Thursday, February 23, 2012

IKAAPAT NA ARAW NG SIMBANG GABI



IKAAPAT NA ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/19/2011

Kay agang nagising pagkat sisimba na
Ngayon ay pang -apat dapat ay magtyaga
Pumuntang simbahan ng maagaaga
Meron pang upuan sa aming natira

Oh kaysarap naman itong pakiramdam
Kahit inaantok walang pakialam
Pagkat aking nais sa 'yo'y ipaalam
Na ang simbang gabi ay napakainam

Kay agang nagising pagkat sisimba na
Ngayon ay pang -apat dapat ay magtyaga
Pumuntang simbahan ng maagaaga
Meron pang upuan sa aming natira

Pagdating nga namin ay halos puno na
Sa pang-apat pala marami ring sadya
Ang aking akala magaling sa una
Sana nga'y tapusin at makasiyam ka

Habang nagmimisa umubo'ng katabi
At aking narinig sumagot si pare
Ako'y napangiti pang sakritan't pari
Sila'y nagsagutan ubo'y rumipeke

Habang nagmimisa ako ay nagdasal
Sana ay basbasan itong aking usal
Silang nagagalit nawalan ng asal
Mapatawad sana ng Puong Maykapal

Ako ay hinila ng aking dalaga
Akala ay tulog ang mahal n'yang ina
Ako'y napatayo akala'y kakanta
At ang mga kamay aking ipinorma

Palad ay binuka at magugulatin
Akala'y kakanta nitong "Ama Namin"
Biglang ibinaba at baka mapansin
Baka pagtawanan ang inang antukin

At sa pagtyatyaga misa ay natapos
Ang sermon ni Father ay di ko natalos
Itong sobrang antok paa'y ikinilos
Pinapadyakpadyak upang makaraos

Mamaya dapat maagang matulog para di antukin.....

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...