Wednesday, February 22, 2012
IBIGIN MO AKO DAHIL AKO’Y AKO
IBIGIN MO AKO DAHIL AKO’Y AKO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/06/2011
"Tao po, tao po", may tumawag galing sa labas “Sino po ang
hinahanap nyo?” tanong ni Michelle “and’yan po ba si Arman?
Kaopisina po nya ako.” Tinawag n’ya si Dina ang kapatid ni Arman.
Mga pinsan sila ni Michelle, taga cubao. "Linggong lingo wala si
Arman, asan na namn kaya yon?".
Oy, ferdie, pasok ka muna, halika’t may ipapakilala ako sa ‘yo.”
Sabi ni Dina habang hila hila ang lalaki papasok sa bahay.“May
pilyang ngiti sa kanyang mukha. “Hus nagkita na naman kayo kanina
eh, di ba” Sabi pa nito. “Asus, ang kulit hehehehe” , nahihiyang
sabi ni Michelle. “But in fairness, gwapo si mokong” sa loob loob
n’ya “hehehe, bigla akong kinilig.”
Si Eng’r Ferdie, kaopisina ni Arman.” Sabay tingin kay Michelle. “
Ferdie, pinsan ko, si Michelle, isa s’yang nurse.” Iniabot ng
binata ang kamay sa dalaga sabay sabi “Hi”, at tinanggap naman ng
dalaga “hello.”
“Umalis lang si Arman, pero nagbilin, pag dumating ka, paintayin ka
raw. Ok lang ba sa ‘yo?” “Ah, ok lang Dina, no problem.” Aniya.
“Feel comfortable ferdie. Michelle aliwin mo muna ‘yan para di
mabagot at may gagawin lang ako ha. ”
“Grabeh din hehehe”, ang natatawang sagot ni MIchelle. “Ferdie
pasensya ka na sa pinsan kong lukaret ha, hehehe.” “walang
problema, sanay na ako kay Dina.’ At kagyat ngumiti. Mayamaya
bumalik si Dina, dala ang pistil na may juice at 2 baso. “Oh,
magpalamig muna kayo habang nagkwekwentuhan.”
Oh nito na pala si Arman dumating na. Banggit si Ferdie. Si
Michelle naman ay sumunod kay Dina sa taas. “oh d’yan ka lang pala
. Iniwan mo ako don mag-isa.” “Huh kunyari ka pa, tuwa mo naman.
Hehehe, naintindihan ko naman yong titig mo sa akin kanina.” Biro
nito
“Dina, Dina”, tawag ni Arman. “Alis muna kami’t may puntahan lang.”
bumaba ang dalawa. Kumaway si Ferdie at ngumiti ng makalaglag
panty. “Hayy grabeh, nalaglag ata puso ko” bulong ni Michelle. “
Bye” paanas na sabi habang kumakaway din.
“Oy, pakaway kaway ka pa d’yan ha at pabulong bulong ka pa.” biro
ni Dina ng wala na ang dalawa. “Ano kah, eh kumaway eh, hehehe,
pero mind you, type ko ang loko, pwede ba akin na lang? as in akin!
Capital A, capital K, capital I, at capital N, AKIN.” Naaning yata
ako bigla. Sama ng tama…
“Wag kang mag-alala akong bahala, basta bumalik ka rito sa
Miyerkules”, sabi ng pinsan n’yang lokoloko. Ayain natin mag-
inuman. Dugtong pa nito. “Ako namang si gaga excited, kahit di
sanay uminom umuo naman hehehe”
“Michelle, mukhang kahapon pa kita napapansin na laging nakangiti,
para kang laging xcited, anong meron? “ Nagtatakang tanong ni Imee,
kasama n’yang nurse sa hospital. Mukhang may kababalaghang
nangyayaring di ko alam ah, hehehehe, I’m just curious.” Sabi nito.
“Wala nuh, guniguni mo lang yan hehehe, tara na, baka abutan tayo
ni Doc dito, di pa tapos.” Palala ni MIchelle. At sabay silang
lumabas sa nurses staion, pagkatapos nagkanyakanya ng kwarto na
pagdadalhan ng gamot.
Nang uwian na ay dumaan muna s’ya sa department store at bumili ng
isang bestida na bagay sa kanyang kulay. Maputi si Michelle at
balingkinitin kaya magandang damitan.Mahaba at maganda ang hugis ng
mga binti n’ya at ‘wag mong isnabin, laging nakukuhang majorette
mula elementay at high school. Lagi ring nanalong muse ng
paaralan.“Tingnan ko lang kong di maduling sakin ang lalaking yon”,
habang sinisipat ang sarili sa salamin.
Dahil maganda at mabait, maraming manliligaw ang dalaga, kaya lang
walang matipuhan.”Hay naku naman kasing puso ito ura urada kung
umibig” aniya. Pero cute nga ang loko. kakakilig hehehe.”
Kinabukasan ay maagang umuwi si Michelle. “Makapag beauty rest na
nga. At nahiga na para matulog. Mayamaya, tumayo at uminom, Hayyst
ano ba ‘to. Parang ayaw akong patulugin nito ah.” Mayamaya ay
humiga ulit, pabiling biling sa kama, sabay patong ng unan sa ulo
at dumapa, pinilit makatulog.
“Hmmm, umaga na pala. Habang nag-iinat ng kamay. Kailangang
makapaligo na at baka matraffic pa ako. Baclaran day pa naman.”Kung
paano at anong oras s’ya nakatulog ay di na n’ya alam. Miyerkules
na ng umaga. Ibig sabihin , maya maya lang makikita na n’ya ulit
ang lalaking mukhang nagpapatibok na sa pihikan n’yang puso. “Tsk,
tsk, tsk, para akong teen-ager ah, na excite.”
She’s twenty five, tubong Bicol at walang boyfriend.
Maypagkapihikan. “Gusto ko sa lalaki, mapino, yong kagalang galang
at may galang sa babae. Yong Moreno, matangkad at may tinapos din.
Sana CPA o Engineer" . Sakto na sana si Fredie heheheh, kilig naman
ako.”
“ Wow Michelle bakit mukhang blooming na blooming tayo ngayon ah.
Kwento naman d’yan, lalo mo akong inexcite eh. Hoy ano ba talaga
sekreto mo?” Panay na ang duda ni Imee tanong ng tanong habang
nagbibilot ng cotton balls. .
” Simple lang mag-ayos si Michelle. Kahit lipstick lang maganda ng
tingnan, palibhasay maputi at matilos din ang ilong. Mahaba ang
kanyang buhok at halatang pina rebond na lalong nagpaganda sa
kanya. Isang katangian na kinaiinggitan ng mga kadalagahan.
Bandang alas singko ng hapon, nagretouch ng kanyang make up si
Michelle. Pinalitan din n’ya ang kanyang unipormi ng damit na
binili nya nong nakaraang araw. Nang matapos mag-ayos ay binitbit
na ang bag. “Uy bru mauna na ako ha may pupuntahan pa kasi ako
eh.”At nagmamadaling umalis na ikinagulat ni Imee. “Sus ang daya
iniwan talaga ako ng bruhang yon ah.
“Kainis naman itong traffic, kakayamot. Halos hilahin n’ya ang
sasakyan para makarating agad sa bahay ng pinsan n’ya. “Wer na u
hir na Ferdi”, text ni Dina sa kanya.”W8 am hir pa Megamall banda
traffic.”, sagot n’ya.
Parang napakahaba ng oras kay Michelle, lalo’t alam n’ya na
naghihintay na si Ferdie. Natuto s’yang mabagot sa traffic na dati
naman ay di n’ya pinapansin. “Para po, para.” Muntik pang matalisod
sa pagmamadaling bumaba.’ Hayssstt…
“Ferdie here I come”, sabi sa sarili.Ng makababa ay sumagsag na sa
bahay ng pinsan n’ya mga 25 meters away pa. Habang naglalakad ay
sinuklaysuklay muna ang buhok ng kanyang kamay at pinahid ang mukha
ng kanyang palad. Tinaas taas ang kilay at ginalawgalaw ang mukha
para mabinatbinat. Inayos ang aura para maalis ang kanina’y
naramdamang bugnot.
Napakunot ang noo ni Michelle ng di datnan sa sala si Ferdie.
Tumingin kay Dina na parang nagtatanong. “Pumunta lang sa tindahan
may binili hehehe, akala mo nilayasan ka na ano? Biro ni Dina. Ang
tagal mo naman kasi.”
Mayamaya ay inilabas na ni Dina ang tatlong beer sa ref. Oh bakit
tatlo lang asan si Emz?” Tanong ni Michelle. Best friend ni Dina si
Emz at kaibigan na rin ni Michell. Nagboboard kina Dina. “Ay, di
raw s’ya pwede. Masakit ang ulo nang dumating, para raw lalagnatin.
Ayon tulog.”
“Oh heto na pala si Ferdie, halika na para makarami hehehe”, biro
ni Dina. “Hah mukha ata akong mapapasubo dito, di pa naman ako
sanay uminom hehehe. Parinig ni Michelle. Kinuha ni Ferdie ang beer
at nilagyan ang mga baso ni Dina at Michelle bago ang kanya. “Oh
kunti kunti lang ha wala pa naman akong praktis “, ang paalala ni
MIchelle habang nilalagyan ng beer ang baso n’ya.
Pabalik balik sa kusina si Dina habang umiinom dahil gumagawa ng
pulutan. Si Michelle at Ferdie naman ay nagkakasarapan ng kwentuhan
na parang matagal ng magkakilala. Syempre natanggal ang unting
hiya, may pampainit ba naman.
“Sandali, d’yan muna kayo ha, check ko lang kung natuloy ang lagnat
ni Emz, kawawa naman”, Ang paalam ni Dina. “Pilya talaga iyang
pinsan ko.” Sabi ni Michelle. “Ok lang yon, kabisado ko na yang
magkapatid na yan.” Sagot ni ferdie sa kanya.
Ferdie is running 27, certified single at walang seryos na
karelasyon ayon kay Dina, medyo tahimik na tao at dignified
looking, tall, dark and syempre gwapo. Ang una mong mapapansin sa
kanya ay ang kanyang mga mata na parang laging nangungusap at
mapupungay. “My Mr. Right”, kilig na kilig.
After 15 minutes bumaba si Dina , nagtanong sa dialect nila, “mayo
pa ba nangyayadi?” na ibig sabihin, wala pa bang nangyayari?
Nagulat si Michelle, pero nangiti na lang at napakamot ng ulo. Ano
na naman kaya ito?. “Ihi lang ako ha. D’yan muna kayo at samahan ko
lang si Emz don kawawa naman.”
N akaubos na rin si Michelle ng isang bote kaya medyo madaldal na.
Ganun din si Ferdie na naka dalwang bote naman. “Hahaha ok ka rin
palang kainuman, masaya kang kausap”, ang sabi pa ni Michelle.
After 15 minutes ulit nagmamarcha na naman pababa si Dina. “Ang
luhay mo man.” Ang kupad mo naman ang ibig sabihin” ngakk seryos
talaga. Deadma kunyari si Michelle. “Oy, bakit di ka na bumaba?”
tanong pa n’ya. “Sigi lang enjoy lang kayo. Mataas nga lagnat nong
isa eh.” Sagot ni Dina
Nag-alala tuloy si Michelle kay Emz. Kaso nahiya naman s’yang
iwanan si Ferdi, kayat di muna s’ya umakyat sa taas. “Aba malapit
ko na palang maubos ang dalwang bote, nilalasing mo ata ako eh,”
Biro n’ya. “Di ah ako nga mag-aapat na oh, ako yata nilalasing mo
hehehe,” sagot sa kanya ni Ferdie at nagkatawanan na lang ang
dalawa.
Habang nagtatawanan sila ay hinahampas hampas na minsan ni Michelle
si ferdie sa balikat na mukhang lasing na. Tapos pag napalakas ang
tawa ay humahapayhapay kunyari sa gilid ni Ferdie, sabay sabi,” ay
sorry ha lasing na ata ako hehehe.” Sagot naman ni Ferdie, “ako nga
eh medyo naparami na rin.”
Kakatawa kakatawa biglang nadukdok sa balikat nya si Michelle,
medyo sinadya na medyo na sobrahan at malagihay na rin sa 2 bote.
“Pero si Michelle ang nagulat ng bigla s’yang sinaklit ni Ferdie at
hinalikan sa labi.
Biglang nahimasmasan si Michelle bumawi agad, medyo napahiya at
nag-ayos ng upo as if walang nangyari. Medyo natahimik sila ng unti
at nailang sa isa’t isa. Pero eto na ang mabirong si Dina pababa na
naman.
“Ano mayo pa?” Ibig sabihin, ano wala pa?” Hindi naintindihan ni
Ferdi ang pinag-uusapan nila , kaya’t patay mali na lang s’ya. Ewan
lang kung nakahalata. Sumagot si Michelle, pasimple, “tapos na”. Di
na kumibo si Dina at kunyari may kinuha lang sa kusina.
Di nagtagal at nagpaalam na din si Ferdie kayat tinawag ni Michelle
si Dina para ipaalam na aalis na ito. “Oh Ferdie alis ka na? Maaga
pa ah.” Protesta nito “May tama na eh hehehe baka masobrahan, may
pasok pa bukas.” Paliwanag ng binata “Ok bye, ingat ka na lang
Ferdie ah. Ok thanks Dina. “Ferdie ingat”, pahabol din ni Michelle…
Pagkasara ng pinto ay umakyat sa taas ang dalawa. Doon na matutulog
si Michelle at aagahan na lang ang alis dahil may duty s’ya sa
umaga. Oh musta ka na, uminom ka ba ng gamot? Sabay haplos sa leeg
ni Emz. “Amoy beer? Aha, I smell fishy, parang naisahan ako ah,
parang na goodtime ako dito. Maysakit daw.” At pinagkukurot ang mga
kaibigan na panay naman ang iktad. Napuno ng tawanan nilang tatlo
ang kwarto.
Dina , grabeh, pang famas ang arte mo ‘di ko nahalata. Akala ko
‘yong dala dala mong planggana kanina pangpunas kay emz, don mo
lang pala tinago ang beer. Hayyy ibang klase ka talaga pinsan.
Reyna ka talaga ng kalokohan.” Ang sabi ni Michelle na natatawa.
“Huh kunyari ka pa pero enjoy ka naman.” Pasaring ni Dina. “Dali
dali, kwento ka na, ano ang nangyari kanina? Ano yong sabi mong
tapos na hehehe.” Excited na tanong ni Dina
“Pambihira ka insan, gumawa ka ng pelikula walang script,
impromptu. Aba’y muntik na akong sumablay kanina ah. Mabuti lagi
kong dala dala itong maliit kong grey matter at kalahating common
sense. Hah akalain mo nagawa ko iyon katapat ng dalawang boteng
beer. “ Kaya lang baka anong isipin ni Ferdie, mukhang conservative
pa naman?” Pag-aalala ni Michelle.
“Hay daming explenasyon ano nga, ikwento mo na, inexcite mo pa kami
eh” reklamo ni Dina. “Kung di ka ba naman sira, aakyat ka
pagkatapos after 15 minutes bigla kang bababa tapos tatanungin mo
ako kung ano na ang nangyayari. Abay halos 45 minutes lang mula
iniwan mo kami gusto mo magka boyfriend na ako.” Reklamo ni
Michelle.
“Huh, arte neto, eh twenty five ka na ah, pagbaliktad ng buwan mag
bebente seis ka na wala ka pa ring boyfriend, hahahaha. Aba’y
kunting usad na lang ng panahon mawawala ka na sa kalendaryo.
Madadagdagan na naman ang congregasyon ng falling leaves,
hahahaha”, “at lonely hearts club , dugtong naman ni Emz.” At
nagkatawanan na silang tatlo.
“Kita mo ha inabot ka ng 45 minutes , napakatagal na diskarte na
yon ah. Oh eh may nangyari naman ba? Tanong ni Dina. “Sus kunyari
nga lasing na lasing na ako. Pagtumawa ako binabangga bangga ko na
nga para lng makadikit ako sa kanya at baka maamoy ang bango ko ay
bumigay hehehehe.” Iiling-iling si Michelle habang natatawa sa
ginawang pang-gipit ng pinsan n’ya kanina sa harap ni Ferdie
“oh pagkatapos”, pagmamadali ni Dina. “Ayon, nakahalata ata bigla
akong sinaklit ng lolo mo at bigla akong hinalikan sa lips. Ako
naman ang natamimi. Mabuti nga bumaba ka kanina , kasi nabigla ako.
Di ko alam kung magagalit o matutuwa. Syempre mas lamang ang tuwa,
hehehe baka sabihin mo ipokrita ako. Kwento ni Michelle.”
Hahahahahha, ayos di kayo na pala, nabawasan na ang matandang
dalaga sa mundo.”
Nagkamot sa batok si Michelle, “hehehe di ko rin alam”. Parang
napakabilis ng mga pangyayari. Ewan di ko talaga alam kung ano ang
iisipin ni Ferdie sa akin. Para masiguro ay gumawa na naman ng
plano itong si Dina. Bago umuwi ay binilinan si Michelle na bumalik
ng sabado ng hapon at sila daw ay gigimik.
“Ito na naman kami” Sa isip nya, pero nagpatianod na rin sa pinsan
n’yang lokoloko dahil type nya din talaga si ferdie. KInasabaduhan
nga ay pumunta sila sa isang karaoke bar. Foursome sila. Isinama ni
Dina ang boyfriend n’ya.
Kumanta si Ferdie dahil sa kauulok ni Dina. “Hayyy galing palang
kumanta neto. Sa loob loob ni Michelle “Lalong nainlove ang dalaga.
Malamyos ang boses ni Ferdie lalo’t sanay silang magkaraoke ng mga
kaopisina n’ya. Yan ang kanilang libangan pag bagong sweldo
Oh ikaw naman Michelle , itayo mo lahi natin.” Kaya’t napilitang
kumanta si Michelle. “kinanta n’ya ang paborito n’yang kanta…
♪♫♫You’ve got to love me for what I am for simply being me ♫♫♪don’t
love me or hope that I will be, for if you’re only using me to feed
your fantasy♫♫♪ you’re really not inlove so let me go, I must be
free♫♫♪.
“Magaling ka palang kumanta, pwede kang singer ah.” Pahayag ni
Ferdie na sobra namang ikinatuwa ng puso ni Michelle. “Frustrated
singer nga ako eh hehehe,” ang balik na biro nito. “Oh ikaw na
Ramon”, ang boyfriend ni Dina, ngunit kahit anong pilit ay ayaw
kumanta at di naman kasi talaga marunong. Pareho silang dalawa.
Pagkagaling doon ay tumambay sila sa may roxas boulevard.
“Magpahangin muna tayo dito, ang sarap ng hangin malamig lamig na
at magpapasko na kasi.” Ang sabi ni Dina . Umupo sila sa may
seaside.sa boulevard. “Ngekkk, ang ginaw naman”, reklamo ni
Michelle na talagang maginawin naman.
Napilitan s’yang sumiksik kay ferdie dahil ang pinsan n’ya at
boyfriend nito ay lumayo layo ng unti. “Brrrr ginaw brrr.“ Naawa
naman si Ferdie kaya’t inakbayan siya para kahit papano maibsan ang
pagkaginaw.
. “Hah, mayamaya uwi na tayo di ko kaya ang lamig dito.” Sabi ni
Michelle. “Akong bahala sa ‘yo” Sabay akap na patagilid dahil
nakaupo sila. Siyang siya naman siya. Ng makaayos may binulong si
Ferdie, nagtanong, “Michelle tayo na b a?” “Hah!” reaksyon ng
nagulat na si Michelle. “hehehe di ko nga din alam eh palagay mo”.
Balik na tanong ni Michelle sa binata.
“ Naguluhan nga din ako eh hehehe, pero sa tutuo gusto kita talaga”
pagkompirma ni Ferdie. “Ano tayo na ha official na” Di kumibo si
Michelle pro bahagyang tumango. At least malinaw na may boyfriend
na pala s’ya, pagmamalaki n’ya sa sarili, at ang gwapo pa.
Hinawakan ni Ferdie ang kamay n’ya pinisil pisil at dinampi dampi
sa kanyang labi. Nakikiramdam lang si Minerva. Maginoo si Ferdie.
Di n’ya kinakitaan ng pananamantala.
“Masarap talaga ang may nagmamahal, parang lagi kang nasa alapaap,
at lagi kang nakangiti.” Sa isip n’ya habang nag-aayos ng dextrose
ng pasyente.. Daladala pa nya ang ngiti hanggang makarating sa
nurses staion. “Hoy ba’t ngiting ngiti ka d’yan? Tanong ni Imee.
“Mamaya ha sa break natin magkwento ka ha. Aba’y ilang araw mo na
akong binibitin bitin ah.”
“Hehehehe oo na, mamaya, tumahimik ka lang d’yan. Ingay eh.” Sagot
n’ya sa kasamahan. Halos hilahin ni Imee ang oras para
magbreaktime. “May misteryong nangyayari sa babaeng ito kaya laging
nagniningning ang mga mata.”
Mag-aapat ng taon ng magkasama si Michelle at Imee kaya kabisado na
ang isat isa. Mabait din, kaya magkasundo silang dalawa.
Nang magbreaktime siniko ni Imee si Michelle. “Hoy lika na, wala ka
nang kawala ngayon hehehehe, akala mo ha.” Pagkaorder ng meryenda
ay agad hinila si Michelle sa isang mesa ni Imee at di pa man
nakakaupo binanatan na ng tanong na pabulong.
“Oh ano na ang kwento mo? Bilisan mo na at matatapos na ang
breaktime.”, “Pakatsismosa talaga ng babaeng ito hehehe”, Pabirong
sabi ni Michelle. “oh tapos, tapos, simulan mo na”
Pagkaupo ay sumubo muna si Michelle, ngumuyanguya bago nagsalita.
“Ayon nga sa madaling sabi may boyfriend na ako, hehehe.” Pag-amin
niya ” Oh talaga, sino, sino dali na magtatime na tayo.” Pamimilit
ni Imee. “Heh, kahit sabihin ko naman di mo kilala. Next time na
lang, malay mo minsan sunduin ako hehehe.”
“Let’s go. Tapos na brealtime natin baka hanapin tayo.” At nauna na
sa paglakad kaya napasunod na rin si Imee. “Kahit kailan talaga
madaya ka lagi mo ako binibitin”, sigi ang maktol nito habang
sila’y naglalakad.
Isang araw ay sinundo s’ya ni Ferdie sa hospital na
pinagtratrabahuhan kaya nakilala din ito ni Imee. Halos mamilipit
sa kilig ng makita ang boyfriend ng kaibigan. “Ay wagi ang BF mo
type ko, grabeh parang artista”, paanas na sabi ni Imee, “wag mong
iparinig baka lumaki ulo. Di naman kami nagkakalayo ah hehehehe.”
Mag-iisang taon din na halos naging maayos ang kanilang relasyon .
Araw araw nagtatawagan at paminsan minsan ay lumalabas sila. ngunit
sadya yatang mailap ang pagkakataon. Nagkaroon sila ng di
pagkakaunawaan na nauwi sa paghihiwalay.
“Ah, sadyang malupit ang pag-ibig” aniya “ kaya nga ba ayoko ng
umibig eh, minsan mas mabuti pa talagang manahimik na lang at
magtiis na walang boyfriend.” Kapagdaka'y tumulo ang kanyang luha.
Naalala na naman n'ya ang masasayang araw na pagkasama sila. Kahit
saan s'ya tumingin mukha ni Ferdie ang kanyang nakikita. Dumaloy
ang mga luha sa kanyang mga mata, abut-abot ang habulan. Parang
yong nakalbong bundok na wala ng masabitan ang tubig na
nagragasa pababa sa lupa.Gusto n'yang magsisi bat pa nagboyfriend
kung ganito din lang kasakit sa huli.
Tumulo ang luha habang nakatingin sa malayo. ‘Ang ningning sa
kanyang mga mata ay nawala. Naging matamlay at medyo pumayat sa
dati. Mababanaag mo sa kanyang mukha ang pighati. “Ang sakit, ang
sakit sakit, ahhhh, D'yos ko tulungan Nyo po ako."
“Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Naalala pa kaya n’ya ako.”
Mga katanungang nagpapasakit lalo sa kanyang damdamin.At tuluyan na
namang naglagaslas ang luha sa kanyang mga mata at ang tarak sa
dibdib ay napakahapdi na halos ikamatay nya na. Ngayon gusto kung
magsisi ba’t ako nagpadala sa hamon ng pinsan ko. Di ko tuloy
masisi si Ferdie kung magduda sa pagkatao ko.”
Pilit n'yang ibinaling sa trabaho ang kasawian. At kaysa patulan
n’ya ang anyaya ng pinsan na mag-inuman ay ginigugol na lang sa mas
makabuluhang gawain ang sobrang oras. Sumali s’ya sa church choir.
Naging mas malapit s’ya sa D’yos, naging mas madasalin. Kaysa nga
naman sirain ang sarili gaya ng ginagawa ng iba. Nag venture din
s’ya sa business. Lumaon ay medyo naka move on na rin unti unti
Many moons passed, wala s’yang balita kay ferdie. Ngunit laking
gulat n’yang minsan after almost one year ay dumating ito sa
hospital. Sinundo s’ya at may pag-uusapan daw sila. Pinipikit pikit
n’ya ang kanyang mga mata para malaman kung tama ang kanyang
nakikita.”Imee kurutin mo nga ako.” Akala nananaginip pa. “ Arte
neto, uu na gising ka tutuo." Mapanglaw na ngiti ang sinalubong n’ya
kay Ferdie.
“Galit ka pa ba sa akin?” Ang mababang loob na tanong ni Ferdie.
Kahit hindi mangiti si Michelle ay umiling ng bahagya. “Tara kain
tayo.” Nagpatianod na lang si Michelle. Kumain sila sa KFC.
Nung pauwi na ay nagtaka si Ferdie kung bakit di sila dumeretso sa
tinitirhan ni Michelle. Pumasok sila sa isang katamtamang laki na
kichennette . Pagdating sa loob ay sumalubong ang isang empleyado
at kinuha ang dala n'yang plastic bag. “Good afternoon po
ma’am”, bati nito sa kanya. Tumango lang si Michelle. Good
afternoon Sir.
Nagtataka si Ferdie sa nakikita pero nag-obserba na lang. Maya maya
pinaupo s’ya ni Minerva sa isang table at tinanong kung ano ang
iinumin. “Isang beer na lang.” Nang mag ring ang telephone ay
lumapit ang isang tauhan. “Ma’am excuse me po, long distance po,
Nanay n’yo.”
Lalong nagtaka si Ferdie pero di nagtanong. Pagakatapos kausapin
ang nanay n’ya ay bumalik sa mesa si Michlle at tinanong si Ferdie
kung ano ang gustong pulutan, “No problem, I’m full.”
Nagsidatingan ang mga customer sabay sabay kaya’t medyo nataranta
ang mga nagsisilbi. “Sandali lang Ferdie ha”, paalam n’ya sabay
pasok sa kusina. Nang medyo matagal na ay nagtaka na ito kaya
nagtanong kung saan ang CR, isip nya don pumunta si Michelle.
Pagpasok sa loob ay madadaanan nya at tiyak matatanaw ang kitchen.
Laking gulat ng makitang si Michelle ay may apron. Kasalukuyang
nitong nilalagay sa plato ang nilutong pansit na short order.
“Napansin s’ya ni Michelle. “Wait lang ha, tapos na ‘to.”
Ngayon, naunawaan na nya kahit papano kung bakit doon sila tumuloy,
lalo tuloy s’yang humanga sa dalaga. “Mali talaga ako ng
pagkakilala sa kanya. Akala ko walang alam sa buhay dahil ang
hahaba ng kuko sa daliri at mukhang sosyal. Akala ko di ko pwedeng
iharap sa pamilya ko at pagkuskusin ng kaldero.” Iiling iling si
Ferdie ngunit nasisiyahan.
“Marunong pala s’yang magluto at mukhang masipag at responsible.
Bakit kasi ako naniwala sa mga friends ko.” Sisi sa sarili. “ Lalo
na kay Roy na halos siraan na ang buong pagkatao ni Michelle. “I
should have lost the best wife I could ever have, just because of
the alledged accusations, of which I believed.”
“Bakit nga ba ako naniwala sa mga kaibigan ko na naghusga sa kanya.
Kaya pala si Roy panay ang discourage sa akin gusto akong ipaasawa
sa kapatid n’ya. Tama nga yata ang kasabihan, ang naniniwala sa
sabi sabi walang bait sa sarili. Ang laki kong tanga.”
Nang lumabas si Michelle ay ayos na ulit at wala na yong apron na
soot soot nya kanina lang at net sa ulo habang nagluluto. “I’m
sorry, di ako nakapagpaalam. Akala ko sisilipin ko lang sila kanina
eh di nila kinaya kaya ayon tinulungan ko na lang” , “It’s ok , no
problem.”
“Michelle pwede ba tayong lumabas, I just want to talk to you,
please.” Naawa naman si Michelle dahil mahal pa rin ang binata.
Pumunta sila don sa dating tinambayan nila nong sila pa, kasama
sina Dina at Boyfriend nito.
“Michelle, galit ka pa ba sa akin?” Napatawad mo na ba ako? I know
I was wrong, I believed them, I’m sorry, I’m really sorry.”
“Sabi kasi sa akin ni Roy pinagpustahan nyo daw lang ako kaya
niyaya n’yo akong mag inuman. Ang pagkakamali ko naniwala ako. Kasi
noong mag inuman tayo kahit di ko maintindihan si Dina alam ko may
pinag-uusapan kayo tuwing bumababa s’ya. Pero nalaman ko rin kung
ano yon. Kaya lang huli na.”
“Alam mo ba muntik na nga akong mapahamak at mapikot dahil sa
kagustuhan ni Roy na pakasalan ko ang kapatid n’ya. Pero hindi sila
nagtagumpay. Pinamukha ko sa kanila na alam ko na kung bakit
siniraan ka nila sa akin. Gusto nila akong bingwitin. Salamat sa
d’yos pinag-adya N’ya ako.”
“Mahal kita Michelle, mahal na mahal. Di mo lang alam kung paano
ako nagdusa nong maghiwalay tayo. Pero natalo ako sa takot na
makantyawan ng barkada dahil sa mga paninira ni Roy sa 'yo. Inaamin
ko, naging mahina ako noon. Malaki ang kasalanan ko sa iyo, alam
ko.Pero ngayon, wala na akong pakiaalam ke maganda o pangit ang
sasabihin nila.
Di nakapagsalita si Michelle puro iyak lang ang ginawa habang
nagpapaliwanag si ferdie. Inakbayan n’ya ito at inalo. Hinagod ang
malambot na buhok na amoy pa ang mabangong shampoo na ginamit nya
nong umaga.
Dinikit nya ang kanyang labi sa noo ni Michelle para lang iparamdam
na “everything will be ok”, don’t worry.” aniya. “Sabihin mo lang
kung mahal mo pa ako. Kung kailangan ko pang lumuhod sa harapan mo,
para lang mapatawad mo. Umiiyak na si Ferdie, humahagulgol na s’ya
habang nakayakap kay Michelle,.
Wala namang namutawing salita sa labi ng dalaga. Puro lang tango at
iling sa bawat tanong ni Ferdie. Humahagulhol na rin. Mayamaya’y
nagsalita habang umiiyak. “I thought I’ve lost you totally. I don’t
know what to say. I don’t know how I feel for you right now. I’m
totally lost.”
“Please give me time to think and weigh things over. Wala akong
makapa sa damdamin ko sa ngayon. I was hurt, so much hurt.
.” Kung sakali mang makapa ko na ulit sa aking puso ang damdamin
para sa ‘yo gaya noon ay ipapaalam ko sa 'yo. Ihatid mo na ako’t di
ko na kaya. Gusto ko nang magpahinga.”
Pagkahatid n’ya kay Michelle ay saka pa lang n’ya napansin ang
pangalan ng Kichenette. Nakasulat sa sign board Michelle’s
Kichenette. “Napakasinop pala n’ya sa buhay.” Bulong sa sarili. Ah,
how stupid I was..
Ngunit kinabukasan ay sinundo sya ulit ni ferdie at hindi pumayag
na hindi s’ya sumama sa kanya. Kumain sila sa isang tahimik na
restaurant. Medyo maayos na ang kanilang pag-uusap. Naging civil na
sa isa’t isa at kahit papano ay nagkakatawanan na.
Pagkatapos nating kumain punta tayo sa bahay. Sabi ni Ferdie. “Ha,
anong gawin natin don?” Nagtataka.. “Basta lang.” At hinawakan ang
kamay ng dalaga at giniya sa dalang sasakyan.
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng edsa papunta sa Laguna ay
tahimik lang ang dalawa. Parehas na may tumatakbo sa kanilang mga
isip. Si Michelle ay nagsisimula ng maawa kay Ferdie at si Ferdie
naman ay hindi na papayag na mawala pa ito sa kanya.” No matter
what it takes’. Ang drama n’ya.
Pagdating sa bahay nina Ferdie ay nagulat ang mga kapatid nya. Wala
na silang magulang kaya ang panganay nilang kapatid ang nagsilbing
magulang. “Oh bat kayo nasagsag hatinggabi na ah?”, ang gulat na
tanong ng ate mercy niya. Saan si ate? Inginuso nito sa taas ang
kanilang panganay.
Tumuloy na si Ferdie sa taas. Mayamaya ay may nagpalahaw doon na
akala mo ay namatayan. Bumaba si ferdie . Ang kanyang Ate mercy
naman ay umakyat. Tinanong ko si Ferdie kong ano ang nangyari.
Sosorpresahin sana kita at magpapaalam ako na pakakasal na tayo.”
Paliwanag n’ya kay Michelle. “Kahit sa huwes lang muna para lang
matapos na at saka na lang ang church wedding. Ngunit natakot ako
baka hindi sila pumayag kung sa huwes lang muna, kaya’t ang nasabi
ko ay kasal na tayo.” Patuloy n’ya. Di na ako papaya na magkalayo
tayo. Gusto kong makasal na tayo agad.
Nang marinig ni Michelle ang sinabi ni Ferdie ay parang aakyat s’ya
para bawiin ang sinabi ni Ferdie sa awa sa kapatid, kaya lang naawa
rin sa kay ferdie at sa effort nito na makasal sila.
Nagkasubuan na. Umakyat ulit si Ferdie. Pagbaba may daladala ng
bag. Nagulat man nagpatianod na lang s’ya sa mga nangyayari. Alam
n’ya mga damit ang laman ng bag. Syempre nga naman may asawa na,
pipisan s’ya doon kay Michelle.
. Anyway, sa kaibuturan ng kanyang Puso ay mahal na mahal pa rin
n’ya si Ferdie. Nagkabiglaan man ay masaya na rin s’ya. Kahit isang
simpleng kasal ay payag na s’ya, wag na lang ulit mawawala ang
pinakamamahal n’ya.
“Napakagandang pamasko, salamat oh D’yos.” Bulong nya habang
nagdarasal ng umagang iyon. Pagkaalmusal ay kinausap ni Ferdie ang
Uncle na Judge sa city hall para magpakasal sila. Kinabukasan ulit
ay tumawag ang tiyuhin ni Ferdie. “Bring your bride tomorrow.
Maaga pa lang kinabukasan ay naghanda na sila. Bandang tanghali ay
pumunta na sa Cityhall at nagkita kita na sila doon ng mga witness.
Nagsimula na ang seremonyas. Tahimik ang lahat. Pero di naman pala
kahabaan.
“Kiss the bride”, salita ng Judge. Iyon ang pinakahihintay na
sandal ng ikinakasal. Ang boses ng judge ay nagsilbing tinig ng
angel para sa dalawa This is the moment bulong ‘nya sa sarili.
Tinitigan ni Ferdie ang kanyang bride ng pagkalagkit lagkit at di
alintana na may mga kasama sa paligid. At si Michelle ay napapikit.
At ang mamasa masang labi ni ferdie ay kanyang naramdaman naghanap
sa kapwa labi na sinuklian din n’ya ng walang kasingsarap na
pagsuyo. At bumulong si Ferdie, “I love you." At kapagdakay sinagot
din ni Michelle, “I love you too." Bigla silang natauhan ng
“Hhhhemmm, ahhhemm”, parinig ng Judge at nagkatawanan ang lahat.
Napakasaya ng kasal.
Puro mga kapatid ni Michell at mga kaibigan nilang dalawa lang ang
mga bisita dahil ang pagkakaalam ng pamilya ni Ferdie sila’y kasal
na. Sa Michelle’s Kichennete na rin ginawa ang reception. Dahil sa
biglaan ang kasal ay hindi rin nakarating ang mga magulang ni
Michelle na nasa probinsya pa.
Ginayakan nilang mabuti ang lugar. Nagpalit ng mga kurtina. Bumili
ng mga fresh flowers. May nakalagay ding Nuptials sa pinakagitna ng
kitchenette. Dahil magpapasko ay punong puno ng ilaw ang paligid.
Lahat ay Masaya. Napaka private ng lugar at very cozy pa
Mayamaya ay eto na ang bagong kasal at mga ninang at ninong.
Napakasaya ng reception. Palibhasa’y di masyadong marami lahat ay
relaxed at enjoy to the max. Napakaraming pagkain ang inihanda ng
mag-asawa. May litson din at cake na malaki.
At napatingala si Michelle, “D’yos ko maraming salamat po sa lahat.
Napatunayan ko sa sarili ko na ang pagkapit sa ‘yo ang
pinakamahalagang bala para malagpasan ang mga pasanin sa buhay."
Tumutulo ang luha ni Michelle, ngunit ngayon ay luha na ng
kaligayahan.Tapos na nga ang ruweda sa buhay n'ya (ferris wheel).
Nagkaroon na ng hangganan ang mga tanong, ang malulungkot na gabi.
May patutunguhan na ang mga pangarap na dati'y nalambungan ng mga
ulap. Ito na s'ya, ito na right here in my palm. At di ko na
hahayaang mawala pa. Salamat oh D'yos, salamat. Marami pong salamat
at di n’yo ako pinabayaan nung ako'y nalulunod.” Kasalukuyang nag-
eemote sandali si Michelle ng biglang kalabitin s'ya ni Ferdie. "
Oh "Honey", d'yan ka lang pala kanina pa kita hinahanap ah." "Wow
naman sarap pakinggan, may nagha honey na sa akin", naluluhang isip
nya. "Ha, ah, eh sige sunod ako, may kinuha lang ako sa kwarto."
ang nakatalikod na sagot ni Michelle habang nagpupunas ng luha.
"Tapos na nga ang unos sa buhay ko, tama nga ang sabi...beyond
the storm the sun is still shining."....
....MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!!!
Pagkaraan ng isang taon ay nagpakasal na sila sa Simbahan…..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment