Wednesday, February 22, 2012

ANG KAMPYON AY KAMPYON PA RIN


ANG KAMPYON AY KAMPYON PA RIN
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/13/2011

hanggang sa dulo ng labanan
ikaw ay todo-todong lumaban
sumuntok kahit nasasaktan
ipinaglaban ang mamamayan

di man napatumba ang kalaban
ay tahasang nakipagsuntukan
sa abot ng iyong kakayahan
iyan ay para lahat sa bayan

kung iba man di nakuntento
naghanap lang ng dating kamao
ngunit lahat ng bagay sa mundo
minsan naiiba minsan nababago

sana'y makita ng buong mundo
ang laban mo'y malinis at tutuo
uliting panoorin ang labang ito
ikaw ang panalo di ka matatalo

matuto rin tayong makontento
makipagsaya bilang pilipino
ibigay kay Pacman ang papuri nyo
binigyan ng dangal ang pilipino

tayo'y magsaya namnamin ang ligaya
sa dulot ng panalo tayo ay tumawa
ating kababayang nagbigay ng pag-asa
si Manny Pacquiao s'ya'y nag-iisa

tayo'y magbunyi meron tayong Manny
tayo'y magpasalamat tayo'y pinuri
tayo'y kinilala ng itim at puti
iyan ay walang iba kundi kay Manny

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...