Wednesday, February 22, 2012

KARANASAN SA OLONGGAPO

KARANASAN SA OLONGGAPO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a.Wee-ween Reyes, 10/21/2011

Itong aking asawa
sa Gapo ay tumira
kasama ang pamilya

Pagkat ang trabaho
napalipat nga dito
walang mag-asikaso

Nanibago sa bahay
mga anak namahay
hindi nga mapalagay

Madaling araw noon
ikatlo ng marso yon
masama ang panahon

Mga anak tulog na
sa itaas na sila
ako ay nag-iisa

Habang nasa ibaba
ako'y may ginagawa
humangin namang bigla

Ako ay napalingon
sa plorera natuon
may bulaklak nga iyon

Ang tingting na bulaklak
nagwasiwas sa galak
sa sayaw nagpaunlak

Wasiwas ng wasiwas
aya't halos umalpas
sa plorera'y tatakas

Mata ko ay bumilog
parang buwang nahulog
utak ko ay naalog

Di ako nakaimik
lalamuna'y may tinik
ako ay nahindik

Ako ay nagtataka
saan nga ba nagmula
itong hanging gumala

Sarado ang bintana
"electric fan" ay patay na
ay bakit may hangin pa

Balahibo'y tumayo
isip ko merong momo
nangalisag na nga po

At ang ulo'y lumaki
buhok din ay tumindi
singtigas ng alambre

Pagtingin sa salamin
buhok ay ayos pa rin
di nabago sa tingin

Ako'y biglang nagalit
kunyari ay masungit
ang multo ay nilait

"'Wag mo akong takutin
o kaya ay multuhin
'di kita sasantuhin"

Kung ako ay matakot
multo kaya'y malungkot
o ako'ng magkukukot

Dali-daling hinakot
mga gamit binalot
umakyat namaluktot

Tumago pa sa kumot
dasal katakot-takot
mga santo'y kinurot

Kaya't kinabukasan
maagang naghapunan
ang takot linabanan

Mula no'n maaga na
hindi na nagpuyat pa
at duwag naman pala

Ako ay matapang na
at natakot rin pala
ang tanong ikaw kaya?


Ayan na sa likod mo oh.....
may pusa...itim...nyahhhhh...takbo na...

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...