Sunday, March 4, 2012

ANG KASAL


ANG KASAL
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/4/2012

Ano't isang araw ako ay nangarap
Ako'y naglalakad wala sa hinagap
At parang umakyat dun sa alapaap
At aking kasama ay ang mga ulap

Ngunit di pangarap at di isang ulap
Ang aking nakita ikaw ang kaharap
At sa iyong bisig oh kay sarap sarap
Ako'y nakahilig parang nangangarap

Puso mo'y umibig ngayo'y nagkanulo
At nagsusumigaw at halos lumukso
Ako ay minahal sabi'y sigurado
Sa aki'y umibig tapat ang pagsuyo

At s'ya ay humiling kami'y magpakasal
At sa isa't isa kami'y nangumpisal
At aming binuhos yaong  pagmamahal
At sa aming isip pag-ibig makintal

Sa aking daliri singsing na brilyante
Kanyang isinuot ipinagmalaki
Pag-ibig kay wagas sa aki'y sinabi
At ang pagpakasal sa puso'y hinabi

Halina't lumapit puso ko ay damhin
Alamin ang pintig galaw ay bilangin
At sa bawat tunog ay iyong namnamin
Ng iyong malaman ang aking damdamin

Ngayo'y nakaputi damit ay kayhaba
Buhok ay inayos kayganda ng mukha
May dalang bulaklak at lakad prinsesa
May ningning sa mata at kaysaya nila

Ngayon ay humakbang papunta sa kanya
Ayo't naghihintay kay amo ng mukha
Katabi ang pari't ito'y nagsalita
Sa ngalan ng "Ama" nagsimula ang misa

Habang kinakasal sila ay naiyak
At ang mga luha sa dibdib pumatak
Ngunit mga puso ay sobrang nagalak
Kung iyong marinig ay humahalakhak

At pumailanlang ang isang sonata
Ang dalawang puso'y tigib ng ligaya
Ngayon ay "Yes I do", oo mahal kita
At saka pumirma at mag-asawa na

Oh kaysayasaya sila'y maligaya
Kayat ang bulaklak pinasa sa iba
At ang makasalo susunod sa kanya
Kayat ang dalaga ay nag-unahan na

At ng matapos na sila ay masaya
At nagpasalamat sa mga bisita
Ang kanilang mukha'y puno ng pag-asa
At sila'y bubuo ng isang pamilya

1 comment:

  1. Galing ng tulang ito, habang binabasa ko, naalala ko ang kasal ko! ^_^

    ReplyDelete

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...