ng kanyang asawa. Pinabayaan na lang n'ya ito at nagtitiis na lang alang-alang sa magiging baby nila. Bingi na rin s'ya sa mga salita nito na ibinenta lang s'ya ng papa nya dito. As usual, binalewala n'ya ito isip n'ya isang araw maging maayos din ang lahat.
Noong gabing pumunta s'ya sa bahay ng papa n'ya ay bumalik s'ya agad dahil walang tao doon. Ngunit sa pagbalik n'ya sa bahay nilang mag-asawa ay isang di inaasahang bagay ang kanyang naratnan. hindi n'ya lubos akalain na magagawa ng asawa n'ya yon. Bigla s'yang pumasok sa kwarto nila dahil gusto n'yang magpahinga.
Ngunit s'ya ang nabigla ng abutan ang asawang nakikipagtalik sa isang babae. At dahil na shock hindi s'ya nakaimik nong oras na yon. Natigil ang dalawa sa ginagawa nila. "Oh, akala ko ba pupunta ka sa bahay ng magaling mong ama." Sumagot pa rin s'ya ng maayos sa asawa n'ya. "Walang tao kela Papa kaya ako bumalik."
Pero hindi n'ya napigilan ang manggigil sa babaeng yon. Nilapitan n'ya ito at hinampas ng bote ng coke. "At sa oras na yon hindi na n'ya alam kong ano ang nangyari sa kanilang mag-ina. Lumaban ang babae sa kanya. Sinampal s'ya ng kanyang asawa tinadyakan s'ya sa likod at sinipa sa paa. bugbog at sampal ang inabot nya dito. Sinuntok s'ya sa dibdib. Halos hindi s'ya makatayo ng gabing yon dahil sa sobrang sakit ng dibdib at sa sobrang sakit ng katawan
Iniwanan s'ya ng kanyang asawa kasama ang babae nito. Ang matandang kapitbahay na balo ang tumawag ng ambulansya pagkakita kay Marian na duguan ang ilong at walang malay. Dinala s'ya sa hospital at halos blue na ang buong katawan sa bugbog.
"Akala ko baby mawawala ka na sa akin. Lumaban ka ha. Andito lang si Mommy, lalaban tayong dalawa." BUlong n'ya habang luhaang hinihimas himas ang tiyan ng mahimasmasan. Sobra n'yang iningatang tamaan ng asawa ang kanyang tiyan habang s'ya ay binubugbog. Naiyak s'ya at natakot kasi hindi na masyadong gumagalaw ang bata sa kanyang sinapupunan.
"Sana po Lord walang masamang mangyari sa anak ko, sana po." Mga pangambang nagdulot ng takot sa murang isip n'ya. "Di baleng mawalan ako ng asawa wag lang mawala ang anak ko."
Ilang araw na hindi umuwi ang asawa n'ya sa kanila kaya nagdesisyon s'ya na umuwi ng Pilipinas. Binenta nya lahat ng gamit nila kasama na ang bahay sa murang halaga para may pamasahe s'ya at pangsimula. Winidraw din n'ya ang perang nasa ATM at bago umuwi ay hinatian ng pera ang ina ng kanyang asawa. Inisip n'ya na sa Pilipinas na lang manganak.
July 8, 2003, Dumating s'ya sa Pilipinas. Pagkatapos ay magbabyahe pa papuntang Zamboanga city. Nagulat ang Mama n'ya ng sya ay dumating. Napatingin sa kanyang tiyan at halos magdugo ang puso sa nakita. Humagulhol at yumakap ng mahigpit sa kanyang bunsong nawalay. Ngunit ano pa ang magagawa n'ya kundi ang makinig sa kwento ni Marian at umiyak.
Andun yong panghihinayang sa pag-aasawa ng kanyang bunso na alam n'yang masigasig at maraming pangarap pa sa buhay. Sa idad na 16 ay naranasan ng mag-asawa at mabuntis at mahiwalay. At ang mga karanasang halos ikamatay n'ya habang nakikinig sa anak.
Ngunit sino ang kanyang sisisihin. Ang anak na nagpursigi na makita ang kanyang ama o ang kanyang sarili na nagkait sa anak ng katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao at sa kanyang ama. Magsisi man ay wala na s'yang magagawa. Sabi nga nasa huli daw ang pagsisisi. A thing done cannot be undone, ika nga.
Kinabukasan ay agad pumunta sa Doctor si Marian para ipa-ultrasound ang kanyang baby. Gusto n'yang masiguro ang kalagayan nito sa dami ng pinagdaanang hirap gaya sa kanyang ina. "Baby andito na tayo sa Lola mo wag ka ng mag-alala safe na tayo dito." Himas ng himas sa tiyan habang kinakausap na akala mo ay sasagutin s'ya. At napahingang malalim si Marian, sigh of relief. Alam n'ya marami pang unos na darating sa buhay n'ya pero hindi na s'ya natatakot.
July 18, 2003 "Mama parang sumasakit sakit na po ang tiyan ko manganganak na yata ako." Agad itinakbo sa Hospital si marian. At mga bandang alas nuebe ng gabi s'ya ay nagsilang. Nanganak s'ya by normal delivery. Ng itabi sa kanya ang kanyang anghel ay napaluha si Marian at tiningnan ng buong lugod at pagmamahal ang kanyang anak. Ngunit kahit tumutulo ang luha ay may feeling of fulfillment. Napakasarap pala ang pakiramdam ng maging isang ina.
At s'ya ay napausal, "D'yos ko marami pong salamat, sa lahat lahat po simulang akoy umalis dito at nakipagsapalaran sa Malaysia. Kahit ako nahirapan alam ko sinamahan n'yo po ako at di pinabayaan. Salamat po at di nyo ipinagkait sa akin ang pagiging isang ina. Ang baby ko , ang aking anghel na kasing lakas ko at kasing tapang ko para sikaping mabuhay sa gitna ng hirap na pinagdaanan.
Four months palang ang kanyang anak ay iniwan na nya ito sa kanyang Mama at sya ay bumalik sa Malaysia. Mas lalong may malaking dahilan na s'ya ngayon para magsipag kumita. Nag-aral s'ya ng therapy at nagtrabaho sa Combrage Company.
Kahit malayo sa anak ay pinadama nya ang kanyang pagmamahal at pagkalinga. Lalong nagkaroon ng saysay ang kanyang buhay. Lagi n'ya itong pinadadalhan ng mga pangangailangan. Ayaw n'yang maranasan ng anak ang kahirapang kanyang naranasan mula pagkabata. Kahit nga wala ng makain bastat busog lang ang anak ay masaya na s'ya.
Minsang pumunta sa coffee shop si Marian ay may kumulabit sa kanyang likod, "hi musta ka na." Nabigla s'ya at di nakilala agad ang lalaki. "Tumanda ng bahagya dahil siguro sa shabu. Nablitaan ko lang" "Kumusta na ang anak natin?" "Ah anak natin? Wala kang anak sa akin at di ikaw ang tipo ng Tatay na dapat kilalanin ng anak," sabay alis sa kanyang harapan.
Isang araw ay pinasyalan ni Marian ang kapatid ng kanyang Papa na si Uncle Dino. "oh Marian napasyal ka, kumusta ka na?" "Ok lang ako Tito." "Balita ko nag-asawa ka ng maaga . Kumusta naman ang iyong pamilya" "Hiwalay na po kami Tito." At ikinuwento n'yang lahat sa kanyang tito ang nagyayari sa buhay n'ya. "Yaan mo makakabawi ka rin." Di nya alam kung anong ibig sabihin ng kanyang tito pero di na rin s'ya nagtanong.
Makaraan ang ilang buwan mula sila'y nag-usap ay tumawag ang uncle Dino n'ya. "Marian mula ngayon ay ikaw na ang may-ari ng bahay ng Papa mo at lahat ng ari arian n'ya. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin para sa anak mo. Di kita pipigilan. Alam ko kung ano ang hirap na napagdaanan mo sa iyong stepmother.
After 3 days ay nag-impake s'ya ng kanyang mga gamit sa comedition na kanyang tinitirhan mula bumalik sa Malaysia para lumipat sa bahay ng Papa n'ya. Nabigla ang lahat sa kanyang pagdating. "Oh, bakit andito ka?" wika ng kanyang stepmother.
"Syempre bahay ko to at wala kang pangalan na nakatatak dito kundi sa akin lang. Lahat ng papeles ay hawak ko. Binigay ng Papa ko kay Uncle Dino at di ko alam kung bakit nakapangalan na sa akin lahat lahat." Malaki ang bahay ng kanyang papa. May kotse at 2 ang motorcycle at 3 ang lap top nila.kumpleto ang loob ng bahay nito.
"Oh Jo, baka gusto mo ng umalis kasi ayaw ko ng may basurang nakatira sa pamamahay ko", ang sabi n'ya sa kanyang stepmother. "Paano kung di ako aalis may magagawa ka ba?" Sabi ko sa kanya, "Oo meron. Gusto mo bang gawin ko sa 'yo ang ginawa mo sa akin non?"
"Kung ayaw mong mangyari sa 'yo yon umalis ka na lang dito ng maayos para wala kang problema sa akin. Ayaw kong masaktan ka at ang mga anak mo. Hindi ko ugaling manakit ng kapwa, pero hindi ko matanggap ang ginawa n'yong pang-aapi sa akin non."
Ilang buwan pa ang lumipas at umalis na rin ang stepmother n'ya kasama ang kanyang mga anak. Siya at ang kanyang papa na lang ang nakatira sa bahay nila. Kahit may galit s'ya sa papa n'ya ay hindi pa rin nya nagawang palayasin. Mahal na mahal pa rin n'ya ito. Ang kasabikan din sa ama ang nagdala sa kanya sa Malaysia.
Matanda na rin ang papa ko kaya kahit malaki ang kasalanan n'ya sa akin sa pagsira ng buhay ko ay hindi ako nagtanim ng galit sa dibdib dahil andoon pa rin ang pagmamahal ko sa ama. Ang ama ko na mula bata ay aking pinangarap na
makita. Ang amang naging dahilan ng aking "ups and downs" sa buhay.
Five years na hindi s'ya umuwi ng Pilipinas dahil gusto n'yang makaahon sa hirap.Ayaw n'yang maranasan ng anak ang kanyang naranasan. Kung ano ang naibigay ng kanyang ama sa kanya ay gusto rin n'yang maibigay lahat sa anak n'ya. Nakabili s'ya ng niyogan sa Dipolog at nagpatayo ng kubo sa lupang binili. At ipinangalan ito sa anak n'ya.
"Nakakatuwa naman, kahit malayo ako sa anak ko ay napapadalhan ko naman s'ya ng lahat ng kanyang mga pangangailangan." Simulang maghiwalay sila ng asawa n'ya ay nanahimik si Marian sa pagiging single mother for almost 5 years. Tiniis n'yang walang pag-ibig at pinanindigan ang pagiging ina. "Five years na wala akong lalaki sa buhay ko at isa lang ang nasa isip at puso ko ang aking anghel!"
May 10, 20007.Nalaman n'ya na ang kanyang papa ay may cancer sa utak. Nalungkot si Marian at nabaghan sa ama, di alam kong papaano matulungan ang ama sa kanyang sakit dahil alam n'ya there's no cure for cancer. Ilang weeks lang ang lumipas mula madetect ang ama n'ya sa cancer ay namaalam na ito.
Ngayon naramdaman ni Marian ang pangungulila lalo sa ama. Pero nagpapasalamat s'ya sa D'yos dahil pinagbigyan s'ya na makasama ang ama at maalagaan ito sa mga huling araw nito sa mundo. Ngayon n'ya naramdaman ang kahungkagan ng buhay at kalungkutan ng pag-iisa.
Wala na ang kanyang ama, ang kanyang pinakamamahal na ama. Ang amang kahit sa huling araw ay pinadama sa kanya ang pagmamahal kahit di ito nagsasalita. At naramdaman iyon ni Marian. "Kaya pala pinalipat ni Papa sa pangalan ko ang mga ariarian n'ya. Salamat Papa. Kahit hindi man naging perpekto ang ating pagsasama mula ako dumating dito sa malaysia ay ipinadama mo ang pagiging ama sa akin sa maliliit na paraan."
Pinapatawad na kita at sana Lord paupuin mo po ang aking ama sa iyong kandungan." At tumulo ang kanyang mga luha, nag-uunahan sa
pagbaba na halos maghabulan. Naramdaman n'ya ang kirot at lalong naiyak sa pagkawala ng ama. Umalog-alog ang kanyang balikat sa pag-iyak.
"Sadyang dakila ka ama, dahil sa huling sandali ng iyong buhay ay di mo ako pinabayaan. Salamat." Ngayong wala na ang ama ay inisip ni Marian na umuwi na lang sa Pilipinas at doon ipagpatuloy ang buhay kasama ang anak n'ya.
November, 2007 She decided to go home. medyo malaki na ang anak n'ya. Limang taon na ito at nag-aaral ng kinder. Lumaking mabait ang bata kahit dumaan sa maraming pagsubok.Pagkalipas ng ilang buwan ay nag apply si Marian ng trabaho sa Zamboanga City sa Menpro Mall. Naging sales lady s'ya sa Buleminggels. Masaya s'ya kahit maliit lang ang sahod at least kasama nya ang kanyang anak at ang kanyang pamilya.
Umusad ang mga araw. Whether she likes it or not, kailangan n'yang harapin ang buhay. May anak na s'yang pinagtataanan ng oras at pagkalinga. Minsan habang s'ya ay palabas ng mall my isang lalaki na lumapit sa kanya at nagpakilala. "Ako nga Pala si Carl." Ininvite nya si Marian magdinner but she declined at busy raw s'ya.."Sige kong may time ka na lang."
Hindi alam ni Marian matagal na pala s'yang nakikita sa mall ni Carl. Magkabilang bahay lang sila. Nong day off ni Marian ay pinasyal n'ya ang kanyang anak sa playground. Bigla n'yang nakita sa palaruan ng mga bata si Carl. "Hi Marian" "Oh Carl, Hi kumusta ka." "Ok lang, heto namamasyal mag-isa boring sa bahay. Asan ba anak mo D'yan? "Yon oh, si shiela." Biglang lumapit ang anak n'ya kay Carl at yinakap ang lalaki "Tito carl, kaylan ba tayo maglalaro ulit?" Nabigla si Marian at natulala hindi n'ya alam na magkakilala na pala sila. "hehehhehe nakakatawa, magkakilala na pala kayo, ano ba to lord?"
After 3 months ay naging sila na ni carl. Super close na sila ng anak n'ya, parang mag ama na nga. Masaya si Marian kasi masaya si Shiela na kasama si Carl. Tinuring n'ya itong ama. Itinuring din n'ya itong anak. Pero di sila nag live-in ni Carl. Alam n'yang napakababaero nito. Pero umabot din sila ng three years. Pero nung malaman ni Carl na mag abroad si Marian ay inalok n'ya ito na magpakasal sa kanya bago umalis pa Egypt kaya lang di ito pumayag.
October 17, 2011 Ang mga sumunod na buwan ay naging masakit para kay Marian. Nabalitaan nya na nag-asawa na si Carl. Pero wala na s'yang magagawa. Kailangan n'yang unahin ang kapakanan ng anak. Naisip din n'ya mas mabuti nga sigurong ganun ang nangyari. Mas mahirap kung s'ya'y nakasal dito't puro pasakit lang ang mapala n'ya dahil si Carl ay sadyang babaero.
Ito namang ka boardmate n'yang si Gina ay may ibinigay na number sa kanya at tawagan daw n'ya. Well, naisip n'ya wala sigurong masama kung subukan n'yang makipagkaibigan sa iba. At tinawagan nga n'ya ang number.
Nagkausap sila ni Sam. Si Sam. Pagkatapos ay nagkita sila at doon na nagsimula. Si Sam ay isang simpleng tao. Napakabait n'ya. Isa s'yang Chief Engineer sa Yatch. Pero di isang simpleng pakikipagkaibigan lang ang pakay ni Sam. Hinikayat n'ya na sila ay magsama at pinatigil na sa pagtrabaho si marian. S'ya na rin ang nagpapadala ng sustento sa anak nito at binibigay lahat ng pangangailangan para sa pamilya. Ikinuwento ni Marian kay Sam ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay.
Si Sam ay 44 samantalang si Marian ay 26. Kahit medyo malayo ang agwat ng kanilang idad ay masaya silang magkasama. "Mulang makilala ko si Sam ay naiba na ang ikot ng aking mundo. Masayahing tao siya at parang walang problema sa buhay. Masasabi kong wala s'yang katulad. Napakabait n'ya sa akin ." Ang gusto ni Marian ay laging binibigay naman kaya lang napakaselosong tao si Sam. Super kaya naging matapat si Marian sa kanya. Pinakita n'ya ang kanyang masidhing pagmamahal kaya minahal din s'ya ni Sam.
So far ngayon ay masasabi ni Marian na tahimik ang kanyang buhay kasama ang taong nagmamahal sa kanya. Isang tao na may respeto at pagpapahalaga sa isang babae hindi tulad ng nauna n'yang asawa. Ngayon ay natuto s'yang magmahal at ang taong inalayan n'ya ng pagmamahal ay mahal din s'ya.kaya ngaun ay masaya s'ya sa piling ni Sam.
Uuwi si Sam sa Spain sa february kc doon na naman ang trabaho nya. Si Marian naman'y uuwi sa Pilipinas sa March. Kung ano ang kahihinatnan ng kanilang relasyon ay di n'ya alam. Ang pinanghahawakan na lang n'ya sa ngayon ay ang pagmamahal nila sa isa't isa. Sabi nga... You cross the bridge when you're there! At pag nasa kabila na ng tulay ay malalaman natin kung ano na ang kahahantungan ng kanilang pagmamahalan....
MARIAN:
Maraming salamat po ma'am.
ito po ang buong kwento ko sa buhay.kau nlng ang bahala jan kc lost ako sa tagalog ko.
Wee-ween Reyes:
Ako'y natuwa na nakita mo ang iyong ama. Nakakalungkot lang na di masyadong naging maganda ang pagsasama nyo dahil sa iyong madrasta. Hindi na bago ang kwento tungkol sa pagkakaroon ng isang madrasta. Mula pa sa panahon ni Cinderella ay nag eexist na sila. Pero sa huli ay pinakita rin ng iyong Papa ang sobrang pagmamahal nya sa iyo na bago s'ya namatay ay pinalipat nya lahat ng ari arian sa iyong pangalan.
Marian, sa dami mong pinagdaanan sa buhay kung maaari sana ay di ka na makaranas ng pasakit, pero sadyang ganyan yata talaga. Kakambal na ng tao yan. Habang nalalagpasan mo ang mga daluyong sa iyong buhay ay lalo kang tumitibay at lumalakas ang loob. Nong tinanong kita, "what if" may asawa pala si Sam, parang handang handa na ang kalooban mo sa mga consequences. Ang sabi mo sa akin ay tatanggapin mong maluwag kung ano man ang kakapuntahan n'yan....kung sakaling mabigo ka man ulit ay muli kang bumangon Marian...
Sa aking sariling pananaw kahit sabihin pa nga natin na nagmamahalan kayo ni Sam ay ipagpapalagay ko na ang nangyayari sa inyo ngayon ay isang pagsasama lang for comfort..Lalaki si Sam kailangan ng kumot pag giniginaw at kailangan din ng isang mag-aasikaso para sa kanyang mga needs, mula sa pagkain, sa damit, sa paglinis ng bahay, pagluto, sa pahugas ng plato, ng CR, ng Kotse at iba pa.
Sinasabi ko ito sa iyo hindi para sirain ang moment mo kay Sam kundi bigyan ka ng kunting paghahanda sa puso at kaisipan para wag tuluyang umasa. Dahil kung si Sam ay tutuong Minahal ka gagawa at gagawa s'ya ng paraan para di kayo magkahiwalay. At sana nga dumating yong time na yon na kuhanin ka nya at ang anak mo para kayo ay magsama hanggang sa wakas
Ang wish ko sa 'yo ngayong New Year sana ay makakita ka na ng isang tunay na magmamahal sa iyo at pakasalan ka at makabuo ka ng isang pamilya na matatawag mong iyong iyo. Mapaglaro ang kapalaran. Kung hindi mo ito igigiya ay baka saan ka n'ya dalhin...Patuloy ka lang magdasal ....
Ito ay tutuong kwento ng isang LDR member at bukas sa inyong pagpapayo.....maraming salamat...Wee-ween.
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...