Sunday, February 26, 2012




MEMORIES OF DESPUJOLS
(San Andres, Romblon)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/07/2012

"Ters himusa ron ang imo mga lambong ha. Inaga mamunot kaw sa akon masaylo ron kaw sa Odiongan. udto kaw Ters maeskwela mayad udto". Imaw ya ako nadumduman nga hambal it akon nanay tong ako hay grade 1 sa San Andres. "Hay paiwan akon Maestra, usuyon ako. Kag owa pati ako it kilala udto. Hambal paman ni Mrs. Booth ako ang first sa 1st grading. Kanugon man to." "Hay maeskwela ka man it mayad sa Odiongan agud ma 1st man kaw guihapon. Pareho man lang to." Hambal ni Mommy

"Inggwa pa gani kami ni Florencio it best darwa." Imaw sa laki ako sa baye. kag amon premyo lapis kag papel nga sang pad o tan-awa," akon guing pakita ang premyo sa akon nanay."Hay ano guid inyo best ngaran haw?" "Guing hambal kaina sa flag ceremony. Guing tawag kami sa plagpol, kami kuno ang best sa cleanliness it CR." Daw ang makadlaw akon nanay, ga hidumhidum, pero siguro proud man imaw dahil intok pa man kami nag best ron heheheh.

"Pero nagdaog man ako it first gani wa kaw kasayod. Kadya lang kaw abi nag-abot." Nagtrabaho ron sa Odiongan akon nanay kato. "Hay diin man ikaw Ters nagdaog?" "Nagkontest it kanta ang grade 1 guing palaban ako ni manang nag first gani ko. Ang imo guing tudlo nga Paper Roses bala Mi, akon premyo panyo kag kendi." Imaw rang akon pagdaog sa kanta sa Despujols ang nagtao sa akon inspirasyon nga antigo gali ako magkanta.

Nadumduman pa nakon tong nagsiak it kahoy si late (late ruman) John Bords Reyes. nag-atubang ako sa ana. "Islog  to basi tamaan kaw" hay tig-a man it bagul sa atubang guid nana nag pungko. "Halin ngani udyan basi abuton kaw." Hay bungol man ko. Sigi ang siak nana malagat lagat sumubra ang pagbagsak it wasay naabot akon kumayagko sa siki aruy mayad lang isot lang ang natapyas.

Dalagan ko sa tanum it akon nanay nga mayabas kag akon nga daan ing ngata ngata habang ga tangis. Hay sakit sakit man kag nahadlok ako dahil gadugo. Si manong nataranta man imaw gani naghambal nga mapapa ko it dahon nga usbod it mayabas. Kag ingtapal nakon kag ging bugkusan nana it tela. dali man magmayad.

May mga puno pa kami it lumboy sa likod kag inggwa it bal-ong. Sus kaabo abo it mga utan. Ang garden ni Mommy inngwa it talong, kamatis, okra, upo, kutapto, may beans pa nga violet nalimtan ang pangalan, abo ragko ragko ang kamote tong guing kali, bukon ya bahay kubo ha klaro d'ya tanda pa nakon.Hugudhugod akon nanay magtanom, si Nang Letty Reyes kung kilala ninyo ang akon tatay si Nong zal Kung tawagon nanda, the late Mr Rizal Reyes. (hay tan-awa kung antigo ron ako magsulat tong Julio, 2011 bag-o imaw nagpanaw owa konta it "late nga nakabutang sa ngaran it akon tatay, hay nalisod man ko madumduman. Sa atubangan it balay kato inggwa pa guid si mommy it bougainvilla nga imo aguihan daw ang gate.

Tong mag an-um nga tuig ako, Nag ayan kami ni Mommy kay Lava anda tawag, may bahol nga tindahan ilam kung diin ron ran sa San Andres.Ugaling tong kami hay nagbakal ang sasakyan pa kato hay kahoy nga trak, ilam kung ano natabo tulog siguro ako . Nabatian lamang nakon ga singgit ang mga tawo kag ako guinakaptan ni Mommy it mayad sa braso. Kag daw ang problemado imaw. "Ano Mi ang problema basi sanda gasinggit?" "Hipos lang kag magdasal kaw, ang isang gulong it trak sa huli nakabitin sa bangin. Kaya  magdasal lang kita." May gasinggit, "ayaw kamo maghulag pungko lang tanan. Ayaw kamo mag panic hay basi mahulog yang aton sasakyan patay kita tanan." Aruy miski isot pa ko karamdam man it kahadlok ag. Ilam indi ron nakon matandaan kung ano kabuhay kami nakatanga ogto. Basta naka pauli man kami. (tan-awa buhi pa ako kadya hehehehe)

Ging baklan nana ko it pulang lambong dahil birthday nakon (Hipos lang ako bay ang ganda sa amon kato kaya siguro paborito, hadak lang) may terno nga pulang sapatos kag medyas kag turban. Abo akon pakiramdam daw ako hay prinsesa.

Mayad mayad tana udyan. Daw imo hali tanan. Pag may nasulang maamin, si Anti kuno, sa unahan si ankol, sa luyo si lolo kag si lola. Aruy sa kaabuon it ginabisahan daw ang maupod ron ang akon dahi. Hay paiwan udyan ang mga leaño, Fabella, ang Gadon, Madeja, udyan man ang talam-isan nga nakaasawa it leaño, puro kuno mga hali, hay ilam kung sin-o pa masinggit nga hali man. Ang amon balay sa atubangan it plaza. Pag di pabayle ogto lang kami sa balay gatan-aw.

Ang sa pihak lang guid hay Simbahan it Katoliko. Tanda pa nakon tatlo nga pari pag udyan sanda sa San Andres ga madjong sanda ni Daddy pag owa it mahimo. Si Padre alba, si Padre Lauron kag ang gwapo nga si Padre Oquindo nga puydi ilaban kay Mat ranillo sa pagwapuhan.Akon pa nabatian ang mga amiga it amon panganay nga gakaradlawan. Ang anda ginasugilanon nga daw ginakitik hay ang gwapo nga si padre Oquindo anda kuno crush. Hay malay man nakon wa ko kaintindi kato it rang crush crush ngaran.

Ang San Andres sadya sadya man kung akon kadya isipon. Despujols ang nakasanayang tawag tong isot pa ko. Hambal hay gingsunod kuno sa ngaran it spanish governor general Eulogio Despujol nga nagbulig magpaguwa sa presuhan sa amon kalolohan nga si Father Rufino Leano, dahil owa man gali it sala. Magulang dya it amon lolo sa tuhod nga si Castor Leano. Si Lolo Rufino hay imaw it organizer kag first priest of Aglipayan Independent Church. History ron ran pabay-e lamang naton.

Isot lang ang San Andres pero tong isot pa ako ga talang ako d'yan pag ogto banda sa baybay sa may simbahan it aglipay daw indi ron ako makauli sa balay.Ang kaisot it San Andres hay daw mahambal lang nimo nga "within your reach" Paghalin sa balay pilang tikang lang sa munsipyo ron o sa plasa, sa iskul. unahan pa gid ang dagat nga namit parigusan kag sa likod may baba nga bukid nga andat akon mga lola. Abo it punong kahoy dati sa bandang baba it bukid. May mangga, may santol, bayabas, star apple, niyog kag ilam kung ano pa to.

Abu man it saging. Pero pagsakyat nakon sa bayabas nahulog ako. Tuna kato ang akon abaga daw bukon pantay. Wa sanda kasayod. Nalimtan man nakon tong high school akon nabatyagan daw bukon gani pantay pero akon guing therapy akon sarili nga guinapantay pantay lang pirmi hanggang nadula. siguro nabalian ako sa kaparas tong sa despujols pa ako.

Gasaka pa kami sa ibabaw banda it bukid sa amon bantay nga halihon pa man. ogto ako nakakita kun paiwan ga himo it uling. gahimo gali it daw bal-ong nga babaw lang kag ugto ginasunog ang bagul. Udyan man ako nakatuon kung paiwan magpanit it niyog nga sinduko ang gamit. Pero sadya ang paggamit it tong nakatindog nga bakal* nga angular ang pinakataas kag ogto guina bagsak ang niyog para mapanitan kag imo lang ikilingkiling ang niyog..."wow, gawakwak ang panit it niyog kag ang husk o bunot, dali lang mapanitan gani. Ilam kung ano ang tawag katong bakal ngato. Siguro matan it lapad sa aton alima.

Tanan ran akon natun-an usyusera bay ako. Udyan man nakon natun an ang pagbulad it iba agod mapreserve kag magamit it buhay. Pero ang mas namit ang pagsakay sa paywa** it niyog kag magpahanlas pababa. hahahaha, very exciting. Miski gakaragasgas anang mga buli, kag hita, kag batiis sigi man guihapon namit bay. Gakarasangit pa gani sa mga bato kag hilamon sigi man guihapon. Ingwa man kami udyan it gina panghugasan nga busay sa medyo ibabaw pa. If i will have a chance, for memories sake, for old time's sake, i want that hill to be mine. So much memories to treasure of my youth.

Akon pa nadumduman ang kawayan nga sobra 'sang metro it haba. Imaw anda ginagamit nga salukan it tubi sa bukid. Guinapas-an sa abaga, sarado ang mga utbong kag inggwa lang it buho sa atubangan bag-o mag utbong para udto ipaagi ang tubi pagsalud. Ang mga buko buko it kawayan sinugsog siguro nanda agud mabuhuan kag magbahol ang butangan. Kag ginapatindog lang to sa kilid it balay. Sa gining nanda ginatipon ang tubi ramig ramig daw ang halin sa refrigirator. Ang mga liwag bagul man it niyog nga kinorte kag kawayan ang kaptanan. udto man nakon unang nakita ang ginatawag naton nga compost pit. Anda basurahan. Lima hanggang pitong tuig pa lang ako sa mga aktibidades nga guing istorya nakon tandaan ko tanan ran kag klaro tanan guid.

Tapos kadya hambalon ni Mommy nga masaylo ako sa Odiongan. Sadya man ang Odiongan kag bahol kaya lang ang akon mga kahampang day Nancy nga Galicia, day Ruby nga Leaño kag si Tagay mayad man kami kato daw mamiss man nakon miskan kaisa lang kami ga kamunot. Akon mga kaklase mamiss ko man siguro sanda. Pero wat mahimo kailangan magsaylo. Pirmi man ako kato udto sa Odiongan. Ang mga tatay kag nanay ni Daddy udto man sa anda gani kami madayon.

Oras ron it paghalin, Goodbye Despujols, goodbye sa mga handumon nga nagtao it kasadya sa akon kabataan. Goodbye sa akon iskul nga nagtao sa akon it kaisipon nga antigo gali man ako. Imaw to ang akon isipon sa pagtuna it akon pag-iskwela sa Odiongan agud indi ako mahadlok sa akon ayanan nga bag-ong buhay. Goodbye Despujols, goodbye...Naglain man akong boot, nagpisngo ko wa't nakasayod......
Babay, babay, babay, babay sa tanan.......

Note:

1. Hambal it taga-Odiongan sursor* gali kuno tong . puydi man kuno    taluman    lang ang kahoy kag ipatindog.

2. Anang **udo man kuno hambal it Odionganon daw baroto ang korte sa    bulak it niyog nabubuol ran. Husto lang sa amon buli tong intok pa kami.




Saturday, February 25, 2012

Romblon, Probinsya't mga Malipayon




ROMBLON, PROBINSYA'T MALIPAYON
(Kilay-on nato ka ato probinsya)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 8/4/2011

Aba, ako ay oya ey't ayam sa ako tinubuan
Kaling Romblon yaki ay pay tawong nag-anam
Ibang isla nak dati'y 'ya nato naistudyuhan
Naomer sa ato mapa pay mga haling nagrugang

"Dos Hermanas" nak isla imaw kina sinra
Carlota ag Isabel magmanghor nak maganda
Parti pa it Banton ato arumrumon ra
Sa ida habig sa irayom ay Bantoncillo nak isla

Pagbalikir ay Sibale ngasing Concepcion kina
Sa isla't Maestro de Ocampo sida ay makikita
Umis-rog sa Corcuera ay kag isla't Simara
Indi kita mayaag basta sunra yang ka mapa

Kag Cobrador ag Alad ag Logbon nak mga isla
Mga baranggay pa it Romblon, ako yang nabasa
Hali kag ato kapitolyo, marbol kag produkto nida
Pay "Ida" ra "obra maestra" kaling ato probinsya

Pagsalta sa Sibuyan tatlong banwa kag raya
Magdiwang ,San Fernando, ag Cajidiocan pa
Abang tayog nak bukir makikita riling isla
Kag "Mt. Guiting-guiting", abot ka rampog nida

Balik anay baga kita sa unahan it mapa
Ni-o kali arang nopay bumaliskar nak baka
Aba ay pagkarakong isla kali it at' probinsya
Tablas kag pangayan ato kilay-on kag mga banwa

Pasyar kita sa Sta. Maria kung tawagon ay Imelda
Sunor ay San Agustin pagliko'y carmen ag Calatrava
Inggwa't osang sapatos hali sa San Andres banda
Nabilin it higante sa kahadlok rumayagan sida

Hali'y kita sa Odiongan, pinakamarakong banwa
Pay Manila it Romblon paradaw sa ak' amiga
Ramong ragkong bayay, kumpleto pa kag ahensya
Ferrol nak ida dating baryo ngasing ay banwa'y ra

Hala deretso kita sa Looc kali kag masadya
Pag nahangit ka bagyo bapor ay natago sa ida
Pag-abot sa Sta Fe sa unahan ay Alcantara
Pag imo marungan ka eroplano, Tugdan sa una-una

Nalibor ey siguro nato kag buong probinsya
Pero ano kaling nagbibitin nak pagkaisot ra
Isla Carabao yaki kung sa hadop bang rako ka
Imaw kali kag San Jose tan-ay tama kita

Aba pagkahuhaba ra kaling ako nahimong tula
Nawili't kalilibor miski kapilay 'ya gi sawa
Hali kita nagsultero ag nagrayaga ag nagtanra
Nak kag ato "Romblon" maganda ag ato palangga

Note:
baliskar ka ngayan it ferrol ag Looc sa original nak mapa, pasensyay
*kag bisaya nak "Ida" sa ako tula ay patungkol
sa "Diyos" kada marakong letra kang inggamit

ALAK


ALAK

Ang alak ay iwasan
Dala ay kalasingan
Masama sa katawan
Sa utak kasiraan

Marami ang nalungi
Babae at lalaki
Pakatapos ay sisi
Nawala na ang puri

Kaya't huwag sumubo
Huwag maging palalo
Mag-isip mga sampu
At huwag likuliko

Ang alak ay masama
Pag nalango'y may tama
Gagawa ng masama
Ang sarili'y masira


ANG KABIT 2




ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/21/2012


THE OTHER WOMAN 2
In the emptiness of my life you came in and gave meaning to it. I love the way you smile, the way your eyes move, the lips that pouts most of the times When you dont like what I say. The boyish giggles that you have though you're 30 .......

IKALAWANG YUGTO:

Before 8 o clock in the morning, Gwen was at the doorstep of the building where she is about to submit her requirements. She waited until it opened, and finally, it did. After handling in her requirements she was told to wait for their call. And as she walked away from the building her cell phone rang. "Hello" "Hey Gwen, it's me Onie. Good morning." "Err ah oh oh yes, good morning." "You know what, last night was awesome. I did get a sleepless night because of you, that you must know." "What? I mean, what have i to do with your sleepless night?

"Good you're awake Nag-almusal ka na ba?" "I'm here in Makati, i submitted my requirements." "Oh, where? i'm on my way to my office and already in Makati area." "In Rufino Bldg." " Ok hung on, wait for me there, 10 minutes atmost." Di alam ni Gwen kung ano ang nangyayari sa kanya at sunudsunuran s'ya sa bawat sabihin ni Onie. Para bang pagsalita ito ay batas na dapat n'yang sundin. Dati hindi s'ya basta basta nakikipag-usap sa bagong kakilala pero si Onie pinababayaan lang n'yang igiya ang buhay n'ya. Bakit? S'ya man ay nagtataka. Basta nagsalita si Onie, she doesn't know how to say no. Ano bang meron sa kanya at ang bilis atang nabihag ang puso n'ya. Tinamaan na nga ba s'ya sa lalaking ito na kagabi lang n'ya nakilala?

peep, peep, peep, si Onie na nga at lalo atang gumwapo sa kanyang paningin. KUng maririnig lang ni Onie ang nagrarumble na puso n'ya siguro pagtatawanan s'ya nito. "Hey Gwen, hop in." Dali dali s'yang sumakay para di makaabala sa kasunod na sasakyan. "Whereto, saan mo gustong kumain?" "Di ko alam bahala ka. Di pa ako masyadong marunong sa area na to." Ok, ako na ang bahala. Pumasok sila sa isang garage kaya di n'ya napansin kung anong restaurant yong pinasukan nila. Pero halatang pangmayaman.Medyo nalula s'ya. Hinawakan s'ya nito sa kamay. Very natural, parang sila. "Ano ba naman to, para akong nahihipnotismo sa lalaking ito. Di man lang ako pumapalag at para pa akong dinadala sa langit tuwing hinahawakan ang aking mga kamay."

Pagkaupo ay pinapili s'ya nito sa menu pero minabuti na lang nya na si Onie ang pumili at di naman n'ya kabisado ang mga pagkaing pangmayaman. Habang iniintay nila ang pagkain ay nagdala ng dalawang baso ang waiter at juice in can ngunit ng mapansin ni Gwen na bukas na ang lata ay humingi s'ya ng isang saradong juice at s'ya na raw ang magbubukas. Nagpakuha naman si Onie. Ng wala na ang waiter tinanong s'ya ni Onie na nakangiti pero very Casual. "Takot ka sa akin?" akala mo pinalagyan ko ng gamot.Di kumibo si Gwen pero mababanaag sa kanyang mga mata na medyo aloof s'ya. Pero parang balewala lang kay Onie.

Mula pa kagabing magkasama sila ay no dull moments sa kanya. Para bang sigurado s'ya sa bawat kilos n'ya o sa bawat buka ng kanyang bunganga ay katotohanan lang ang lumalabas at kailangang paniwalaan s'ya ng dalaga. Sadyang kay lakas ng hatak nito sa pagkatao ni Gwen. Kahit hindi n'ya to aminin ay mararamdaman na umaayon s'ya sa bawat nais nito. Kung pag-ibig ba ito o kahibangan lang ay di n'ya alam, o kung ito ba ay dahil masakit pa ang nagdaang relasyon.

Ng dumating ang pagkain ay ipinaglagay n'ya sa plato si Gwen. Medyo nahihiya pero napangiti na lang ang dalaga. Paminsan minsan ay sinusubuan s'ya ni Onie, naiilang talaga s'ya pero nagpapatianod na lang dahil ayaw n'yang mapahiya si Onie at magtampo at inaamin din n'ya sa sarili na nagugustuhan din n'ya ang ginagawa ng lalaki. Habang kumakain ay nagkwekwento si Onie. "Sa 4th floor nito meron akong suite na pahingahan pag ayaw ko pang umuwi sa bahay." Patay mali lang si Gwen although bata pa s'ya pero naiintindihan na n'ya ang pinapahiwatig nito. KUlang na lang ayain s'ya ni Onie sa suite na sinasabi nito.

"Akala ko ba pupunta ka sa office mo? Mabuti pa ibaba mo na lang ako somewhere basta yong may sakayan pauwi. Para di ka na maabala" No problem, I'm the boss" "Hoo, yabang nito." "Saan mo gustong pumunta? pwede naman akong di pumasok kahit buong araw." Tapos may binulong sa kanya na ikinagulat talaga ni Gwen. "What? Ano ba yang naiisip mo. Biglabigla ka lang grabeh din." "Oh ano naman ang problema?" "Hello, ni wala nga akong baong damit kahit ano, ano ba yan." Tsaka di ako nakapaalam sa Parents ko. Tumawag ka ito gamitin mo ang CP ko. Napapakamot na lang ang dalaga sa pagaka persistent nito. Wala nga akong baong gamit." It's ok, bibili tayo sa madadaanang mall."

"Ano ba to kasubuan na talaga, sa isip isip ni Gwen. Pero bakit ganito ang nararamdaman n'ya parang enjoy na enjoy naman s'ya sa pinaggaggawa ng lalaki sa kanya. Maya-maya kinuha ang CP. Medyo lumayo sa lalaki at tumawag sa nanay n'ya. "Ma, niyaya ako ng mga friends ko na mag-overnight, pwede ba Ma habang wala pa akong trabaho." "Sigi basta mag-ingat ka lang ha." "Ano pinayagan ka ba? tumango si Gwen. "Good, halika na. Hinila s'ya sa kamay ni Onie papunta sa sasakyan. Sunudsunuran din lang s'ya. Di rin n'ya maintindihan ang sarili, kung nasasabik ba s'ya sa rangya na sinisimulang ipatikim ng lalaki, o sabik s'ya sa atensyong binibigay nito o sadyang tinamaan talaga s'ya dito. Kahit ano pa man yan alam n'ya di na s'ya makakawala sa emosyong nararamdaman n'ya ngayon na unti unting umuusbong.

Ng may madaanang mall ay bumaba muna sila at ipinamili ng gamit ang dalaga. Galante talaga si Onie halos malula ang dalaga sa pinagbibili nito sa kanya. Di naman s'ya makatanggi sa gusto nito. Siya na nga mismo ang dumadampot sa kakailanganin ng dalaga. Pagkatapos mamili ay nag ice cream muna sila sa ice cream parlor dahil ayaw kumain ng dalaga at busog pa. "Sobra namang magcare ito, parang di na totoo. Ano kayang nakita nito sa akin. Eh yong BF ko nga binalewala lang ako at pinagpalikt sa isang studyante."

Matapos mag-ice cream ay bumalik na sila sa sasakyan at nagpatuloy sa byahe. Habang daan ay kinukuha ng lalaki ang kamay ni Gwen at pinipisil pisil. Di man lang tumanggi ang dalaga. NGunit ang pinagtatakhan ng dalaga kung ano ba ang estado nito sa buhay. Ni hindi nagkukwento tungkol sa sarili. Kahit s'ya nga di man lang tanungin kung may BF ba s'ya o wala. But behind her back, she would say, "bahala na lang, di ko na alam. KUng may asawa na s'ya di ko alam how would I'll take it but I'm afraid to ask. Takot akong malaman ang katotohanan." Ayaw din n'yang pangunahan ang pangyayari kung ano itong mangyayari sa lakad nilang ito.

Hanggang makarating sila sa isang resort sa Batanggas ay wala pa rin s'yang maisip na dahilan bakit pinababayaan lang n'ya si Onie na isamasama s'ya kahit saan. Ngunit andito na to wala na syang magawa kundi intayin ang mga posibleng mangyari sa pagsama n'yang ito sa isang lalaki na kaibigan lang din ng isang kaibigan at winarningan pa nga s'ya na mag-ingat dahil may kapilyuhan. Pero ano pa nga ba ang magagawa n'ya andito na pumayag
na s'ya.......

Sa paghakbang ni Gwen pababa sa sasakyan ano kaya ang magiging kapalaran n'ya sa pagsama sa lalaking kahapon nga lang n'ya nakilala. KUng ikaw ang lalaki ano ang iisipin mo sa pagsama ng isang babae sa lugar na kayo lang dalawa....malayo sa pamilya, sa mga kaibigan, sa mga tao na magpapaalala sa iyo na may mali sa ginagawa mo pero malayo na s'ya...at sa isang pagkakamali ay biglang mababago na ang kanyang buhay kung saan patutungo ay di natin alam

--------------------------------- A B A N G A N ------------------------------------

ANG MALI AY DI TAMA

ANG MALI AY DI TAMA

Mag-isip ng mabuti
Iwasan magkamali
Sa huling pagsisisi
Ikaw at 'yong sarili

Iyang lahat ng bagay
Kung tayo'y magninilay
Meron sa ating buhay
Ay wala palang saysay

Iwasang magkasala
Buhay ay mahalaga
Sa D'yos ay tumingala
Ng iyong maalala

Kung tayo'y makalimot
Maging masalimoot
Ang problemang sandakot
Lalaki't walang gamot

ANG KABIT 1



"ANG KABIT"
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/20/2012



THE OTHER WOMAN 1
Loving you would not be that easy but life with you will be like lying in a bed of roses......Gwen Torres

UNANG YUGTO:

Nakilala ni Gwen si Onie through another friend sa isang birthday party. "Gwen si Onie officemate ko", pakilala ni Peter sa dumating na kaibigan. Matangkad si Onie, 5'11" samantalang si Gwen ay 5'7". "Onie here, sabay abot sa kamay na tinanggap naman ng dalaga. "Hi" Ngumiti na parang napapaso sa mga tinging pilyo ni Onie. "Oh Gwen, ikaw munang bahala d'yan sa kaibigan ko, bilin ni Peter,
"sasalubungin ko lang yong mga dumarating pang guests. Ingat ka d'yan, pilyo yan." Nakangiting birong may laman ni Peter.

"May kaibigan palang maganda itong si Peter di man lang nagsasalita." "Halos malusaw si Gwen sa mga papuri ni Onie at totoo, tinatablan s'ya at kinikilig. "kakainis ang lakas mambola, binata kaya naman ito? Pero in fairness ang lakas ng dating ha, lakas din ng kabog ng dibdib ko ah, parang may nagbobowling sa loob." "Hey Gwen, are you with me? Layo ata ng iniisip mo ah." "Hah? ah ano nga ba yon?" Ang napapahiyang tanong ng dalaga. At sabay na nagkatawanan na lang sila. Di kasi s'ya sanay na makiharap sa ganito ka confident na lalaki. Pero di naman n'ya masisi. "D'yos ko naman kahit sino naman sigurong makakilala dito mawawala din sa sariling gaya ko."

Nagsimula ang party, umalingawngaw hanggang sa labas ng venue ang boses ng Emcee. Napakagaling ng nakuha nila. Kayang-kayang buhayin ang party kaya't enjoy ang mga bisita. Kahit si Gwen at Onie ay siyang siya rin. "Without further ado, may we call on Miss Gwen Arguelles to give us a beautiful song. "Excuse me", sabi ni Glen kay Onie na mukhang nagulat, sabay tayo. Let's give her a big round of applause. At nagpalakpakan ang mga tao lalo na ng makita na ang kakanta pala ay parang si Brook Shields, Filipina version. Di maitatatwa napakaganda talaga ni Gwen at well poised, kahit sinong lalaki ay mapapalingon lalo't matangkad s'ya. Kahit galing s'ya sa mahirap na pamilya ay maganda ang upbringing ni Gwen kasi educated naman ang mga magulang. Di lang talaga sinuwerteng yumaman

♪♫♪"Tell me her name♪♫♪
I want to know
The way she looks
And where you go
I need to see her face
I need to understand
♪♪Why you and I came to an end♪♪

Napakalamyos ng tinig ni Gwen, tatayo ang balahibo ng kahit sinong
makakarinig. isa yon sa kanyang mga assets. Ngunit minsan magtataka
ka. Kahit anong ganda n'ya, kahit anong talino, maganda ang boses,
may tinapos, it seemed she has everything except money, ngunit bakit sawi pa rin si Gwen. Pera, pera lang ba ang batayan kahit sa pag-ibig?

♪♫♪Tell me again♪♫♪
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
♪♪Remembering when I was your own♪♪

Ang mga lyrics ng kanta'y parang bombang sasabog sa dibdib ng dalaga.
Kaya ito ang kinanta n'ya kasi angkop na angkop sa kanyang kasawian
ngayon. Biktima rin s'ya ng mapanlinlang na pag-ibig, pag-ibig na
sandaling napabayaan nong sumali s'ya sa beauty contest.
Napikot ang boyfriend n'ya. Nakabuntis ng 18 anyos, di raw pumayag ang
magulang na di pakasalan ang babae. Ang masama pa nito, it really
pours when it rains, talo na sa pag-ibig talo pa sa beauty pageant.
Pero kay Gwen, di ito oras para magpatalo sa nadarama. No use crying over spilt milk. Di na rin maibabalik kahit bumaha pa ng luha ang buong kamaynilaan. Kailangan n'yang lumaban. Kailangan pa s'ya ng pamilya n'ya at ang sarling kapakanan ay ipagpaliban muna.

♪♫♪I'll let you go♪♫♪
I'll let you fly
Why do I keep asking why
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow
Tell me the words I never said
Show me the tears you never shed
Give me the touch
That one you promised to be mine
♪♪Or has it vanished for all time♪♪

Sa kakulangan ng backer at sponsor na tutulong sa kanya sa mga
pangangailangan sa pageant ay di naging madali para makapasok sa top 5 si Gwen. Ni wala s'yang matinong costume, kahit mga kagamitan ay puro lang hiram sa mahihirap ding kaibigan. Kahit nga sapatos at damit nahirapan din s'yang manghiram dahil ang laki nya, Nagawan din ng paraan but not as expected so umuwi s'yang luhaan. Pero alam ni Gwen malayo pa ang mararating n'ya at ngayon pa lang nagsisimula ang kanyang buhay. Dumaan man s'ya sa kabiguan ay muli s'yang babangon at magiging clever na sa mga susunod na relasyon. Ang pagkatalo n'ya sa beauty pageant at ang pagkabigo sa pag-ibig ay lalong nagpatapang sa kanya para humarap sa buhay at magsumikap.

♪♫♪I close my eyes♪♫♪
And dream of you and I
And then I realize
There's more to life than only bitterness and lies
I close my eyes
I'd give away my soul
To hold you once again
♪♪And never let this promise end♪♪

Matapos kumanta ay maririnig ang malakas na palakpakan at ang sigawan ng audience....more, more ,more na muli naman n'yang pinaunlakan. Matapos ang pangalawang kanta ay bumalik na si Gwen sa gawi ni Onie. "Wow, ang galing! Ganda pala ng boses mo. Wala akong masabi", sabay hawak sa kamay n'ya si Glen. "Naging tagahanga mo ako bigla." 'Yong hawak na yon sa kanyang mga kamay ay di malaman ni Gwen kung bakit nagdadala sa kanya ng sensasyon. And also a feeling of relief. Parang nakakalimutan n'ya ang mga dinaanang heartaches. Hanggang sa makaupo na s'ya ay halos di bitiwan ni Onie ang kanyang mga kamay kaya di n'ya maintindihan kung paano uupo. "Ay sorry." At natawa na lang sila sa kanilang itsura.

Marami silang napagkwentuhan sa party. Tawanan, kulitan, dahil parehong walang kakilala doon ay nakontento na rin sa isat-isa. Hanggang matapos ang party at mag-uwian ay nagkaroon na sila ng closeness na akala mo ay matagal ng magkakilala Dahil halos di na naasikaso ni Peter si Onie ay sila na ni Gwen ang magkasama throughout the entire night. Masayang kausap si Onie at masyadong mataas ang confidence level. Mestizong, maamo ang mukha, at isang successful businessman and mind you, with oozing personality, kayat madaling mahulog ang loob ng kahit sinong babaeng makadaong palad n'ya. Kahit si Gwen na kagagaling lang sa mapait na relasyon ay nag sisirko sirko ang puso sa mahabang oras na magkasama sila ng di sinasadya.

Matapos ang party ay di pumayag si Onie na hindi maihatid si Gwen sa bahay nila sa Mandaluyong. Kahit nahihiya ang dalaga, dahil simple lang ang tirahan nila ay napilitan na rin sa sobrang pangungulit sa kanya. Tinginan ang mga kapitbahay pagdating nila dahil sa bagong bagong mamahaling sasakyan ni Onie.
"Di na ako papasok baka makaisturbo pa mag-uumaga na eh" "ok sigi,
salamat sa paghatid." Ngunit bago umalis si Onie ay iniabot ang CP nya kay Gwen, "ilagay mo number mo." pagbalik ni Gwen sa CP, akmang aalis na si Onie pero lumapit muna kay Gwen sabay halik sa pisngi, "thanks for the nice evening." Nabigla man sa ginawi ng bagong kakilala ay wala na ring nagawa si Gwen. Isip n'ya ganun lang talaga siguro ang mayayaman pag nagpapaalam.

Hawakhawak pa n'ya ang pisngi pagpasok sa bahay. Parang natuka ng ahas sa pagkabigla.Ang bilis ng loko ah, natatawang isip n'ya, medyo kinilig ng bahagya. Naglinis ng katawan si Gwen at nagpalit ng pangtulog. Kung maaari nga lang huwag hilamusan ang kanyang pisngi para di mabura ang halik ni Onie. Ngunit di pwede sa kanyang matulog ng di naglilinis ng katawan lalo ang mukha. Kumuha s'ya ng bulak at nagpahid ng moisturizer. Alam n'ya kahit hilamusan n'ya ang kanyang mukha di natatanggal lahat ng ipinahid dito. Maingat sa kanyang mukha si Gwen. Lagi n'yang isinasaisip ang mga katagang galing kay John Keats, "a thing of beauty is a joy forever".

T'was a long sleepless night for her. A great experience, She's 22 and had not experienced to be elated by someone who is so handsome and wealthy like this new acquaintance. A foreign feeling, maybe because she was brought up with a poor family and an attention coming from this man is really heaven to her. Di n'ya maintindihann kung ano ang iisipin sa mga ginawi ni Onie. Unti-unti ay may namumuong tanong sa kanyang isip. Ngunit nahihiya s'yang isipin. Paano nga
naman magkakagusto ang isang mayaman sa isang mahirap. Heaven and Earth ang pagitan nila. Pero hindi n'ya maiwasang matuwa.

Napakasarap damhin kapag may nagpapakita ng importansya galing sa isang mayamang tulad ni Onie, Isang lalaking napakalakas ang appeal. Para kang nasa alapaap at ang mga nakakatuwang gestures n'ya habang magkasama sila sa party ay isang nakakakiliting experience para kay Gwen. Ngunit kahit banayad lang nakatulog ay kailangan n'yang tumayo kinaumagahan. Kailangan n'yang asikasuhin ang mga requirements sa inaplayang trabaho.

Maaga pa lang ay naligo na si Gwen at bumalik sa kompanyang pinuntahan n'ya ng nagdaang araw. Pursegido s'yang makakita ng trabaho at matulungan ang kanyang pamilya na nagpakahirap makatapos lang s'ya. Tumatanda na rin ang kanyang mga magulang at apat pa ang mga kapatid na pinag-aaral. Sadyang napakahirap isipin na sa hirap ng buhay ay nagagawa pa ng iba na sayangin ang mga oras sa walang kwentang bagay. To her, time is gold. Kailangang magmadali para kumita at makatulong sa pamilya.

At sa paghakbang ni Gwen papalabas ng pintuan ay di n'ya alam kung
anong swerte ang naghihintay sa kanya sa labas sa maghapon. Pababayaan na lang n'ya kung saan s'ya dalhin ng kapalaran......


--------------------------------- A B A N G A N -----------------------------------

Read the next Chapter
ANG KABIT 2        ANG KABIT 6          ANG KABIT 10            ANG KABIT 14
ANG KABIT 3        ANG KABIT 7          ANG KABIT 11            ANG KABIT 15
ANG KABIT 4        ANG KABIT 8          ANG KABIT 12            ANG KABIT 16 (END)
ANG KABIT 5        ANG KABIT 9          ANG KABIT 13

MAHIRAP MAGHINTAY


MAHIRAP MAGHINTAY

Mahirap ang maghintay
Sa gabi na malumbay
Wala kang kaagapay
S'ya'y nasa kanyang bahay

Mahirap ang umasa
Lagi magmakaawa
Magdamag nakahiga
Ngunit tulog ay wala

Mahirap s'yang lumusot
Buhay mo ay magusot
Pumasok sa malungkot
Pag-ibig na sandakot

Buhay pahalagahan
Wag gawing katuwaan
May asawa'y lubayan
Ng hindi ka masaktan

Wala kang mapala
Maghintay ka sa wala
Lalo kang magkasala
Kung s'ya ay may asawa

SINO BA ANG NAG-IMBENTO NG LOVE?


PAG-IBIG ANO KA NGA BA?
(inspired by Creator, Jules Ragas)
SINO BA ANG NAG-IMBENTO NG LOVE?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/5/2011

Pag-ibig, pag-ibig saan ka nagmula?
Dala ba ng hangin, nalaglag sa Lupa?
Tulo ka ng tubig nabuo sa kweba
O dala ng ulan tapos naging baha?

Pag-ibig, pag-ibig saan ka nagmula?
Yaon bang nabasa kay Adan at Eba?
Kumain ng prutas ang bawal na bunga,
Natuto ang tao meron ng malisya?

Pag-ibig, pag-ibig bakit may pasakit?
Di ba ang pag-ibig sa puso inukit?
Ang dalawang tao na ating nasambit,
Kapag magkasama parang nasa langit?

Pag-ibig, pag-ibig, paano sinukat?
Isa ka lang kahoy sinukat ng patpat?
Isa kang pagkain na sobra ang alat,
O tinis ng boses pagkanta'y namalat?

Paano na nga ba pag-ibig sinukat?
Isa at dalawa tatlo't ikaapat
buwan man o taon anong nararapat
sa patagalan ba o maikli't tapat?

Tunay ngang pag-ibig pala'y mahiwaga
Umusbong sa puso at pagalagala
'Di mapaliwanag kahit dalubhasa
Ang may damdamin lang ang makaunawa

Itong ngang pag-ibig sari-saring kulay
'Di maintindihan kung peke o tunay
Sa una'y masarap panay ang pagbigay
Biglang magbabago bigla lang tatamlay

Ngunit bakit tao ay hindi madala
Maraming pasakit maraming pagluha
Madaling lumimot muling magsimula
Iibig na muli, dagling magtiwala

Ang pag-ibig nga ba ay isang ruweda
Paikot-ikot lang mula sa simula
At hanggang mapagod ikaw ay bababa
Uulit kang muli hindi magsasawa

KAWAWA KA BAYAN!


KAWAWA KA BAYAN!

Patuloy ang pagluha
umabot na sa lupa
parang ulang bumaha
rumagasa pang bigla

ako'y naghihinagpis
ngipin ay tumatagis
puso ko'y bumibilis
tumakbong papaalis

pagkat di mapakali
pag-alala'y sumidhi
at sa ilang sandali
bayan ay mapalungi

kung matapos tapyasin
iyang sangang napansin
puno ay uusbong rin
kawangis ang kukunin

bakit nagkaganito
baya'y lalong gumulo
ang kaba'y nasa puso
kung saan patutungo

ang dasal ko sa Langit
sana'y di puro ngitngit
ang bayan nasa bingit
ugali'y wag ipilit

paano na aking D'yos
paano huhulagpos
ang baya'y inuunos
nalubog na sa upos

BAYAN PASAAN KA ?


BAYAN PASAAN KA ?

ang puso ko'y umiiyak
ayaw dugo'y dumanak
gusto ko ay halakhak
kahit buhay ay payak

aanhin iyang husay
sa daldal ay kumisay
baya'y nakahandusay
baya'y di matiwasay

aanhin iyang bait
sa tao'y ipinilit
kahit buwan sinungkit
pangako ay naipit

kailanga'y talino
ang pinunong may ulo
kasamang mahistrado
pag tinigpas nakupo!

Paano na ang bayan
isigaw may lakan d'yan
balik ang nakaraan
sila'y nagkatuluyan

babagsak na ang bayan
si Gloria sa isipan
Gloria'y sa kulungan
si Gloria lang ang alam

unahin mo ang bayan
maraming nagutuman
lahat ay nagtaasan
maraming nahirapan

ang mga nasalanta
sumisigaw ng awa
yakapin mo ang madla
may putik man sa mukha!

UNANG PAG-IBIG, WALANG KAMATAYAN? (First LOve Never Dies)


UNANG PAG-IBIG, WALANG KAMATAYAN?
(First LOve Never Dies)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/15/2012

Ang daming dapat pag-usapan, mahahalagang bagay na kapakipakinabang. Ngunit dito sa LDR ang umagahan, tanghalian, at hapunan ay puro pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig. Minsan gusto ko ng sumigaw...PAG-IBIGGGGGGGGG, PAG-IBIGGGGGGGGG, PAG-IBIGGGGGGGGGG kayo riyan, pangmeryenda po! Kita nyo kahit pala meryenda pag-ibig din. Ganyan ang mga tao dito sa LDR punung-puno ng iba't ibang klaseng pag-ibig.

Hahahahahaha, sa tanda ko ba namang ito, at kung tutuusin ay happily married na naturingan, ano ba't andito ako? Oo nga naman, di n'yo ba naisip ang grupong ito ay LOVE, DATING, ROMANCE ang ngalan. Sakto di ba? Para sa mga umiibig o di kaya naghahanap ng pag-ibig , o para sa mga sawi na gustong umibig muli. O sa mga balo o sa mga matandang dalaga at binata kaya na naghahanap ng pag-ibig. Ngunit hindi naman pala. Ito ay bukas para sa lahat, para ibulalas ang laman ng kanyang puso. Be it a happy heart, or a lonely one, o kahit ano pang puso yan basta usapang puso lang, ng tao ho, di ng saging (may kakornihan din tayo minsan).

Pero ang naka-agaw ng pansin sa akin kaninang madaling araw, (hindi ko lang nga nabigyang pansin talaga kanina dahil ako'y gumagawa pa ng tula ng isang FB friend matapos akong gumawa ng 2 tula para sa LDR) ay ang post ni Prince John Jeoffrey Arevalo na First love never dies. Kung iisipin natin ay totoo yang kasabihan na yan. Kahit ako pwede kong aminin sa sarili na posible yan (yong mga kabatch ko wag kayong OA magreak hehehehe) pero on the other hand, masasabi rin nating di totoo ang kasabihan kasi ang pagmamahal may level, level din yan para sa akin.

Totoo, aaminin ko at kahit sa asawa ko ay inamin ko din na hayaan na lang yong first love ko na mag okupa ng kahit kapuringgit d'yan sa puso ko. Kasi iisa namang puso ang ibinigay ni Lord. Buti nga s'ya ukupado n'ya lahat ang kabuuan ng aking puso. Kaya't hayaan na lang n'ya na kahit yong isang pinakamaliit na litid sa gilid ng puso ko ay malambitinan ng aking first love. hehehe (pasensya na lang kay First Love ganun talaga eh) Saan naman kayang parte ng katawan ko s'ya ilalagay. Di naman pwede sa apdo, sa atay o sa balunbalunan. Mas lalong di pwedeng isabit sa taynga. Doon lang talaga sa puso eh. Kasi nakatatak na yon doon. Kung pwede nga lang tapyasin eh bakit hindi, di bah, para na lang matapos na ang usapan.

Pero yon ay isang klaseng pagmamahal na iba na ang kategorya. Yong wala ng "lust" o kamunduhan. Yong parang nand'yan lang s'ya bilang simbulo ng kabataan at kalinisan ng pag-ibig, yong pag-ibig na minahal ka ng tunay at walang pag-iimbot, intense 'ika nga, isang inosenteng damdamin na di mo nabigyan ng tamang pagpapahalaga dahil ikaw ay bata pa ring katulad n'ya. Siguro masasama na nga s'ya sa klase ng pagmamahal na binibigay mo sa magulang at kapatid sobra pa sa isang kaibigan. Yan ay kung narating nyo na 'yong point na ganito sa narating namin. Na halos lahat ng pagkakamali ng bawat isa ay nakalimutan na at ang natira na lang sa alala ala ay magandang gunita. Maaari, di ba?

Ngunit pakatandaan at pakaingatan marami ang nasisira sa pag-aakalang first love never dies nga. Tsismis lang ito na aking nalaman at ang iba'y totoo at makatotohanan. Kahit umidad 40 pataas, ang mga may first love noon ay nakakagulo at nakakasira ng pamilya ngayon. Dahil ang idad na ito ay wala na yatang kahihiyan na iniisip at wala ng takot ipaglaban sa mundo ang pag-ibig na akala nila ay intended for them by the Lord dahil nagkitang muli.

Ilan sa aking mga kaibigan ay naging biktima ng First love na yan. Magmula magkita sa class reunion o kaya'y sa high school reunion ang kanilang mga asawa ay narikindle ang mga damdamin na makasalanan sa mga ka first love dahil kalimitan ang mga babae'y mga hiwalay na sa asawa, o balo na o kaya'y di masaya sa asawa kaya kumikending na talaga sa mga lalaking kaklase kahit pa nga very much married pa ang mga ito. At doon nagsimula ang mga patagong pagkikita, ang mga pagtext text, ang mga pag FB FB ang mga kaguluhan sa mag-asawa, ang kaguluhan sa pamilya, ang mga iskandalo at ang paghihiwalay.
Ito'y mga sitwasyon na hindi maganda sa isang "First Love".

Sana iyan ay i preserve ng bawat isa para maging magandang alaala na minsan sa iyong buhay ay may nagmahal ng tapat sa 'yo na kahit may-asawa ka na at maalala mo s'ya ay matutuwa ka. Pwede mo pa ngang ikwento sa iyong asawa ng walang malisya at ng di n'ya pagseselusan . Ngunit kong iyan ay haluan mo ng kalokuhan at bigyan ng second chance ngayong pamilyado ka na, iyan ay magiging bangungot pag nagkabistuhan na, dahil tiyak magugulo ang iyong pamilya, posibleng masira pa, and will lead you to a broken family just because of those memories that should have been long buried at maisusumpa mo bakit pa kayo nagkita. Nakakapanghinayang di ba. Sana napreserve na lang.

First love never dies, dahil naaalala mo lang s'ya, hindi para bigyan pa rin ng halaga ang kung anong pinagdaanan. Sari-sari man itong kahulugan sa bawat isa, panatilihin nating igalang ang memories ng ating fisrt love. Para kung magkasalubong man kayo at pumitlag ang 'yong puso yon ay galing sa inosente mong damdamin na naryan lang sa iyong puso, nakasabit lang, kasi may
nagmamay-ari ng iba at yon ay ang iyong true love.

Kung nagkatuluyan man kayo ng iyong first love ay napakainam, kung hanggang sa pagtanda ay di nabago ng panahon ang inyong pagmamahalan, much better. Ngunit minsan ay di ito batayan para masabi mong maswerte ka sapagkat maraming magsing-irog ang nagkatuluyan na hindi mag First Love pero mas masaya pa silang nagsasama kaysa iba. Sadyang ang pag-ibig nga ay mahirap arukin ang lalim. Napakahiwaga. Napakamakapangyarihan. Ngunit may hihigit pa ba sa kapangyarihan "N'ya"? S'ya lang ang nakakaalam kung tayo ay pasaan......

Inspired by the post of:
Prince John Jeoffrey Arevalo
FIRST LOVE NEVER DIES..... agree or not?
01/15/2012

AKO AY TUTULA PARA SA MADLA


AKO AY TUTULA PARA SA MADLA
Ruben Ferranco, 01/15/2012

Kung ako'y may talino
Ikararangal ko 'to
Sa kapwa'y ialay ko
Ito'y galing sa puso

Anhin ang kaalaman
Kung takot kang malaman
Pag-iimbot ang laan
Sa tao ay gahaman

Ikahon mo na lang yan
Itago sa karamihan
Sarilinin tuluyan
Wag magaya ninuman

Huwag mong ipalagay
Iyang galing mong taglay
Saan mo ba hinukay
Sa iba ring nag-alay

Kung ang iba'y matuto
Sa galing na sabi mo
Dapat ikarangal mo
At magsilbing maestro

Huwag mong sasaklawan
Iyang alam ni Juan
S'ya'y may katalinuhan
D'yos ang pinanggalingan

Ang tao'y may adhika
Wag isiping masama
Puso mo'y umunawa
Wag pigilan ang iba

Kung ikaw ay nangarap
At gusto mong malasap
Upang sa hinaharap
Buhay mo ay masarap

Iba'y may pangarap din
Ang mundo'y wag angkinin
Ibahagi, ihain
Imbot wag pairalin

Oh kaysarap damahin
Sa puso ay namnamin
Kabutiha'y linangin
Ang Diyos nakatingin

Huwag kang mapanghusga
Pabayaan ang iba
Sila di'y may biyaya
Hindi ka nag-iisa

Bakit ka matatakot
At puso'y magkutkot
Kagalingang sandakot
Ngayon lang pumalaot

Nahan ang kagalingan
At ang pinanggalingan
Nitong kinatakutan
Di ba ikaw may tangan?

Bakit nagsusumigaw
Lakas ng alingawngaw
Umabot at umapaw
Sa bundok ay naligaw

Pag-aari ang mundo?
Lahat sosoluhin mo?
Sumigaw kung totoo
Magdakdak sa fezbuk mo

BAKIT NGA BA PAG-IBIG?


BAKIT NGA BA PAG-IBIG?
a.k.a. Wee-ween Reyes
(TANAGA- aaaa)

Bakit may paghihintay
Sa pag-ibig na alay
Agam-agam ang taglay
Puso ay humahapay

Sana iyang pag-ibig
Pagmamahal ang dilig
At mabigyan ng kilig
Ang iyong iniibig

Ang buhay ay madilim
Pag-ibig ay may lihim
Ang sugat ay kaylalim
At laging naninimdim

Ngunit kung ang pag-ibig
ay may magandang tinig
Sasaya ang daigdig
Ang puso'y di matulig

Sana tao'y magbago
Ang isip wag magulo
Pag-ibig lagi'y solo
Ibigay sa mahal mo

Ba't ganito ang mundo
Tao'y di makuntento
Kung lahat nasa tono
Tahimik sigurado

Bakit ba kailangan
Puso'y mag-alinlangan
Maghintay kung kailan
Datnan man at panawan

Pag-ibig ba'y masukat?
Ang panahon ba'y sapat?
Maghintay kahit salat
Kung sinta'y nararapat

Bakit nga maghihintay?
Sa irog na nawalay
May buti bang ialay?
Baka puso'y magutay

Sana lahat ng puso
Ay hindi likoliko
Sana lahat ng puso
Totoo ang pagsuyo
--------------------------------------
Israel Cinco, FB friend
Hindi na susukat ang pag-ibig sa mga
panahong naghintay ka. Eto ay kung
paano mo na iintindihan ang sitwasyon
kung bakit ka nag-aantay.

TARAK SA DIBDIB, KABIGUAN, PASAKIT (BROKEN HEARTED, paano lumimot?)


TARAK SA DIBDIB, KABIGUAN, PASAKIT
(BROKEN HEARTED, paano lumimot?)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/13/2012

Nakaranas ka na ba ng ganitong senaryo sa buhay mo? 'Yong tipong gusto mo
ng magpakamatay? yong tipong gusto mo ng magbigti o magpatiwakal,'Yong
tipong katapusan na ng mundo sa 'yo, yong tipong magugunaw na ang mundo,
yong tipong guguho ng lahat ang mga pangarap mo? Sapusapo mo ang 'yong
ulo, kung maaari nga lang gusto mong iuntog sa pader. O kaya gusto mong
maglaslas, o uminom ng lason, o pasagasa sa pison, o kaya mag patihulog
sa bangin.

Eh, yong pakiramdam na parang hiniwa ang puso mo, yong parang ang
hapdi,yong parang tinusok ng balaraw,yong parang warak na warak na ang
dibdib, yong parang nasugatan ka nga at kapa ka ng kapa na wari'y
pagkalalim lalim ang sugat at napakasakit, ngunit pag iyong sinilip wala
namang dugo. Wala din namang sugat. Pero bakit ganun? Ang kirutkirot, ang
sakitsakit ang hapdihapdi. Tagos sa kaluluwa.

Minsan para ka ng sira ulo, iiyak sa isang tabi mas masarap sa kanto ng
kwarto, nakahalukipkip ang mga kamay na parang giniginaw o kaya
nakatalukbong ng kumot at ayaw makipag-usap kahit kanino man kahit pa nga
tumutunog ang cell phone ayaw sagutin. Kahit pa tawagin ng kapatid para
kumain ayaw tuminag. Kahit pa galit na si nanay sa pagbibingibingihan mo
wala ka pa ring pakialam. Kahit nga bumubulyaw na si tatay who cares pa
rin ang drama mo. O kung wala ka sa pamilya, kahit iba ang mga kasama ang
sungit sungit mo, mainit ang ulo, nakasimangot maghapon akala mo pasan
pasan ang mundo, Nakabulyaw pag kinausap. Kung tutuusin ano naman ang
pakialam namin sa problema mo?

Mas masama nito natuto kang maglasing, o manigarilyo, magbarkada kasi sabi mo nga sawi ka. Paggising mo sa umaga, may nabago ba o mas nadagdagan ang 'yong problema, kasi nagsuka ka ng nagsuka kagabi, ngayon may hang over ka pa. Mag-isip ka kaya ng mas magandang paraan. Buti pa pumunta ka na lang sa simbahan.

Matanong nga kita, tanga ka ba o nagtatangatangahan? bobo ka ba o nagbobobobobohan? walang isip o nagwawalawalaang isip? Bulag ka ba o
nagbubulagbulagan? O bingi o nagbibingibingihan? Bakit di natin baliktarin lahat yan. Gawin nating positibo ang senaryo.

Paano? Aba, una mahalin mo ang iyong sarili, susunod wag mo na s'yang
mahalin kasi di ka na n'ya mahal dapat lang di ba? Sabi nga ni Uncle Sam,
love begets love. Yong pagmamahal daw dapat ang sukli ay pagmamahal din
oh di bah? Pano kung di ka na n'ya mahal ano isusukli mo? Ngayon
magpakatalino ka. Wag mong hayaan na ang isip ay matalo ng puso. Bakit?
Saan ba nakapwesto ang utak mo di ba mas mataas sa puso? Eh di sana
inilagay na ni Lord yang utak sa bituka natin. Bakit sa pinakamataas s'ya
nakapwesto?

Sagutin mo nga ako, sino ba yang inibig mo? Dati naman ordinaryong tao lang
yan sa 'yo nong di ka pa umiibig sa kanya di ba? Bakit all of a sudden
naging superstar s'ya sa buhay mo ang swerte naman n'ya. Parang s'ya na
ang kabuuan ng iyong mundo. Ng iyong pangarap. Ang lahat lahat. Parang
doon mo na pinaikot ang buhay mo samantalang s'ya parang wala lang,
parang normal lang, samantalang ikaw parang tumama sa supistik, sa lotto
sa milyones ni papa Manny Pacqiao, sa palaro ni Papa Vic Sotto. Tanungin
mo nga ang sarili mo yong totoo lang ang isasagot mo ha. Minahal ka ba
n'ya gaya sa pagmamahal mo sa kanya?

Aba kung sasagutin mo ako ng oo ay parang mali naman, kasi kung minahal
ka n'ya dapat kayo pa rin ngayon, dapat may mahal ka pa, dapat di ka
lumuluha ngayon, dapat di ka nag eemo, o kaya nagpost ng kung anuano sa FB, dapat di ka n'ya ipinagpalit, o iniwanan o niloko. Di rin s'ya dapat
nagsinungaling o nanghuthot sa 'yo.Bakit di mo yan makita lahat? Bulag ka ba o duling kung mahirap at banlag lang daw kung marami kang pera?

Ngayon ang tanong bakit di mo turuan ang sarili mong maging matapang, makalimot, mag move on. Kung s'ya nga walang ni katiting na pagpapahalaga at pagmamahal sa 'yo. bibigyan mo pa rin s'ya ng sukli. Maawa ka naman sa sarili mo. Pag nagmahal ka magtira ka. Yon bang any moment na iwanan ka n'ya
ay may natira pa sa pagkatao mo na pwede mong pagsimulan. Lalaki lang yan ...o kaya ...babae lang yan. Lagi mong tandaan ang patalastas sa T.V. na galing din sa mga idiomatic expressions; there are many fish in the sea, and i texted them all for you.

Sana lang kong naging anak kita at dito ka sa tabi ko ay masusubaybayan kita at masasalo sa bawat pagbagsak mo. Sana nasa tabi mo ako para dalhin kita sa labas pag nalulungkot ka at naalala mo s'ya. Pakakainin kita ng masasarap kasi
pag busog ang tao mas maganda ang pakiramdam, ibibili din kita ng tsokolate kasi ang tsokolate nakakapasaya sa tao, ibibili din kita ng magagandang damit, blouse, sapatos, pantalon na sabi mo'y nakita mo sa department store para
matuwa ka, ibibili din kita ng mga make up at tuturuan kitang mag-ayos ng sarili para pag maganda ka feeling mo mas higit ka sa kanya.(of course di para sa boys ang make up at dress)

Hindi lang yon, masasabi mo pa sa sarili mo, "ang ganda ko naman para iyakan s'ya di naman gwapo nahaling lang talaga ako." This could help you develop your self steem. Sana nga andito ka sa tabi ko at laging paalalahanan ka na ang tangatanga mo. Sana sa tabi kita para pag umiyak ka sasabihin ko sa 'yo sigi umiyak ka pa, pesteng lalaki yan iniiyakan pa negro naman, o di kaya pesteng babae yan di naman kagandahan iniiyakan pa. Sana nga nasa tabi kita at pandidilatan kita kung nag eemoemohan ka, sana nga sa tabi kita, para kwentuhan ka na ganyan lang naman ang buhay, na gaya mo rin ako ay umibig at nasaktan pero nagpakatatag, tumayo ng angat ang ulo at umibig na muli at lumigaya.Ngayon pag naalala mo ang nakaraan matatawa ka pa sa katangahan mo.

Paano nga ba ang madaling paglimot. Sa totoo lang napakadaling lumimot kung tuturuan natin ang ating mga sarili na magpakatatag. Masakit oo, alam naman nating lahat yan. At bakit mo iisipin kung masakit. Kaya nga tayo binigyan ng talino, ng will power, kita n'yo may power talaga tayo. Be clever about your feelings. Maging tuso ka. Pag naalala mo, umalis ka d'yan sa kinalalagyan mo para ma distract ang attension mo, magkakaroon ng cut yong guhit na unti-unting gumuguhit sa emotion mo. Pagkakataon mo na, nasira na ang continuity ng iyo kalungkutan kasi lumipat ka na ng lugar, pwedeng may nakita ka na naka akit ng iyong attention.

Pwedeng nakita mo ang computer aba'y mag FB ka na lang kaysa manimdim. O di kaya ayain mo ang yong ate o ang yong kasama na lumabas at magpahangin o kahit bumili ka lang ng kendi sa kanto. Sa totoo lang ang daming paraan na makakasira sa namumuo mong kalungkutan. Ituloytuloy mo ang momentum na nagawa mo para madisrupt ang

pag-iyak mo.Magpakatalino ka naman minsan kahit minsan lang para pagnatutunan mo na yan magkakaroon ka ng pattern kung paano mo lalabanan ang sakit sa 'yong dibdib. kumilos ka , kilos kung may naaalalang kalungkutan. Wag na wag kang magmumukmok sa isang tabi, pag 'di mo yan napaglabanan ay talo ka na naman n'yan.

Ngayon kung ako nama'y iyong susundin, itong susunod para sa akin ay napaka effective at marami ng nakinabang na mga kaibigan sa aking payong ito. Magtapon ka ng mga bagay na makakapaalala sa kanya. Lahat lahat wala kang ititira. Wag mo ng isipin yong mga memories. Bakit? Ano ba talaga ang mahalaga sa iyo ang makalimot ka o ma preserve mo ang memories galing sa isang taong naging sanhi ng iyong pagluha at nagbigay ng pasakit sa yo? Para ano? Para pahirapan ang iyongsarili tuwing makikita mo ito? Alalahanin mo , seeing one will let you remember the other.

Ngayon, i unfriend mo s'ya, lahat ng kamag-anak n'ya, lahat ng close friends ng pamilya at lahat ng may koneksyon sa kanya na palagay mo ay makakakonekta sa kanya. Itapon o ipamigay lahat ng galing sa kanya. Wala kang panghihinayangan, (kung house and lot yan idonate mo na lang sa LDR.hehehe.) Wala kang ititira na galing sa kanya. At yong mga kamag-anak na kunyari may concern, wag mo na munang pansinin, Just focus on yourself until such time that you are strong enough to face the world squarely. Yes, that would be the best time for you to come out of your shell. No more fears of heartaches. No more tears.

Pero habang tinutulungan mo ang iyong sarili, magdasal at magpasalamat sa
Kanya sa paggawa ng paraan para mawala sa 'yo ang isang tao na di ka naman pala mahal. Sadyang ang D'yos ang nakakaalam kung sino ang karapatdapat sa puso mo.Kung pwede seryosohin mo itong mga nabanggit ko. Malay mo ito pala ang kailangan mo paulit ulit mo itong basahin. Try mo. This could help you
combat your stress, your anxiety, your pain or heartaches, your distress and all that.

Ang buhay ay di perpekto, masalimoot, maraming problema, maraming pasakit pero minsan naman sobrang saya. Sobrang exciting. Kaya dapat alam nating bumalanse. Ganyan talaga eh. Pero di naman natin pwedeng iwasang umibig kasi doon ang sarap ng buhay, ang total happiness, pag nakita mo ang tunay na minamahal. Ang pagpapamilya. Kaya lang kailangan lang talaga tayong maging maingat sa pagpili ng taong mamahalin para maiwasan ang mga ganitong pasakit at maiwasan ang pagiging broken hearted. Wow, bakit nga ba nauso ang pag-ibig?

Ngayon gusto ko kayong bigyan ng kunting tips para madaling makalimot
1. iwasang mapag-usapan ang tungkol sa relasyon na katatapos lang,
iwasang pag-usapan 'yong taong involved sa mga pasakit mo ngayon.
2. turuan ang sariling maging bulag at bingi, iwasang isipin.
3. wag kang mabuhay sa paniniwalang ang bagong relasyon ay healthy.
No it's not . it will just add insult to injury. Lolokuhin mo lang ang iyong sarili.
4. Hayaan mo na munang humilom ang sugat bago pumasok ulit sa bagong
upang maiwasang maulit ang naranasang
5. Libangin ang yong sarili wag na wag kang magmukmok.
6. Magtapon ng mga bagay na makakapaalala
7. hingin ang payo ng magulang o kapatid bago ang iba
8. mag-isip ng mapaglilibangan o mapapasyalan pag nalulungkot
9. magdasal at humingi ng gabay sa KANYA.

Untitled (poem/poetry) -6


Luha ay tumulo bumaha sa lupa
nanggaling sa bundok at s'ya'y rumagasa
dibdib ko'y nawarak halos bumuka
sugat ay malalim sino ang may sala

Delubyo'y darating sa gitna ng buhay
paulit ulit na tao'y di nasanay
sana'y naagapan kung di mabuay
mga inosente dapat di nadamay

Itong kaluluwa ngayon ay nalugmok
nasa isang sulok puro lang himutok
humingi ng awa kanino kakatok
ang mga nangako wala ng pumiyok

sinong sisisihin si Juan mababaw?
sinong tatanungin si Juan malabnaw?
sinong kakatukin si Juan matakaw?
sinong sisingilin si Juan puro hataw?

meron pa bang pasko ang mga kawawa
meron bang maganda silang makikita
meron bang ngingiti sa gitna ng dusa
meron bang sasaya sila'y naulila

at ako'y tatawag sa D'yos iaasa
ang mga siphayo ng mga kawawa
tao'y nag-agawan katiting na grasya
"aso kain aso" ito ang istorya

Untitled (poem/poetry) -5


kung muling makatayo
at muling makalaro
patunayang manalo
angat ang pangkatao

kung muli pang matalo
itaas ang yong noo
at magpakaginoo
sa D'yos ika'y nanalo

Untitled (poem/poetry) -4


Bakit nga ganyan minsan
ang tao'y nabulagan
kahit nga kaibigan
ikaw ay iiwanan

oras na kailangan
wala sa 'yong harapan
ikaw ay lalayasan
kapag isang talunan

Nong iyong kalakasan
ay para lang dyosdyosan
kasama sa larangan
sama sa kasikatan

laging lang sumisiksik
halos nga ay humalik
at kasama sa pagklik
ng kamerang pumitik

subukan mong matalo
mag-isang dalhin ito
at tiyak sigurado
magising ay nagsolo

PAG-IBIG KAY SAKIT


PAG-IBIG KAY SAKIT
(hinaing ng isang iniwanan)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 8/29/2011

Makirot, kaysakit, hindi ko mawari
Inibang pag-upo, tuloy ang paghapdi
Kinapa ang puso parang nagdurugo
sinilip ang sugat wala namang dugo

Lumipat ng banko umayos ng upo
At uminat-inat tapos tumalungko
Winaksi sa isip pilit sumisiksik
Hay napakasakit, at kamay tumalsik

At s'ya ay yumuko mata ay lumuha
Luha'y naghabulan biglang kumawala
Ngipi'y nagtatagis at halos kuminis
Dila ay nakagat at sobrang nainis

Taas baba taas balikat yumugyog
Tumayong bigla s'ya ay umindayog
Kamay ay nasugat at tuhod lumambot
dahan-dahang lugmok kamay ay nabilot

At naalala n'ya ang ating "Diyos Ama"
Taimtim ang dasal sana'y tulungan s'ya
Dusa ay makaya at s'ya'y magpatawad
Sa mga may sala pag-ibig na huwad

Ito ba ang napala sa aking ginawa
Ang tagal nagtiis sa mga palamara
Nagbigay ng oras at sinuportahan
Ang kanyang pamilya silang tinulungan

Aking minamahal, aking nililiyag
Ng ako'y malayo ikaw ay halaghag
Baon ang pag-asa ako ay may hirang
Talipandas pala at sakim ang hunghang

Itong aking buhay sa yo'y pinasulat
Ng 'wag pamarisan at mata'y mamulat
Ang ating pag-ibig ay huwag sobrahan
Pera ay ipunin buhay paghandaan

kung ikaw ay gaya ko.......
pag-isipan mo ito.....

PINAGBUKLOD NG LANGIT


PINAGBUKLOD NG LANGIT
Inspirasyon: Madelene Arboleda Caoagdan and husband
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/08/2012

Handa na ang lahat, simbaha'y may gayak
Si Padre'y nag-intay katabi'y kay galak
Mukha n'yang kay saya ngunit naiiyak
Ngayon ay ikasal sa maging kabiyak

Masdan mo sa loob may puting bulalak
Kaysarap samyuin at may halimuyak
Para bang may isip at humahalakhak
At tulad ng tao sila'y nakigalak

Ito ang Bridal Car at sakay si mahal
Ng ang kanyang liyag ay hindi mapanghal
Pagbaba nga niya ay sabay umusal
Sa Langit tumingin sa ating Maykapal

Paa'y nanginginig sa tuwa at saya
Hinakbang sa carpet at parang tutumba
Kaytaas ng takong ng sapatos niya
Pagkat kanyang kasal dapat ay maganda

Pakinggan sa ere ang lamyos ng tinig
Kaysarap sa tenga kung ika'y makinig
Ang kanta ng anghel ang iyong marinig
At sila'y lumakad lahat ay kinilig

Oh kaygandagandang tingnan ang 'yong kasal
Na pinaghandaan ng may pagmamahal
Kayo'y nagsumpaan kasama ang dasal
Ngayon ay narito sa harap ng altar

Si Padre'y nagbasbas lalong pinagtibay
Ang pagmamahalang di kayang ibuway
Sa lindol at bagyo, sa baha'y kay tibay
Pinagsama ng Diyos sa "kanya" ang gabay

Natapos ang kasal lahat pumalakpak
Sila ay masaya may luhang pumatak
Kaysarap makasal at maging kabiyak
Ng taong inibig ngayon ay kayakap

Enero a otso ay anibersaryo
Ako'y humahanga ng lubos sa inyo
At pakaingatan ang kasal sagrado
Habang buhay kayo magmahalan todo

Bente otsong tao'y di birong usapan
Pag-ibig na tunay iyan ang dahilan
Ang sangkap sa lahat ay pagmamahalan
At sa dako pa roon dalhin ang sumpaan!

HAPPY 28TH ANNIVERSARY KABABAYAN!!!!

ISANG GABI NG KATAKSILAN


ISANG GABI NG KATAKSILAN
Ma.Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes,
Setyembre 12, 2011

mabigat sa dibdib
sa puso ay hirap
damdami'y nanganib
at biglang inakap
hindi mapakali
pilit kinakapa
pilit ikinubli
pagkat mahiwaga

ang maling damdamin
muling umusbong
puso'y inalipin
marami ang tanong
gustong ring kumibo
muling nabulahaw
tahimik na puso
ay umalingawngaw

puso'y gulung-gulo
at may dalang kirot
damdaming tinago
para bang nasundot
pilit lumalabas
at di mapakali
pilit umaalpas
kahit 'yong itali

ang dating damdamin
sa iyo lang dama
pag-ibig ay damhin
sa puso ay tuwa
sadyang di mapigil
pag-ibig sa giliw
lalong nanggigigil
parang isang baliw

ang puso'y nanangis
sa tunay na mahal
damdami'y lumihis
ng ito'y tumagal
pilit nililigaw
ang damdaming sabik
at hanggang luminaw
hinugot ang tinik

ang pusong makulit
ay agad bumitaw
damdami'y pinilit
uhaw ay matighaw
mga katanungan
naghanap ng sagot
at ang katatagan
ay biglang nilimot

luha ay nangilid
pagkat puso'y taksil
pinilit isilid
at baka mapigil
ngunit s'ya'y gumalaw
at muling lumabas
kagyat nabulahaw
itong talipandas

hungkag na damdaming
kaytagal tiniis
puso ay humiling
madama ang tamis
kung kaylan ang lahat
ay naging maayos
ay pilit sinukat
puso ay kumilos

at ngayong malasap
tunay na ligaya
matikman ang sarap
kaysaya sa kanya
sa dating pag-ibig
buhay ay sumigla
ang dating malamig
ngayo'y uminit na

Ngunit tama nga ba
puso'y iyong sundin
wag saktan ang iba
damdami'y pigilin
ang maling pag ibig
sa puso'y gumising
puno ng ligalig
sa damdaming haling

kailan aminin
ang maling pag-ibig
isip pairalin
kalaba'y daigdig
pag-ibig na tunay
ay yaong tumagal
pagkat pinagtibay
ng Diyos na mahal

pinikit ang mata
at s'ya ay nag-isip
pinilit kinapa
dibdib n'ya'y sumikip
gusto n'yang tumili
umalis lumayo
puso'y yupi-yupi
ang sakit tumimo

ng s'ya ay lumabas
siya ay umungol
at lalong lumakas
ungol pa ng ungol
gustong magsalita
nagtagis ang bagang
at ang kanyang diwa
mukhang kinalawang

at s'ya ay inalog
inalog pang muli
at muling inalog
hanggang mapangiwi
ng biglang magising
asawa'y tiningnan
at biglang humiling
ng kapatawaran

aking D'yos salamat
at ako'y nagising
puso ko ay tapat
at walang nasaling
aking panaginip
ay mali't tiwali
ng ako'y maidlip
nagkasalang dagli


hayyy....panaginip lang pala...

MARAMING SALAMAT LDR FAMILY


MARAMING SALAMAT LDR FAMILY
( Creator, Mr. Jules Ragas)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/26/2011

LOVE, DATING ROMANCE pala
Pag tinagalog ka pa
Hindi ganun kaganda
Ang dating sa babasa

Itong iyong pangalan
Ang babasa'y kabahan
Lito ang kaisipan
Baka may kahalayan

Biruin mo nga naman
Pag-ibig sa unahan
Kasunod ay "date" na yan
Sa dulo'y romansahan

Kay galing ng nag-isip
Pangala'y di malirip
alamin mo't sumilip
kung anong mahahagip

Pag-ibig naturingan
Lahat ng nilalaman
Sa mundo'y kailangan
Bawas ang kaguluhan

Mundong walang pa-ibig
Saan tayo sasandig
Kahit nga lang sa sahig
Ang manok ay kakahig

Paano pa ang tao
Kung pag-ibig naburo
Asin ma'y di sasanto
Masisira ang ulo

Kaya't tayo'y andito
Pag-ibig ang narito
Libre magkurukuro
May makikinig sa 'yo

Kung ika'y naninimdim
Lukuban man ng dilim
Halina at lumilim
Sabihin mo ang lihim

Lahat ay matatago
Usapan o sekreto
Ito'y nasasaiyo
Merong sekretong kwarto

Ang iyong pagkatao
Maalagaan dito
Bawal ang manggugulo
At sisira sa tao

Ito ang ating grupo
Maipagmalaki mo
Dito ay matututo
pano magpakatao

Maraming salamat po
At naging myembro dito
Iaalay sa inyo
Ang mga tula't kwento


Halina kayo samasama tayo....

UNANG PASKO MAGMULA KAY ONDOY


UNANG PASKO MAGMULA KAY ONDOY
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a.Wee-ween Reyes, 11/04/2011

Puro kalungkutan aking nakikita
Hungkag na paligid aking nadarama
Hindi pa naalis ang amoy ng baha
Nagpapaalala nagdaang sakuna

Kay panglaw ng araw parang nagbabadya
Mga kalungkutan ang mata'y may luha
Ang takot ay nadyan laging nag-alala
Bakas ng kahapon sadyang narito pa

Si Ondoy dumating Setyembre nga noon
Ika bente seis nakadalwang taon
kaybilis ng araw sa nagdaang taon
Nasa aking diwa kaysamang kahapon

Oktubre nawala ang bahang nagwala
Iniwan ang lupang kanyang kinawawa
Mabaho ang putik sa mga kalsada
Ang kapaligiran puno ng basura

Ang buong paligid ay aming nilinis
Tinanggal ang amoy na nakakainis
Nobyembre'y narito bahay ay nagbihis
May bagong pintura nagmukhang makinis

Ay napakalungkot Pasko'y malapit na
Ako ay nag-isip paano sumaya
Ang bakas ni Ondoy ramdam na ramdam pa
Kaybigat ng loob ang puso'y naaba

Ako'y nagsimulang mag-ayos ng bahay
Lahat pinalitan ng pula na kulay
Ang mga kurtina lahat ay binagay
At biglang sumaya nawala ang lumbay

Nagkabit ng ilaw buong kabahayan
At pinuno ko pa hanggang sa labasan
Ngayon ang "Christmas Tree" ay tinayo naman
Nilagyan ng sabit kaygandang pagmasdan

Mga kapitbahay ay gumaya na rin
Ito kaya'y hudyat ng aking hangarin
Lumukso ang dugo puso at damdamin
Lahat ay natuwa labi'y may ngiti rin

Kaysayasaya na sa loob ng bahay
At masaya na rin mga kapitbahay
Pagkat kami ngayon ay nagbagong buhay
Si Ondoy nalimot kami'y napalagay

Ika-labing-anim at simbang gabi na
Lamig ng umaga kami ay nagtyaga
Hanggang sa matapos gumising ng kusa
Diyos ang pag-asa kumapit sa Kanya

Pagsapit ng Pasko kami ay lumabas
Binati ang lahat sa lungkot umiwas
Ang tawa'y taginting ang tuwa ay bakas
Ang buong paligid ligaya'y namalas

Kaydami ng handa kami'y nagbigayan
Pagkatapos noon kami'y nagyakapan
Kay lutong ng tawa aming halakhakan
Kay sigla ng lahat puro kasiyahan

Sa buhay ng tao kayraming bangungot
Pero hindi dapat na tayo'y matakot
Sapagkat ang buhay may kasamang lungkot
Dapat ay bumangon ginhawa ang dulot.

ANG PASKO AY PARA SA LAHAT


ANG PASKO AY PARA SA LAHAT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 11/26/2011

Sa araw ng pasko lahat ay may gayak
Ang mga kristyanong kahit buhay payak
May handang pagkain masarap na tiyak
At tandang ang Pasko'y may saya at galak

Dito nga sa amin kaysaya ng Pasko
Sa bisperas pa lang kami'y magkasalo
Magkakapitbahay ay nakakagulo
Maraming palaro't palitang regalo

Sa umaga pa lang ay merong palaro
At ang mga bata dito ay magtungo
May bunutan sila ng mga regalo
Lahat naman sila may grasyang masalo

At sa gabi naman ay sa matatanda
May handang pagkain mayron pang programa
Meron ngang sayawan at katuwaan pa
Lahat ay masaya lahat ay masigla

Maraming niluto kaysarap ng handa
Lahat ay kakain at libre sa madla
Pagkat itong Pasko masaya ang diwa
May pagmamahalan tayo'y samasama

Bago magsimula tayo ay magdasal
Kahit simpleng dasal tayo ay umusal
At magpasalamat sa grasyang dumatal
Tayo'y pinagpala tayo'y "Kanyang" mahal

May kunting inuman ang kalalakihan
Kahit ang babae'y nakikitagayan
Kaysaya ng lahat merong halakhakan
Sila'y magbiruan masarap pakinggan

Ito't tumugtog na'ng magandang musika
At ang mga tao pumunta sa gitna
Kay lutong ng tawa sumasayaw sila
Ang iba'y nanghila ng mga pareha

Iindak indak pa kay-inam pagmasdan
Bigay todong sayaw dahil kahiyaan
Pagdating sa gitna sila'y laban-laban
Patigasan ng mukha para may tawanan

Bago pa nagtapos lahat magbunutan
Para sa regalo galing sa samahan
Ang bawat miyembro tiyak mabibigyan
Maraming biyaya lahat masiyahan

At pag "alas dose" ay magbatian na
Lahat ay magyakap mag besobeso pa
At ang kasiyahan makita sa mukha
Lahat ay masaya sapagkat Pasko na!

Maligayang Pasko ang aking pagbati
Ating salubungin ng puno ng ngiti
ngayo'y kaarawan may gawa ng lahi
Tayo ay magsaya tayo ay magbunyi

Untitled (poem/poetry) -3


luha ko'y balunbon tumulo sa mata
gaya ng ginawa ang kanyang istorya
pagkat aking ama'y lumisang maaga
sa otsenta' pito ako'y naulila

Kaya aking ina huwag muna sana
Pagkat aking puso ay hindi pa handa
Kahit ka tumanda ako'y kakalinga
gusto ay kasama tayo ay magsaya

BAGONG TAON AY NARITO NA


BAGONG TAON AY NARITO NA
Ma Crozalle R. Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/2011

Ah, halina kayo't ating salubungin
Itong bagong taon sa puso'y tanggapin
Ang mga nagdaan ay ating limutin
Kung nakakasakit sa ating damdamin

Lahat tayong tao ay makasalanan
At lahat ay galing kay Eva at adan
Kaya tangantangan unang kasalanan
Ating ding namana sa kapanganakan

Tayo ay magbago iwasan ang gulo
Harapin ang ngayon magsising tutuo
Ang buhay ay hiram may taning ang tao
Matutong gumalang at magpakatao

Masdan yaong ulap sa langit nadikit
Ang sariwang hangin sa bayan nawaglit
Mga kalikasang kaysamang magalit
Iyan ay patunay mundo'y may pasakit

Ngunit manawari'y atin ding makita
Na sa mundong ito may ligaya't saya
Lalo't may pag-ibig kay gandang umaga
Ang ngiti sa labi kayhalihalina

Ako'y manikluhod sa inyong harapan
At makikiusap lahat magyakapan
Damhin ang pag-ibig at ating makamtan
Ang kapatawaran ng sansinukuban

Ngayo'y bagong taon tayo ay magsaya
Simulan ang taon ng bagong pag-asa
Itabi ang lungkot itago sa luma
At wag hahayaan sa bago'y sumama

Tayo ay magdasal sa Kanya'y umusal
Tayo'y pagpalain lahat ay magmahal
Tayo'y magpatawad ang galit matanggal
Itong bagong taon aya't dumaratal

Maligayang taon oh kay sarap sarap
Ibuka ang palad hayaang matanggap
Ang mga biyayang ating pinangarap
Ngayo'y abot kamay mata'y wag ikurap

MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!!!!

MAY BAGONG TAON DIN BA ANG MGA ABA?

MAY BAGONG TAON DIN BA ANG MGA ABA?
Ma.Crozalle Reyes
a.k.a. Weeween Reyes, 12/28/2011
(iSANG MAIKLING KWENTONG KALYE)


Sa araw araw na pagdaan sa kahabaan ng Espana ay nakikita ko ang isang gusgusing lalaki na nakahandusay sa kalye. I really don't know how old he is. S'ya ba'y bata pa kahit ang mukha ay panat at mukhang matanda at maliit lang? O kaya s'ya ba ay binata na at nabansot lang dahil sa hirap? O di kaya matanda na talaga kaya lang maliit kaya napagkakamalang bata. 


S'ya'y nakalugmok sa tabi ng kalye at may tabong katabi kung saan hinuhulog ang mgabaryang limos ng mga taong napapadaan at naaawa sa kanya. Minsan iisipin natin "wag na lang magbigay kasi baka ibili lang ng rugby. Sayang lang ang ibibigay mo." Tama nga kayang mag-isip pa tayo ng ganito? Kahit makita mo ang kalagayan nong tao o naghahanap ka lang ng rason para mawala ang guilt mo sa sarili.


Kung pagmasdan mo sya ay mahahabag ka dahil ang kanyang itsura ay mukhang isang taon ng di naligo. Ang damit at salawal ay kulay brown na at halatang kaytagal ng di nabihisan. Bukod pa roon ay mapapansin mo na parang s'yay nagkaskit ng polyo dahil ang mga paa ay mukhang abnormal at pagkapayatpayat. Kawawa naman.


Ang kanyang mukha ay hapis at lusok ang mga mata.Tiyak pag madaanan mo s'ya ay maaawa ka at maghuhulog kahit lang barya. Bato na ang iyong puso pag di ka nahabag. Sad to say. At maiisip mo sa sarili kunting barya lang ipinagkait mo pa samantalang pagsunod sunod kang nanigarilyo sinusunog mo na ang baga mo sinunog mo pa yong pwedeng makadugtong sa buhay ng tao.


Araw araw ay ganun ang mga pangyayari paulit ulit na eksena. Ewan ba kung nakamagkano na s'ya sa akin di ko na iniisip yon. Maraming katanungan ay nasa aking diwa. Nag-iisa ba s'ya sa buhay? Nasaan ang mga kamag-anak nya? Ang DSWD ba di sila napapansin? Ang gobyerno, akala ko may mga programa sa mga ganito.


Pero bakit wala yatang nagyayari? Well, I'll just shrug my shoulders regarding this matter. Wala namang pagbabago hanggang ngayon. What matters to me most is how long will he be staying in the streets. And the rest of the street children. Hanggang sa takipsilim ba ng kanilang buhay?


Kinabukasan ay dumaan ulit ako at sabay nagtaka. "Bakit mukhang wala sa pwesto ang aking suki." (sa araw araw ba naman, suki na ang tawag ko sa kanya, hehehe). Pinaikot ko ang aking mga mata pilit inaabot ang mga kalyehin na abot tanaw nito. Pinahaba ang aking leeg at nagbabakasakaling matanaw ko s'ya. Pakiwari ko ay naging bahagi na sya ng aking buhay at pag hindi ko makita sa pwesto nya minsan iniisip ko "namaalam na kaya s'ya sa mundo, God forbid. Biglang nahagip ng aking dalawang mata (natural di naman bulag hehehe) ang isang di makalimutang eksena. 


Ang aking suki nasa kahabaan ng daang Espanya at tanaw na tanaw ng aking dalawang naglalakihang mga mata na lalong pinalaki sa nakita. Ang aking suki tumatakbo? Sumasagitsit ang iikaikang paa na hindi pantay? Halos tumagilid habang tumatakbo. Akala ko'y lumpo dahil buto't balat na ang mga paa at pag nakaupo ay di nga maipwesto ng ayos. At ang mga daliring halos nahihiya at halos tumago sa 
pagkakadikit sa paa.


Ang pagtataka'y napunta sa pagkaawa. Panandaliang napaisip "bakit nga kaya?" At lahat ng mga mata ng mga dumaraan kasama ang mga by standers ay nangagitla rin sa natanaw na eksena. Di ko napigilang magtanong. "Ano ang nangyari?" " Kasi po yong pera n'ya sa tabo tinangay ng isang lalaki, itinakbo" "Wow", ako'y napalatak. Ganyan na ba ka desperado ang mga Pilipino? A dog eat dog world?. 


"Ano toh, survival of the fittest?" Gusto kong maawa sa aking suki. Walang takot na sinagasa ang kakalsadahan. Di inalintana kung mahahagip ba s'ya ng rumaragasang sasakyan, at halos nagkabuhulbuhol ang traffic dahil sa kanya, sa paghabol sa sandakot na barya. Ngunit ito' kayamanan para sa kanya at ipaglalaban n'ya ng patayan. That's all of his possession. Ako ay nabaghan. Ang maghapong pinaghirapan ng isang katawan na halos humapay na sa hirap at mukhang ginugupo na rin ng sakit aagawin lang ng isang malakas na buwitre? 


Hanggang ako'y nakalayo ay s'ya pa rin ang aking naisip. Paano kaya kahirap maging sawimpalad? Nakakasama ng damdamin pero pano tayo makatulong? Yong barya barya ba araw araw nakakatighaw sa uhaw ng mga nagpapalahaw? At muli ang aking tanong "paano ang naging Pasko nila? Paano ang bagong taon? 


Kaya sa buhay ng tao dapat tayo ay magpasalamat sa D'yos sa mga biyayang ibinigay sa atin. Ang malakas nating pangangatawan, ang magandang kutis, ang magagarang damit, ang mga branded na sapatos, ang mga cell phone na bago, ang mga laptop na magaganda ang mga kayamanang wala ang iba, lahat yan ay biyaya sa atin. Ngunit tatanungin kita kaibigan naalala mo bang magpasalamat sa "Kanya"? Kung hindi pa, ay gawin mo na habang may oras pa.


Sabihin mo na kaibigan......

HAPPY BIRTHDAY HESUKRISTO


HAPPY BIRTHDAY HESUKRISTO
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 12/25/2011

Noong unang panahon
May anghel na umahon
Sabi ng Panginoon
Sa Nazareth naroon

Nagngangalang Maria
Isa siyang dalaga
Anghel ay don pumunta
S'ya'y may dalang balita

Nang makita na siya
Ang anghel nagsalita
"Bukod kang pinagpala"
At siya ay nabigla

Ang anghel nagpatuloy
"Wag matakot" tinukoy
Doon siya tumuloy
Pagkat s'ya'y may isaboy

Ang sabi kay Maria
Wag magulat' magtaka
Diyos ang nagpadala
Ng magandang balita

Magdala'y si Maria
Jesus ang pangalan N'ya
Anak na pinagpala
Ng ating Diyos Ama

Si Maria'y nagtaka
S'ya ay walang asawa
Ang anghel nagsalita
"Ang anak ay anak N'ya"

Si Joseph ang napili
Sa kanya'y kumandili
Nanggaling s'ya sa lahi
Dugong bughaw na lipi

S'ya'y isang karpentero
Napakabuting tao
Namulaklak daw ito
iyong kanyang bakulo

Pero minsa'y naglakbay
Magbabayad ang pakay
Buhis ay pinagtibay
Ang lahat ay magbigay

At s'ya ay napaanak
Ng wala namang tiyak
Sa lugar na kay payak
Ay doon "S'ya" inanak

Sa isa ngang sabsaban
Sa Bethlehem kung saan
Ay walang masilungan
Ang lahat ay punuan

Ngayon nga ay birthday "Nya"
Ito'y alay sa "Kanya"
Anak na pinagpala
At aking sinasamba

Ito ngayon ang Pasko
Salamat sa yo D'yos ko
Ako ay naging tao
At nabuhay sa mundo

HAPPY BIRTHDAY JESUS!!!!!
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT.....

IKA-SIYAM NA ARAW NG SIMBANG GABI


IKA-SIYAM NA ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/24/2011

Heto na heto na nga
Katapusang araw na
Ako'y kay saya saya
Simbang gabi'y tapos na

Kahit aantok antok
Pilit walang himutok
Narinig ang tilaok
nabulabog na manok

Ngumiyaw pa ang pusa
Gumising na ng kusa
At baka may umunga
Magising na ang madla

Tumungo sa simbahan
Kaysaya't kainaman
Lubos ang kasiyahan
Pagkat ngayo'y ika s'yam

Idilat ng mabuti
Ang mata'y ipalaki
Ika'y pumiksi piksi
Tumayo lang palagi

Pagkatapos magsimba
nakita ang bibingka
Puto bongbong pa pala
may niyog na kasama

Oh kaysarap namnamin
Ang nais natupad din
Syam na araw tapusin
Mainam sa damdamin

Isa itong sakripisyo
Ipakita ng tao
Pagmamahal ay buo
Para kay Jesukristo

Bukas nga ay pasko na
Lahat ay maligaya
Mga bata'y masaya
Naghihintay na sila

Ah, Maligayang Pasko
Ang bating may pagsuyo
Pag-ibig galing puso
Ang alay ko sa inyo

MALIGAYANG PASKO PO SA LAHAT......

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...