Saturday, March 3, 2012

ARAW PAUWI KA NA BA?


Araw Pauwi Ka Na Ba?
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 02/20/2012

Oh kaygandang tingnan habang dumadaan
Parang kulay ginto kapag nasulyapan
Habang papaalis dala'y kalungkutan
At ika'y lalaho, mawalang tuluyan

Ngunit sa pag gising ako'y napalukso
Pagkat liwanag mo, muli ay nandito
Simula ng buhay maghapong trabaho
Ika'y naparito sumilay sa mundo

Araw ang liwanag na nagbigay buhay
Nagdala ng saya nawala ang lumbay
Biyaya ng "Ama" sa ati'y binigay
Paano ang mundo kung ika'y mawalay

Paglubog ng araw ay hudyat sa atin
Pagsapit ng dilim pagod ramdam natin
Katawa'y ihiga at ito'y bigay rin
Ng mapagpalang D'yos at dapat sinupin

Ikaw nga ba Araw.....pauwi na naman?
Ngunit walang sawang kami'y babalikan
At sa araw araw kami ay samahan
Bibigyang pag-asa at susubaybayan

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...