-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
bahagi ka ng buhay
ako ay malulumbay
kung ikaw ay mawalay
Sino kayang titighaw
dito sa pagkauhaw
sino pa kundi ikaw
Ako'y iyong lambingin
ako'y iyong lunurin
sa bisig mo'y yakapin
Habang ako ay yakap
lamig mo ay kay sarap
ito aking pangarap
Pag ako'y nainitan
ikaw ang kailangan
gumabi't umaraw man
.....TUBIG.........

No comments:
Post a Comment