Saturday, March 3, 2012

ANG NARS


‎"ANG NARS
"Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011
(alay ko sa mga Pilipinong Nars)

Tawag sa kanila'y "Nurse"
sa tula ko ito'y Nars
ito ang tula..."ANG NARS"

Marami akong kwento
ewan nga kung tutuo
mga nars ay panalo

Dapat nilang ipasa
"Nursing Board Exam" pala
ay mahirap-hirap na

Yaong "CGFNS"
exam para sa US
At may IELTS

Pag sa ibang bansa
tiyak tatlong beses pa
itong pagsusulit n'ya

Hindi ganun kadali
itong pagpupunyagi
para nars ay magwagi

Dito sa Pilipinas
di makabiling medyas
sweldo'y maraming kaltas

Pamilyang labing-apat
nagpa ibayong-dagat
sweldo nila'y ikapat

Pagkat ang kita ng nars
malaki at malakas
at hindi kumukupas

'Di mo sila masisi
sa ibang bansa lagi
sweldo ay triple-triple

Ang sahod tupi'y tatlo
talo pa ang pangulo
ng mga pilipino

Ang nars na pilipino
tuwang-tuwa ang amo
mat'yaga't "pursigido"

Mabilis magtrabaho
buo ang pagkatao
masayahin pa ito

Sila ay matalino
at maaasahan mo
napakasipag na tao

Makinis at mabango
laging bagong paligo
gagaling agad kayo

Pag-alaga sa pasyente
ay pagkaswabe-swabe
parang pinaghehele

Pagharap sa pasyente
mayrong ngiti sa labi
magalang s'yang palagi

Pagkasama ng doktor
utak n'ya ay "de motor"
sa skul hindi "row four"

Kaya ang kapamilya
tuwang-tuwa sa kanya
tulong ay binuhos n'ya

Nag-aral ang kapatid
bahay dating makitid
parang tore ni David

Hay, hindi na kakasya
kapag itinodo pa
marami pang istorya

Ang Nars ay ipagbunyi
ang pag-asa ng lahi
sa gawa'y di mapili

Mabuhay at mabuhay
at palakpakang tunay
pagpupugay ibigay

Mga bagong bayani
ng Pilipinong lahi
tuloy-tuloy ang ngiti!

Mga Nars ng lahing Pilipino mabuhay kayo........

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...