Thursday, February 23, 2012

HAGUPIT NG KAPALARAN

HAGUPIT NG KAPALARAN
(Nasaan si Shiena?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/16/2011


Kringggg, Kringggg...."Yes, hello, sagot ni Marlon, ""Beh, simba tayo mamaya ha, abutin natin ang perpetual novena. Miyerkules ngayon, remember." "Oh Beh kaw pala, oo ba, sigi daanan kita d'yan mamayang 5:00 pm, ok ba?" Beh ang nakasanayan nilang tawag sa isa’t isa.

Si Marlon at si Shienna ay dalawang taon ng magboyfriend. Parehas silang 20 yrs old , mas matanda lang ng 2 buwan si Marlon. Parehas nilang unang pag-ibig ang isa't-isa kaya ang kanilang pag-ibig ay bounded with true love, trust, undersatanding and respect to each other. Mahilig din silang magsimba dahil gusto nila hanggang wakas ang kanilang pag-iibigan

Tok, tok, tok. "Sandali lang, and'yan na. Oh, Marlon, kaw na pala. Wait lang kunin ko lang bag ko." Dyan na lang tayo sa chapel ha traffic ngayon eh, pahabol ni Marlon. " Oo, syempre nuh, alam ko naman yon. Miyerkules ngayon eh.

Pagkatapos ng misa, habang naglalakad sila ay may inabot si Marlon galing sa kanyang bag na 3 red roses. "happy 2nd anniversary", ika n'ya na nakangiti ng pakatamis tamis kayat lumabas ang biloy sa pisngi, isang katangian ni Marlon na ikinahihimatay ni Shienna. Napakaamo ng mukha ni Marlon, at ang magkabilaan na dimples ay lalong nag papa attract sa kanya. Si Shienna ay maganda rin. Medyo morena.

"Hmmmmpp", pairap na hagong ni shienna. "Kala ko nakalimutan mo na. Thank you.", "hah, ako pa. Makalimot ka na, wag lang ako, hahahaha" "Oa hah." sabay kurot sa braso ni Marlon, "aray ko , aray ko." Shhhh...wag ka maingay nasa kalsada tayo." paanas na paalala ni Shienna." 

"Beh gusto mo maglakad,lakad tayo tapos, punta tayo sa ever kain tayo don. Matatraffic tayo pag sumakay pa." "Ay, wag na natatamad ako eh, masakit ang ulo ko." Pamaktol na sagot ni Shienna

Pag-uwi nila ay inaya ni shienna sa likod ng bahay si Marlon. Meron doong bahay kubo na gamit nila pag mainit ang panahon. Pagpasok sa sala ng bahay kubo ay napangiti ang huli. "Wow, what is this, how romantic ka talaga Beh, kaya lalo akong naiinlove sa ‘yo eh. Dinner by candle light hehehehe. Kaya pala, kunyari masakit ang ulo, hehehe kaw talaga." 

May nakalagay na mesa sa gitna at natakpan ng magandang table cloth. May dalawang plato, baso at kutsara. Sa dingding namn ay my cut outs, HAPPY 2nd Anniversary .....

Kumuha ng flower vase si Shienna at inilagay ang 3 red roses na bigay ng kanyang boyfriend. Inilaagay na rin ang nakatabing pagkain na kanyang inihanda. May spaghetti, steamed shomai, hotdog at sandwhich. "Beh pasalin na ng juice sa baso", ang sabi ni Shienna kay Marlon.

Pagkaayos ng mga pagkain ay naupo na sila. Sigi ang kain habang panay ang biruan at hagikhikan. Kaysarap talagang maging bata lalo’t may boyfriend. Masaya at masigla at ang relasyon ay punung-puno ng pag-ibig at pag-asa.

Ng matapos kumain, ay niligpit nila ang mesa pagkatapos naupo sa maliit na sala set. May kinuha sa bag si Marlon, isang cute na stuff toy. "Beh oh, sabay abot at binigyan ng smack sa lips si Shienna. 
Love you Beh, nakadalawang taon na tayo sana tuluytuloy na to. Pabulong na sabi ni Marlon sa dalaga na halos lumukso ang puso at lumundag lundag pa nga."Blue magic ha daming pera , hehehe, thanks Beh"

Kapagdaka'y may kinuhang plasic bag sa gilid si Shiena. “oh, akala mo ha ikaw lang. Isukat mo nga kung kasya sa yo kahit patong mo lang. Wow, yan yong gusto kong tshirt ah, di ko lang nabalikan." "Alam ko po, naalala ko, nakwento mo kaya sa akin, hehehe."

Napakagandang pag-iibigan. Parang walang katapusang kaligayahan para sa magsing-irog. Habang nakaupo ay hinawakan ni Marlon ang isang kamay ni Shienna, pinisil pisil at nilapit sa kanyang labi at hinalikan samantalang ang dalaga nama’y kinikilig. 

Tandaan mo beh, pakaiingatan kita hanggang sa araw ng ating kasal.” “Saalamat Beh, at yan ang ikinatutuwa ko sa ‘yo. Dalawang taon na tayo pero nakikita ko na patuloy kang humahawak sa pangako mo, paayon na sabi ni Shienna. “Dahil mahal kita Beh, mahal na mahal. At yang pagmamahal na yan ang pumipigil sa akin at para patuloy kang igalang at maghintay ng tamang panahon. 

"Beh, walang iwanan ah, kahit ano pang mangyari, walang bibitaw. Pangako mo yan ah. Paalala ni Marlon" Wow, syempre oo naman. Bakit kinukulang ka pa ba sa pagmamahal ko? hehehe." Pabirong tanong ni Shiena na ngiti lang ang sagot ng isa. 

Hinawakan ni binata ang madulas na buhok ni Shiena na hanggang balikat lang. Hinagud-hagod. Sinuklay suklay ng kanyang mga daliri. Iyon lang ay parang dinadala na si Shienna sa langit at parang may anghel na bumaba sa lupa. 

Natutuwa s’ya sa sobrang kabaitan at sa paggalang na ibinibigay ni Marlon sa kanya. Kuntento na sila sa holding, holding hands, pa smack, smack, paakbay-akbay para malayo sa tukso. Para kay Marlon, ang pagmamahal ay nakakapag-intay. Tinatapos lang nila ang kanilang pag-aaral. Parehas na silang graduating.

Bago umuwi ay humalik sa pisngi si Marlon. "Tawagan kita pagdating ko sa bahay, thank you Beh ha and thanks for your love. Tita alis na po ako" paalam nito sa mommy ni Shiena na nakaupo sa terrace Sabay mano.Sigi isara mo na ang gate, bye" At pumasok na sa kabahayan si Shienna na ang ngiti ay umabot sa kabilang baryo."Naku ang dalaga ko, walang mapagsidlan sa kaligayahan." Biro ng ina.

Lumipas ang ilang araw ay tumawag ang isang kaibigan ni Shienna. "Hello, hoy bruh, musta ka na?" nasa kabilang kawad si Eloisa, kaibigan ni Shienna."Oh, anong masamang hangin at napatawag ka?" "Bukas, kita tayo birtday ko lang naman." Ang sabi ng kaibigan. Ah ganun ba, sigi iconfirm ko sa 'yo. Paalam lang ako kay Marlon ha." "Sigi, wait ko tex mo, pero definite na ha pag pinayagan ka, kita tayo sa Aristocrat sa malate, don sa dati, ok."

Kinabukasan ay nagkita nga sila, pagdating sa Aristocrat ay inabutan na ni Shienna ang isang lalaki at si Eloisa. Namukhaan n'ya ito dahil mahilig tumambay don sa malapit sa kanila. Gwapo ang lalaki, matangkad na maputi.

"Oh ano, maupo ka na. Wag kang matakot d'yan pinsan ko yan. Sumama eh. Akala mo boyfriend ko hehehe, swerte ko naman patulan ba naman ng gwapo hehehe." Natatawang sabi nii Eloisa. Naupo si Shienna sa tabi ni Eloisa. "A Shie si Dennis nga pala, pinsan ko.Oh ano order mo, kami meron na."

Nang dumating ang pagkain ni Shienna ay nagsimula na silang kumain."Shie palit nga tayo ng softdrink, ayaw ko nito eh. Kasi my hyper acidity ako. Akin na lang yang seven up mo. Coke na lang sa yo ha." Oo bah, sagot ni Shienna. Habang kumakain ay nagpaalam si Eloisa na punta lang daw sa CR at masama ang pakiramdam.Naiwan ang dalawa at napilitan ng makipag-usap si Shienna kahit sukal sa kalooban n'ya dahil ngayon lang nagkakilala.

Ngunit nakatapos na silang kumain wala pa rin si Eloisa kaya nagtaka na si Shienna. "Bat kaya ang tagal ng babaeng 'yon?", Medyo inis na sabi ng dalaga habang iniinom ang softdrinks."Ewan ko ba don , sabi mag CR lang." Sagot sa kanya ni Dennis. "Mauna na kaya ako kasi parang nahihilo ako eh. Gusto ko ng umuwi, Ikaw na lang mag-intay sa kanya." Ang sabi ng dalaga.

"Hah, ah ganun ba. Kaya lang baka mapaano ka, aya't nahihilo ka pala." "Di, kaya ko na ito, kunti lang naman." Ngunit nag insiste si Dennis na ihatid s'ya at baka mapaano daw sa daan ay sagutin pa nya sa kaibigan. Habang naglalakad ay nagtaka si Shienna bakit bigla s'yang nahilo. 

"Ano kaya ang nakain ko't nahilo ako. Kare kare lang naman at chicken barbeque yon, at Aristocrat pa ha, imposible." Pagtataka n'ya na di maisatinig. Mayamaya ay pumara ng taksi si Dennis at sumakay na sila. "Halika na Shienna, magtaxi na lang tayo at baka mahirapan ka sa jeep. Sabi ni Dennis na may pag-alala. Napilitan naring sumakay si Shienna dahil hilong-hilo na s'ya….

"Ano toh? Saan ako naroroon? Nasapo ang ulong masakit Medyo nahihilo pa. Nagulat pero mas natakot ng makita ang sarili na balot ng kumot at walang saplot. Nagsimula ng sumigaw. Ano toh, ano toh. Asan ako? At gustong umiyak ng unti unting maramdaman ang strange feeling sa sarili. 

Masakit ang katawan at parang pagal. Pinakiramdaman ang katawan, sabay nahintakutan. Gustong isipin na panaginip lang ang lahat. Ipinikit ang mga mata. At muling iminulat. Sabay napatingin sa kapaligiran. At nakita ang mga dingding na iba ang kulay kaysa kwarto nya. 

Ngayon sigurado s’yang di s’ya nananaginip. Unti unting nang lumilinaw sa kanyang kamalayan. Ang isang bangungot. At lumaki ang kanyang mata. Mababanaag ang takot, sobrang takot at natanong ang sarili. Tama ba ako? Tama ba ang naiisip ko ? Masakit mang isipin at tanggapin.Na rape ba ako? Mga salitang dumagundong sa kanyang inaantok pang diwa.

Ahhhhhhh huhuhuhuhu. Humagulhol ng todo na halos magunawan ng mundo ng maalala na s'ya ay nahilo at isinakay sa taksi ni Dennis. Ng maunawaan ang lahat ay lalong nagalit. Dalidaling kinuha ang saplot at nagmamadalin.g nagbihis

Nagmura ng nagmura at pinagbabato bawat mahawakan. Mayamaya ay nakita n’yang lumabas ng CR ang walanghiya. NIlapitan nya to at pinagsasampal at pilit kinakalmot. Nagwala s’ya ng nagwala. Pinagsusuntok n’ya sa mukha ang lalaki ngunit matangkad si Dennis at halos di n’ya tamaan

“Bakit mo to ginawa sa akin? Bakit n’yo ako niloko? Anong kasalanan ko sa pinsan mo bakit ako trinaydor? At pinaghahampas ang lalaki ng kanyang mga kamay na panay lang ang ilag at hanggang napagod sya ay niyakap sya ng lalaki ngunit paiktad s’yang lumayo. 

“wag kang lumapit sa akin”,singhal n’ya habang dinuduro ang lalaki. “Nandidiri ako sa iyo, nandidiri ako sa sarili ko.” How dare you do this to me, damn you. You have no right to do this to me. You’re sick Nanlilisik ang mga mata ni Shienna. Ipapakulong kita, kayo ng pinsan mo. Mga halang ang kaluluwa. Hindi man lang kayo naawa sa akin. Sinira n’yo ang buhay ko. Ahhhhhhhh.” Humawak sa noo, papunta sa buhok at halos sabunutan ang sarili sa galit. 

At paimpit na umiyak. Mararamdaman mo ang pait sa kanyang mukha. Ang depression, ang pagkatalo, ang hinanakit sa mundo. Ngayon, biglang naisip n’ya si Marlon. “ Si Marlon , paano si Marlon, pano nga pala si Marlon?” Bubulung bulong na sabi n’ya hanggang napasigaw. Palakadlakad sa kwarto “Paano nga pala si Marlon, hahhhh, paano si Marlon? nagsisigaw na at umiiyak. 

“Paano n’ya matatanggap toh, paano n’ya matatanggap toh.mahihinang pag-iyak ulit. “Marlon, I’m sorry, I never expected this. I’m sorry, I’m relly very, very sorry. Habang ang luha ay patuloy na dumalisdis sa kanyang mukha. Nagbabadya ng unos sa kanyang buhay. Ngayon hindi na sarili ang iniisip nya kundi si marlon , si Marlon, si Marlon na pinakamamahal n’ya. 

Si Marlon na lahat sa buhay n’ya, si Marlon na pinangakuan n’ya ng wagas na pagmamahal, si Marlon na ang lalaking nag-iisang minahal n’ya. Si Marlon na walang ginawa kundi ang mahalin s’ya. Si marlon na pinakaiingatan ang dangal n’ya. At unti unti na naman s’yang humagulgol, palakas ng palakas na halos panawan na s’ya ng ulirat. 

At muling naghesterya. Pinagsusuntok si Dennis. Bakit ako pa. Ang dami daming babae d’yan. Bakit ako? At napasadlak sa kanto ng silid. Marlon patawad, patawarin mo ako. Hindi ko sinsadyang saktan ka. Patawad at ako’y nagkasala. Patawad at hindi ko naalagaan ang sarili ko. Maghapong ngumoyngoy. Hindi kumikbo ang lalaki, umiiktad lang pagnagwawala si Shienna at kung sinusuntok s’ya o sinisipa.

Hindi sila nakalabas maghapon sa hotel na pinagdalhan sa kanya. Walang kaalam-alam ang management na may kakaibang nangyayari sa loob dahil naka aircon. Parang pakiramdam ni Shiena ay nagtatago s’ya na parang criminal. Hindi n’ya alam kung saan magsisimula. 

Nang mapuna ni Dennis na nakalma na si Shienna ay nilapitan n’ya ito at kinausap. Shienna, patawarin mo ako, patawad. Matagal na akong may gusto sa ‘yo kaya lang alam ko may boyfriend ka na.” Paliwanag ni Dennis. Kaya kinasabwat ko ang kaibigan mo na tulungan ako. Ang sabi nya sa akin mahal na mahal mo raw si Marlon kaya di mo ako papatulan. 

Pero, gusto talaga kita eh kaya ginipit ko si Eloisa para tulungan ako. Ayaw n’ya nong una pero tinakot ko s’ya na isusumbong sa nanay n’ya na nakita ko sila ng boyfriend n’ya na pumasok sa motel kaya napilitan s’yang sumunod sa akin. Patuloy nito. Kaya nilagyan n’yo ng gamot yong softdrinks na pinagpalit ni Eloisa sa akin.” Madiing tanong ni Shienna na tumango naman ang lalaki.

Shienna, handa naman akong panagutan ang ginawa ko sa iyo.” Anito na lalong ikinainis ni Shienna. Panagutan? Kung sarili mo nga di mo kayang buhayin dahil istambay ka lang dun malapit sa amin. Naalala ko nabanggit ka minsan sa akin ni Eloisa.

“Bakit akala mo ba pumapatol ako sa basta gwapo lang. Nanggagalaiti ang dalaga. Dahil ba nakwento ni Eloisa sayo na mayaman ang magulang ko? Ganun ba kaya pinagplanuhan n’yo ako? Ang sama n’yo, ang sama sama n’yo. Magkamag-anak nga kayo. Hindi ko mapapatawad yang pinsan mong yan. Sinira n’yo buhay ko, ang mga pangarap ko, ang pag-ibig ko.”

. Napakasama nyo. At umiyak ng umiyak habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Muling lumapit si Dennis at hinawakan s’ya sa balikat. “Huwag mo akong mahawakhawakan. Lumayo ka!

“Pakakasalan kita, sasagutin ko ginawa ko sa ‘yo.” “Hah! Kapal mo talaga. Ang kapal kapal ng mukha mo.Naakikita mo ba sarili mo habang nagsasalita. Manalamin ka nga. Kilalanin mo muna ang sarili mo!”

At nagsimula na namang umiyak si Shienna. Ngumungoyngoy ng walang kasingpait. Ngunit ngayon ay mahina na . Bahaw na ang kanyang boses sa maghapong pag-iyak. Ang mga text ni Marlon ay hindi nya sinasagot at tuluyang inoff ang CP. Pero nag tex sa nanay nya at sinabing nasa isang kaibigan lang at nagkatuwaan kaya di nakauwi ng nagdaang gabi.

Sa pagkakataong ito ay unti unti ng nanumbalik ang lakas ni Shienna kaya bigla n’yang sinaklit ang bag at dalidaling sinuot ang sapatos. Lumabas ng kwarto at tuloy tuloy lumakad. Walang pakialam kahit pinipigilan s’ya at pahabol na tinatawag. Pagdating sa baba ay agad tumawag ng taxi at nagpahatid sa kanila. Mga isang oras bago s’ya nakarating sa kanila. 

Pagdating n’ya sa bahay ay wala ang kanyang ina. Nagpahatid lang ng pagkain sa kanyang kwarto sa katulong at nagbilin na pag hinanap ng ina s’ya ay tulog na. Pagpasok ng kwarto ay agad dumeretso sa banyo. 

Naghubad at naligo. Kinuskos ng kinuskos ang katawan sinabon ng ilang beses. Ninanais na madala sa sabon ang kawalanghiyaang ginawa sa kanya. Ng matapos maligo ay nag-alcohol pa. Ngunit di n’ya kayang lokohin ang sarili. Paulit ulit na bumabalik ang bangungot. 

Kinabukasan ay di s’ya pumasok sa school. Ng tinanong ng ina, sabi ay maysakit s’ya. Ng bandang hapon pumunta si Marlon pero di n’ya nilabas. “Bakit kaya? May dapat ba akong katakutan? Bakit nagkakaganito si Shie, anong problema at ilang araw ng di nakikipag-usap sa akin kahit text man lang”

Nagmakaawa s’ya kay Shienna. “Beh, me problem ba tau, please wag mo ako ganituhin. Talk to me pls.” text ni Marlon. Dahil wala pa ring sagot ay dinalaw ulit n’ya ang dalaga. This time, napilitan na s’yang harapin ni Shienna. Pinaakyat na lang sa taas dahil ang pagkakaalam ng ina ay maysakit.

Ng makita ‘sya ni Marlon ay nag-alala ito. Humpak ang pisngi n’ya at malamlam ang mga mata. Malamig din ang pakikitungo nya sa binata. “Beh, what’s wrong? May nagawa ba akong kasalanan? Nahihirapan na ako sa pagbabalewala mo. Please, pag-usapan natin ‘to once and for all. Wala akong maintindihan kung bakit bigla kang nagkaganyan sa akin.” Pakiusap ni Marlon

Hindi makatingin si Shienna sa boyfriend. Hindi n’ya kayang bigyan ito ng sama ng loob. Mas lalo s’yang nasasaktan sa puntong ito. Ngunit anong gagawin n’ya. Nagpupumilit na si Marlon na alamin kung ano itong ikinikilos n’ya. At tumulo na ang kanyang luha . Di na mapigilan, at ito’y lalong ipinagtaka ni Marlon.

“Beh, please tell me what’s going on. Wala akong naiintindihan.” At inangat nito ang luhaang mukha ni Sienna, naawa sa nakikitang sakit na dinaranas nito na di naman n’ya maintindihan. Inakap n’ya ang dalaga. Iniisip n’ya na kahit sa yakap n’ya ay maproteksyunan man lang ang babaeng iniibig. Kahit man lang ang init nito ay magsilbing kalasag laban sa kung anong gumugulo sa dalaga.

Ngunit bumitaw si Shienna. Nandidiri s’ya sa sarili. Hindi n’ya kayang lokohin ang lalaking pinakamamahal n’ya. Lalo ngang nagtaka si Marlon. Muling hinawakan sa balikat ang dalaga. “Beh, common , pag-usapan natin to. Muling inangat ang mukha ni Shienna, tinitigan. “Beh, please.”

Sa awa sa boyfriend ay unti unting nagsalita si Shienna. Pasensya ka na. Nahihirapan din ako. Di kita gustong saktan.” At muling lumuha. Pigil ang pag-iyak. “Maghiwalay na tayo.” “Tama bang naririnig ko Beh?” tanong ni Marlon. “Alam mo ba ang sinasabi mo?” dugtong nito. Tumango ang dalaga na lalong ikinagulat ni Marlon. 

Nasuntok ang pader sa tindi ng emotion, napaluha. “Sabi ko na nga ba eh, yong hindi mo pag communicate sa akin ng ilang araw ay may nangyayaring masama. Ngayon, tatanungin kita, to be fair with me, bakit? Ano ang kasalanan ko? Umiiyak na tanong ni Marlon. Humagulhol ng humagulhol. “Bakit? Akala ko walang bibitaw, akala ko hanggang wakas. Sabihin mo nga. Ipaliwanag mo sa akin kung ano itong lahat. Di ko kaya to Beh, di ko kaya.”

Awang-awa na s’ya dito pero di n’ya alam kung saan magsimula at kung paano magpaliwanag. “Ng makakuha ng lakas ng loob nagsalita. “Pakinggan mo nga ako at intindihin. Marami ka pa d’yang makuha, mas higit sa akin. Hindi mo ako kailangang iyakan. Para sa kabutihan mo itong ginagawa ko.” Tumbukin mo nga kung ano lahat to. Wala to sa usapan natin, sagot ni Marlon

“Beh patawad, patawarin mo ako at sinira ko pangako ko sa ‘yo Di ko sinasadyang saktan ka. Alam mo kung gaano kita kamahal.” Paliwanag ni Shienna. “Pero bakit mo to ginagawa sa akin? Hindi ito madaling tanggapin. Ano ang dahilan mo at tatanggapin ko kahit masakit. Malaman ko lang.”

“Beh , wala na , wala na”, at umiyak ng umiyak ng impit at baka marinig ng mga kasamahan sa bahay. INakap s’yang muli ni Marlon, but this time akap na mahigpit at di n’ya bibitawan hanggat di umamin ang dalaga. At pabulong sinabi n’ya. “Beh na rape ako hindi alam nina Mommy. Yon lang, ay parang bulkan na sumabog sa utak ni Marlon. Parehas silang napaiyak. 

Napaupo sila sa sahig akap ang isa’t isa, naghahanap ng lakas sa bawat isa. Habang umiiyak pareho. Kaysakit, napakasakit na biro ng tadhana. “Bakit sa atin pa nangyari toh? Bakit?” Panaghoy ni Marlon na parang binagsakan ng langit at lupa. “D’yos ko , bigyan po Ninyo ako ng lakas, para harapin ang mga pagsubok na ito.” Paanas na nasambit ni Shienna. 

“Kung ito man po’y kailangan kong pagdaanan ay tatanggapin ko po. Pero sana tulungan N’yo rin po na matanggap ni Marlon itong aming pinagdadaanan ng hindi s’ya masyadong masaktan. “beh hindi ako magdaramdam. “I’m setting you free. Hindi ka dapat magdusa. Akin lang ang laban na to. Inuulit ko, patawad, patawad at di ko natupad ang aking pangako.”

At unti unting inisa-isa ni Shienna ang kanyang pinagdaanan. Mula sa pagpaalam n’ya kay Marlon na makikipagkita sa isang kaibigan dahil birthday nito, hanggang sa nahilo na sya at din a nagawang magtex kay Marlon. Halos iumpog ni Marlon ang ulo sa pader ng silid. Sising sisi ang sarili bakit n’ya pinayagan ang kasuyo. “Sorry Beh”, habang nakadikit ang mukha sa mukha ni Shienna. Lumalagaslas ang luha habang nagsasasalita. “Dapat di kita pinayagan. Dapat napangalagaan kita. Kasalanan ko ito. Kung di sana ako pumayag, di nangyari sa ‘yo ‘to. I’m sorry.”

Pagkatapos maikwento ang lahat hanggang sa makauwi s’ya ay umayos sa pagkakaupo ang dalawa. Ngayon buo na ang balak ni Shienna. “Find a better girl, mag move on tayo pareho.” I’ll bring this matter in court.” “Beh, bakit ganun, dalawa tayo. 
Tutulungan kita sa pagdala ng problemang ito. Pag-usapan natin tong mabuti. Wag kang padalos-dalos. Akala mo ba ganun kadali ang ganitong kaso. Baka di mo kayanin ang proseso nito. Kakalkalin nila lahat ng nangyari. Ikwekwento mo lahat sa korte at hihimayhimayin mo kung ano ang ginawa sa iyo. Ay paano kung palabasin n’ya na inakit mo s’ya kaya kayo humantong sa ganun. Mahirap Beh. Maiiskandalo ang buhay mo at ang pamilya mo. Baka malaman pa ng medya ay lalo kang pagpyestahan. Kilala ang magulang mo dito sa lugar natin. Magugulo ang buhay n’yo. Beh, magtiwala ka sa akin gaya ng dati. Kalimutan natin ang lahat. Ituloy natin kung ano meron tayo. Ikaw, ako pamilya mo, pagtulungan natin ito. 

“Handa ako Beh. Mas di ko kakayanin na mawala ka sa akin. Paniwalaan mo ako. Mahal na mahal kita ,alam mo yan.” Lumuluhang sabi ni Marlon. Di na n’ya alintana kung anuman ang nangyari sa pinakamamahal n’ya. Ang sinisigaw ng puso n’ya ay kung pano n’ya ito matulungang maiahon sa pagkakasadlak. Mas naaawa s’ya sa mahal n’ya una kaysa sa sarili. Masakit din sa kanya ang sinapit ni Shienna. Napakasakit tanggapin. Pero uunahin pa ba n’ya ang sariling kapakanan. Ang importante ay buhay si Shienna. Nakabalik sa kanila.

Nakauwi na si Marlon sa kanila. Pero di na parehas ang dating damdamin na matapos manggaling kina Shienna s’ya ay Masaya. Napakabigat sa pakiramdam. Ngunit buo ang kanyang desisyon. Hindi n’ya iiwan ang pinakamamahal n’yang si Shiena. Si Shienna na iginalang n’ya sa loob ng dalawang taon. Shienna, ahhh si Shienna. Ang kawawang si Shiena na hindi man lang naipagtanggol ang sarili dahil pinatulog ng mga buhong.

Sa kabilang dako, si Shienna ay nakatulala ng pumasok ang kanyang ina. Parang nagdududa na merong problema. Nabanaag n’ya kay Marlon ng magpaalam ito sa kanya. “Anak, kumusta ka na? Sabay salat sa leeg ng anak. Wala ka namang fever, what’s wrong? Ni ayaw mong lumabas ng kwarto at kagabi pagdating ko tulog ka na’t nakalock. Si Marlon parang wala rin sa sarili nung magpaalam. Di ba wala tayong secret? Common, tell Mommy what’s bothering you.” 

At nagsimula ng tumulo ulit ang luha ni Shienna. Ngunit ngayon ay nakakita s’ya ng kandungang magtatanggol sa kanya ng buong puso. Kaya’t nagsimula na s’yang magkwento sa kanyang ina. Napakasakit sa isang ina ang nangyari. Nag-iyakan silang mag-ina.Ngunit nagpakatatag ang kanyang ina. “Anak, handa ka bang dalhin ito sa korte at mabigyan ng katarungan ang nangyari sa iyo. 

Pag-uusapan naming ng Daddy mo to. Wag kang mag-alala. Dito lang kami para sa ‘yo. Ano ang sabi ni Marlon? Paano n’yang natanggap?” “Ewan ko Mommy, pero napaka unfair sa kanya kung pananagutin ko s’ya sa nangyari sa akin. Nakikipagbreak na nga ako, ayaw n’ya. Wala raw mababago.” Ayaw din po n’yang pumayag na magdemanda tayo at maiiskandalo lang ang pamilya natin lalo na ako.

Pagkatapos ng isang linggong pagliban sa eskwelahan ay napilitan ng pumasok si Shienna dahil dal’wang bwan na lang ay ga graduate na sya. Tumatawag pa rin si Marlon araw-araw gaya ng dati at dinadalaw sya. Mas madalas ngayon, pilit pinapasaya ang kasuyo. Ngunit naging tahimik na si Shienna at sasagot lang pag tinanong. Nakuha yata ni Dennis ang landline ni Shienna sa kanyang pinsan kaya laging tumatawag sa kanya ngunit di n’ya ito kinakausap.

Makaraan ang isang buwan ay ito na ang kinatatakutan ng mag-ina. “Mommy, bat wala pa po akong means? Tsaka parang nasusuka ako pag may naamoy na di gusto ng sikmura ko.” Agad ay dinala sa Doctor para ipapregnancy test si Shienna. Masakit man sa loob ay tinanggap ng mag-ina ang kapalaran. 

At pinag-usapan nila ang susunod na hakbang. PInabayaan ng ina na magdesisyon si Shienna kung ano ang tingin n’ya ay mabuti para sa kanya. Ng dumalaw si Marlon ay agad n’yang kinausap. “Beh, tatanggapin ko sana ang alok mo, na tayo pa rin ang magpapakasal pag graduate natin. Pero sadya yatang di tayo para sa isat isa. Beh, sorry talaga pero di ko masikmura na ikaw ang umako sa nangyari sa akin. “Napakataas ng pagpapahalaga mo sa kalinisan ng ating relasyon tapos ngayon ganito.” 

“Beh, wag kang mabibigla buntis ako, positive ang result kanina.” Naakap ni Marlon si Shienna sa awa. Iiling iling. “Wala akong pakialam Beh, mas kailangan mo ako ngayon. Wag mo akong itulak palayo. Aakuin ko lahat yan. Mas magiging mahirap satin ang malayo sa isa’t isa. Kaya mo ba? Ako di ko kaya.” Tumutulo ang luha habang nagsasalita si Marlon. Pilit pinapadama sa katipan na sa mga bisig n’ya s’ya ay protected. 

“No, please, makinig ka magiging magulo ang lahat. At di tayo tatantanan ni Dennis. Pag nalaman n’ya na buntis ako tiyak guguluhin n’ya tayo. Beh, kung talagang mahal mo ako, please make things easy for me. And’yan ang tatay nitong batang dinadala ko. Napaka unfair kung ipaako ko ito sa ‘yo. Bata ka pa Beh, makakalimutan mo din ako. Please, para maging madali sa akin ang gagawin kung desisyon sa buhay at maitama ang mali, please pabayaan mo na ako. Nagsusumamong pakiusap ni Shienna habang umaagos ang luha. 

Laglag balikat si Marlon. Napilitang tanggapin ang pagkatalo sa labis na pagkaawa kay Shienna. At tuluyang humakbang palabas ng silid, palayo, palayo sa babaeng pinakamamahal n’ya. Kung saan man s’ya dadalhin ng kanyang mga hakbang ay di n’ya alam. At nasambit sa sarili, “D’yos ko, kung anuman po itong delubyong nangyayayari sa buhay ko, at sa buhay namin ni Shienna. Bigyan n’yo po kami ng lakas at tamang pag-iisip para makayanan ang lahat ng ito.”

“Hello, pwedeng makausap si Shienna?” “Sino po sila? “Pakisabi si Dennis.” “Pumunta na lang po kayo dito. Yon ang bilin sa akin pag tumawag kayo.” OK thanks. Pakisabi pupunta ako mamaya lang.” Ng ibababa ang telepono ay biglang napasigaw sa tuwa si Dennis. “Yes,” At napa thumbs up pa. Ngiting ngiti ang buhong na akala mo ay tumama sa supistik. Parang alam na alam na nya ang mangyayari kung bakit inabot ng ganito katagal bago nagdesisyon.

To cut the story short, matapos kausapin ng mga magulang ni Shiena si Dennis ay hiniling ng pamilya na papuntahin na ang magulang at para pag-usapan ang kasal. Ng makapag-usap sila ni Dennis mariing pinaintindi ni Shienna ang isang bagay. “Kung saan ako nadapa, doon ako tatayo, yon lang yon. Wag kang umasa ng magandang pakikitungo sa akin. Di pa kita napapatawad.” 

Ngunit walang pakialam si Dennis ang importante sa kanya ay nagbunga ang kabuktutang ginawa n’ya. Nasa palad na n’ya ang tagumpay. Ang pangarap n’yang makapag-asawa ng mayaman. “Ito na, ito na.”Bulong n’ya sa sarili.

Araw ng kasal. Ngayon lang sila magkikita ulit ni Dennis mula ng pumayag s’yang makasal dito. Ang magulang n’ya ang humaharap pag may kailangan tungkol sa kasal. “Isang simpleng kasal sa huwes at walang reception. Pagkatapos ng kasal dito pa rin ako titira. Nasa iyo yan kung titira ka dito.” Yon ang usapan nila ni Shienna

Walang nagawa si Dennis kundi sumunod. And the rest was history. Makalipas ang limang taon ay naging tatlo ang kanilang anak sa gitna relasyong walang pag-ibig. Halos pakiramdam ni Shienna ay lagi s’yang na re rape ng asawa dahil dinadaan sa lakas nito kung gusto s’yang angkinin.

Nabalitaan na lang ni Shiena sa isang kaibigan na si marlon ay nangibang-bansa na. Gusto raw makalimot kaya umalis ng bansa. Ng mag graduate silang dalawa ay di rin sila nag kita dahil magkaiba ang kanilang pinapasukan. 

Magkasunod na namatay ang mga magulang ni Shienna sampung taon matapos s’yang ikasal. At dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo ng mawala ang kanyang mga magulang. Nagsimula na rin s’yang saktan ni Dennis. Ang laki ng pinagbago nito. Nakilalam na sa negosyong iniwan ng magulang at s’ya na rin ang nagpatakbo nito. Kahit pa nga hindi nakatapos mag-aral. Si Shienna ay sa bahay lang dahil naging seloso pa si Dennis. Nakaramdam na rin s’ya ng takot sa asawa sa pananakit nito, kaya nagpatianod na lang s’ya.

Dahil humahawak na ng salapi ay natuto na ring magbarkada at mambabae si Dennis. Ito yata ang kanyang tutuong dahilan kung bakit gustong makabingwit ng mayaman. Para masunod ang kanyang mga luho at bisyo. Nagbuhay hari na rin. At naging sunud-sunuran na lang si Shienna.

Pero minsan isang araw binugbog na naman si Shienna ni Dennis. Maga maga ang mukha. “Oh D’yos ko kung anuman po itong kamalasang nangyari sa buhay ko, kung ako man ay nagkamali sa desisyon ko na tumayo kung saan ako nadapa at hinayaang mawala sa akin ang pinakamamahal ko, tulungan n’yo po akong makaalpas sa kumunoy na kinasadlakan ko.”

At nagdesisyon na si Shienna na umalis at iwanan ang bahay na kanyang kinagisnan. Ang bahay na pamana ng kanyang magulang na tila yata inangkin na ng buhong na asawa. “Lina halika sa kwarto.” Paanas na sabi n’ya sa pinsan na nakatira sa kanya ng marinig ang sasakyang umalis. “Salamat umalis na” bulong sa sarili. Ito ang inaantay n’yang pagkakataon para makapaglayas. 

“Lina bahala ka na sa mga anak ko ha. Pagdating nila galing sa skul gumawa ka ng alibi para di mag-iyakan, basta bahala ka na lang.” “bakit, pasaan ka ate?” Di ko alam, basta kailangan kung umalis dito. Demonyo yata yang napangasawa kong yan.” Oo nga Ate, naaawa nga ako ‘yo kung minsan kaya lang takot naman ako kay Kuya.”

Dala ang di kalakihang bag ay umalis na si Shiena. Tumutulo ang luha, ngunit kailanagang paglabanan n’ya at tiising malayo sa mga anak. Ang kunswelo na lang n’ya sa sarili ay ang puntong mabait naman ang asawa n’ya sa mga anak nila” Siguro, pagdating ng araw, makukuha ko rin ang mga anak ko at siguro maiintindihan din nila ang ginawa ko. Pasensya na mga anak ko. D’yos ko bahala na po kayo sa mga anak ko. Kailangang gawin ko tong gawin para sa sarili ko. Habang may unti pa akong lakas ng loob.

Sa kawalan ng maisip puntahan ay tumuloy s’ya sa bahay ng kaibigang si Estella. “Oy, kakagulat ka naman. Pasaan ka, ba’t may dala kang bag? Tsaka anong nangyari sa mukha mo? Ano yan gawa na naman ng magaling mong asawa? “Lumayas ako sa bahay. Di na ako makatiis. 

Di ko na kaya ang mga pambubugbog n’ya sa akin.” Ang problema ko baka tumawag sa bahay at malamang umalis ako. Tiyak sasabihin ng mga tao dun na lumayas ako dahil sila ang mapuputukan.” 
“Ganun ba, Sandali mag-isip tayo kung ano ang gagawin natin” ang sabi ni Estella. Maliit lang ang bahay ng kaibigan kaya kung talagang hahalughugin ay makikita s’ya. 

“ah alam ko na. Sa kwarto, sa ilalim ng kama, puno ng mga karton yon at yong lagayan ng maruruming damit ay sa ilalim din non, halika.” Pumasok ang dalawa sa kwarto. Bungalow ang bahay ni Estella. Iyan, dyan ka mamaya iilalim pagdumating ang sasakyan. Sisilip silipin ko na lang ‘dyan ka na tumambay.” 

At inayos nila ang susuotan ni Shienna. Sa pinakadulo ng kama at tatatambakan ng mga gamit gaya ng dati. Habang nag-iintay ng posibleng mangyari ay nagkwentuhan muna sila. Panay naman ang silip ni Estella sa labas ng bahay at baka dumating ang sasakyan ni Dennis. Di s’ya mapalagay. Nandung kapakapain ang tiyan.”Ilang bwan na ba yan?” Tanong ni Shienna. Di ko alam na buntis ka na naman pala. Pang-ilan na ba yan? Pangatlo na rin. Kabwanan ko na nga eh mga 2 weeks na lang daw manganganak na ako. Ingat ka ha baka sa nerbyos mo mapaanak ka.

“Biglang napalatak si Estella nung pagsilip ay natanawang parating ang kotseng pula. Nagduda na sya dahil ang sabi ni Shienna ay pula ang sasakyan ni Dennis. Sasakyan dati ng mga magulang ni Shienna na s’ya ang sumalo.

Shienna dali. Tago na ayan na ata s’ya. Bago makapagpark si Dennis ay nakaayos na ang taguan ni Shienna. Kahit hirap sa pagyuko ay pinilit ni Estella na maiayos para di mapagdudahan halimbawang sumilip sa kwarto. Tok, tok, tok, tao po. Estella. Binuksan ni Estella ang pintuan at kinukusot ang mata at hihikabhikab pagharap kay dennis. 

“Oh Dennis, naligaw ka? Pasok. Pasok. Pagpasok ni Dennis ay lumingatlingat na parang may hinahanap. “Si Jonny ba hinahanap mo? Wala eh pumasok.” “Ah hindi, si Shienna, di ba nagawi rito?” Kaagad na tanong sa kanya. “Ay hindi naman, bakit? Di ba nagpaalam? Umalis eh, baka kako dumaan dito. Nagdududang sagot ni Dennis. Hindi nga di ba dumaan dito. Kasi ikaw ang una nung pupuntahan dahil ikaw ang malapitlapit. 

Aba’y di lalong di yon pupunta dito dahil malapit nga lang. Tiyak yon kung magtatago sa mga kaibigan n’yong mayaman. Di dito” Dahil naglilikot at naghahagilap pa rin ang mata ni Dennis ay sinabihan na nya ito na hanapin sa kabahayan. At ganun nga ang ginawa ni Dennis. Pumunta sa kusina, sa CR, sa likod ng bahay, Hinalungakat ang mga aparador. Ang mga cabinet ng walang makita ay lumingat lingat. “Oh itong kwarto namin pasukin mo. Tingnan mo d’yan sa mga cabinet tapos d’yan sa ilalim ng kama kaya lang punong puno yan ng mga kahon ng gamit naming at ng mga labahin. Gusto mo tanggalin mo ang mga kahon para masilip mo kasi baka ako mapaanak kung ako pa ang maglalabas n’yan.” 

Nagsasalita si Estella pero pinipilit pakalmahin ang sarili. Dahil unti unti ng nginangatngat ng takot ang kanyang katawan. Takot rin s’ya dahil baka s’ya mapaanak. Si Shienna naman ay nakatunog ng panganib ng maramdamang may yabag ng sapatos na pumasok sa kwarto. Naririnig n’ya ang salita ng kaibigan at manakanakang sagot ng asawa. Kulang na lang ay lumabas s’ya dhil baka nerbyosin si Estella sa takot at makapanaganak ng di oras. 

Ang mga yabag ay palipat lipat sa kwarto. Maririnig n’ya sa kanan papunta sa kaliwa tapos sa kanan na naman. Tiningnan ni Dennis ang mga cabinet, sumunod ang ilalim ng mesa, ang likod ng pintuan. Habang naririnig ang mga yabag na palipat lipat ay halos panawan ng ulirat si Shienna sa napakasikip na pinagtataguan. Napakainit pa. Pagkatapos ay tumigil si Dennis. 

Mukhang pinag-aaraalan n’ya kung ano ang gagawin sa ilalaim ng bakal na kama. Hinawakan ang baba n’ya at pinisil pisil. Mayamaya dumukwang. Hinila ang isang karton. Sumunod ay yong lagayan ng maruming damit. Ang kaba sa dibdib ni Estella ay gumagapang na at pabilis ng pabilis na akala mo’y daga na hinahabol ng pusa. Lumipat sa kabila ng kama at don naman nagsimulang maghila ng karton. Kumuha pa ulit ng isa pa. 

Ngunit nainis yata at electric fan lang ang gamit ni Estella ay pinagpawisan. Tumigil. “Lalot mahirap ng hilahin ang mga karton dahil nakasagad sa kama. Si Shienna naman na halos tinupi ang katawan para mas lumiit ay pawis na pawis na lalo’t sobrang nerbyos pa. Pero matapos mag-isip ay ito na naman at mukhang hihilahin na naman ang isang karton. Ngunit dahil edge to edge ang pagkakamada ng karton inisip nya siguro na hanggang likod ay ganun din. 

Kaya lumabas na ng kwarto at tagaktak na ang pawis. Nagkunyaring di natuwa si Estella. Oh bakit ka tumigil. Mas mabuti nga yong mapatunayan mo na wala dito ang asawa mo. Mahirap na na ako ay pagdudahan mo kabuwanan ko pa naman. Napahiya yata si Dennis . Biglang nagpaalam. Pasensya na estella. Gusto ko lang ibalik sa bahay ang asawa ko.” Sige, salamat ako ay aalis na at pasensya sa isturbo.

At humakbang palabas ng bahay papunta sa sasakyan. Ngunit embes tumuloy sa pag-upo ay biglanmg bumalik. “Shienna, favor naman pag napadaan si Shiena pakisabi hinahanap ko s’ya ha.” Sigi ok lang. Makakarating. At tuluyan ng sumakay sa kotse n’ya at umalis nang paharurot.

Pagkaalis ni Dennis ay dalidaling pinalabas na n’ya si Shienna at baka masuffocate na sa kinalalagyan. Nang makalabas ito sa ilalim ng kama ay nakaluwag ng paghinga. Haayyy salamat talaga Estella, pero siguro mas mabuti kung aalis na ako at baka biglang bumalik ay malintikan tayo . ang problema ko ay kung saan dadaan para makalabas dito. Mahirap sa harapan at baka may mga look out si dennis. Kailangang mag ingat na mabuti. At pumunta sila sa likod para pag-aralan kung pano dumaan doon. “Ayon, sa pader. Umakyat ka don at magpatihulog sa kabila. Kaya mo”. 

Desperado na si Shienna. Lahat ay gagawin n’ya makatakas lang. At nagdesisyon na sya. Lumapit sila sa pader at pilit inakyat ito. Halos napapadausdos ulit. Kaya paulit ulit na umakyat hanggang makaupo sa pinakataas nito. Pagakatapos nagpatihulog sa kabila. 

Doon natapos ang paghihirap ni Shienna. Wala na ring balita sina Estella matapos lumukso sa pader. Kung anuman ang kinbagsakan n’ya ay walang nakaalam kundi sya. Matapos ang isang taon ay nabalitaan ni Estella na nasa America na pala si Shienna at nakapagmove on na……

...........................................END...........................................

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...