Saturday, February 25, 2012

IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABI


IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/20/2011

Hindi na natulog ng dahil sa fez buk
Punta sa simbahan wala na ang antok
Pagdating nga namin panay ang himutok
Wala ng upuan nagtiis sa sulok

saktung sakto pala umpisa ng misa
Ang boses ni Father ayo't namalat na
Sa kasesermon nya gabi at umaga
Boses ay nasira at lalong nawala

Ngunit kahit malat kami ay nagulat
Natapos ni father ang sermon sa lahat
Kayhaba ng sabi kami'y namulagat
Masarap namnamin ikaw ay mamulat

Ika-lima na nga ako ri'y humanga
Marami pang tao puyat di alintana
Tinanong ni Father kung lakas meron pa
Lahat ay natawa lahat ay masaya

Ako ay natuwa at mata ay luwa
Hindi nga inantok at bukas ang diwa
Di gaya kahapon at tulo laway pa
Parang isang manok tukod na ang tuka

Magpapasko na nga di na mapigilan
At ang mga bata tiyak mamuwalan
Maraming ihanda sa bawat tahanan
Luluto si Nanay lahat sasarapan


Pasensya na di makatula puyat hehehe.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...