Wednesday, February 22, 2012

KUNG AKO SI PACMAN

KUNG AKO SI PACMAN
ma.Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween reyes,11/17/2011

Aanhin ang prinsipyo
warat na katawan mo
sobra na nagawa mo

Mag-isip kang mabuti
umiwas sa marami
madali lang magsabi

Bakit mo iisipin
ang usap ay limiin
kung ito'y may buti rin

Hindi ka ba napagod
sa maraming pagsunod
ikaw ang matalisod?

Tao'y di makuntento
isip pabagu-bago
sa bawat argumento

Noon ikaw ay "hero"
sabi ni "Juan" sa 'yo
ngayon naman ay ano

Ganyan naman ang tao
gamit ang tingin sa 'yo
itapon pag 'di gusto

Paulit-ulit ang hiling
walang tapos ang daing
ng mga taong haling

Kahit nga walang alam
parang marunong naman
kung ika'y pag-usapan

Akala'y may talino
komuntra'y beterano
sa larangang ganito

Matalino sa boksing
magsalita'y may galing
para lang sinungaling

Marinig lang ang iba
akala ay tama na
basta lang makakontra

Kung ako ikaw Pacman
ay iyong pag-isipan
kung lalaban na naman

Anhin ang kasikatan
di mo yan kailangan
sobra na ang 'yong tangan

Bakit naman susundin
lahat ng nanaisin
ang hiling wag pansinin

Sa susunod na laban
pag di nakontento yan
uulit ka na naman

Dati ay napatumba
humingi ng isa pa
ang mukha ay sira na

Paulit ulit na lang
ang kalabang magulang
ay hindi ka lalamang

Tao'y may kasamaan
sa mali ka idaan
para ka malagpasan

Gagawin ang paggulang
kahit apak apak lang
basta manalo lamang

Napakaraming laban
naging patas ka Pacman
wala kang nilamangan

Kaya mahal ka ng D'yos
ang buhay ay inayos
nanggaling sa hikahos

Magpakabuti na lang
iwasan ang nilalang
sa buhay mo ay harang

Ang D'yos ay kakampi mo
ang taong may prinsipyo
tunay na makatao

Sana ay matapos na
usapan ay isara
si Pacman nanalo na

Mabuhay Manny Pacquiao
sa laban di umayaw
ang usaping malinaw

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...