Wednesday, February 22, 2012

BILANG NA ANG MGA ORAS SA MAGKALABANG MORTAL


BILANG NA ANG MGA ORAS
SA MAGKALABANG MORTAL
(Pacquiao - Marquez)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/12/2011


Ito na naman tayo
titigil sa trabaho
titigil din ang mundo

Ito'y paulit ulit
wala namang pumilit
tuwing laban sasapit

Dibdib ko'y kumakabog
ang lakas din ng tunog
parang mundo'y uminog

Ang mga kapitbahay
tuwang -tuwang maghintay
tumutulo ang laway

Ano meron si Pacman
para pagkaguluhan
dati'y simpleng mamayan

Ngayon ay makita mo
nagkagulo ang mundo
si Pacman paborito

Ito namang si Paris
ay humanga ng labis
milyonaryang makinis

Ang mga kriminal nga
sila'y tumutunganga
sila ri'y tagahanga

Tapos na ang timbangan
sila'y pumasa naman
ang timbang nakayanan

Parehong handa sila
nakapag-insayo na
bukas ay titirada

Si Pacman nagsalita
sa T.V.'y nabalita
at nagpapaunawa

Ang boksing ay trabaho
at hindi niya gusto
makasakit ng tao

Siya ay nagdarasal
at siya ay umusal
sa Diyos nakasandal

Wala sanang masaktan
sa kanilang lubusan
ito ang kahilingan

Tayo rin ay umusal
tulungan s'yang magdasal
siya ay ating mahal

Tayo ngayo'y maghanda
lahat ay iayos na
malapit na ang gera

eksayted na ang lahat
hinihintay bumanat
tayo ay mangagulat

Ito'y pangatlong laban
ni Manuel at ni Pacman
at wala ng urungan

Mortal na magka-away
Matira ang matibay
suntukang walang humpay

Naghanda na ba kayo
mamaya lang ay Linggo
labang umatikabo

Oras lang ang hintayin
ang boksing panoorin
ang takot wag pansinin

Ang iba'y di papasok
at sa T.V.tututok
may kaharap pang manok

sapagkat handa na rin
ang alak na inumin
at imported pa mandin

Marami ng pagkain
sari-saring papakin
at mga lulutuin

Iba'y kinakabahan
ano ang kapalaran
Nitong ating si Pacman

Maraming nagpustahan
siyam kontra isa yan
di patas ang bigayan

pag nanalo si Pacman
piso ang kabayaran
na galing sa kalaban

kapag si Marquez naman
ang nanalo sa laban
siyam ang babayaran

Kayo na ang magkwenta
kung magkanong ipusta
iyon ang binalita

Ganito ang labanan
ganito ang pustahan
ganito ang bayaran

Ganito nga siguro
Si Pacman ay lyamado
lahat ay ilampaso

Ngunit wag maniguro
magdasal pa rin tayo
nawa s'ya ay manalo

Hanggat hindi pa tapos
wag magtiwalang lubos
para yang isang unos

Pag di na nakatayo
ang kalabang natalo
sa sulok ay tatakbo

Doon magdarasal
taimtim ang usal
sa Diyos nating mahal

Hintaying nating lahat
ang repere'y mag-ulat
at si Pacman binuhat

Saka tayo sumigaw
boses aalingawngaw
sa tuwa'y pumalahaw

Sa ating Diyos Ama
pahingi po ng awa
tulungan po sana

Kami ay pakinggan Nyo
sa laban naming ito
ito'y sa Pilipino

Mabuhay ating bayan
mabuhay ka rin Pacman
ikaw ay aming yaman

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...