Saturday, March 3, 2012

SA LIKOD NG MGA NGITI


SA LIKOD NG MGA NGITI
Inspirasyon: Perly Clear
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/2/2012

Ano ba yang ngiting sa labi'y nakita?
Kilos lang sa mukha langit ang kapara
Pag galing sa irog ay nakakatuwa
Puso'y lumulukso halos matulala

Ano nga ba meron iyang isang ngiti
Itong umiibig laging ngumingiti
Hindi mapigilan lumabas sa labi
Lagi lang masaya parang kiniliti

Umiibig ka ba, ikaw ba'y masaya?
May ngiti sa labi kasama ang mata
Kahit nag-iisa mukhang nakatawa
Isip ay kay saya puso'y kumakanta

Sa likod ng ngiti akala'y pighati
Laging sinasabi ang ngiti ay peke
Baguhin ta kaya't isiping mabuti
Sa likod ng ngiti pag-ibig nahabi

Itong binibini ay kanyang sinabi
Pag ika'y umibig ngiti'y nasa labi
Lagi lang masaya kahit naman hindi
Parang naloloka laging nakangiti

Bakit nga pag-ibig kahit di ipilit
Pakiwari mo nga ika'y nasa langit
Isip lumilipad sa ulap nasabit
Doon mag ulayaw kasama ang pipit

Kaysarap ng buhay nyaring umiibig
Laging nakatawa at laging may kilig
Kahit pa ang ulo ay ipiligpilig
Laging nanaginip isip may kaniig

Ano pa nga kaya't kasama si mahal
At iyong madama yaong pagmamahal
Baka di lang kilig ang iyong makamal
Baka hanggang Langit ika'y mapausal

Ngiti, ngiti, ngiti sinong magsasabi
Ito'y balewala at napakasimple
Dito sa daigdig sobrang importante
Ito'y nagsasabing tao ay mabuti

Iyo lang tandaan may ngiting salbahe
Meron namang ngiting plastik ang kauri
Mayrong iba naman ngiting pumupuri
Ngunit mahalaga ang puso'y ngumiti


Perly Clrear
_hahai sarap ng buhay kapag inlove tlga alwes naka smile kahit walang 
nakakatawa basta maisip molang xa nakangiti kana
Wat if kng magkasama na kau ano kaya feel nun?hehe inlove ako 

^__^inlove din ba kau???

^ad pearl_

Ang tula ay hinabi ayon sa post ni Admin Perly Clrear(LDR)..."may akda"


No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...