Saturday, March 3, 2012
ANG KABIT 8
THE OTHER WOMAN 8
My beloved, the love of my life, my angel,my everything, my only one, my child, my daughter ....Gwenie
SANGGOL
Isa kang kayamanan
Lahat ay hihigitan
At hindi mapantayan
Buhay ang kahulugan
Ika'y aming ginawa
Sa pag-ibig nagmula
Kung kami'y nagkasala
Patawarin D'yos Ama
Ang sanggol na kawawa
Ay mayrong kaluluwa
Kahit saan nagmula
Binigay ni Bathala
ika'y palalakihin
Sa tama ka dadalhin
Lalo pang mamahalin
Lalo pang lilingapin
At sa aking kandungan
Iheheleng tuluyan
Sa pagtulog bantayan
Ng hindi madapuan
Ikaw ay aking sanggol
Lahat sa 'yo'y igugol
Walang pwedeng tumutol
Langit lang ang hahatol
Ikaw ay aking anak
Walang sinong hahamak
Ang dugo ay dadanak
KUng sila'y hahalakhak!
ANG KABIT
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 01/24/2012
IKA-WALONG YUGTO:
At buo na ng desisyon ni Onie, inangat ulit ang cellphone, "Hello Bernie, dalhin mo na sa hospital ang Ate Gwen mo. Pakisabi mo na sobrang taas ng lagnat ko, pag kinaya ko mamaya ay susunod na lang ako." "Ah ganun ba kuya sigi po, ako na lang po ang bahala." Binigyan n'ya ng instructions ang kapatid ni Gwen bago ibinaba ang phoneAt sinenyasan na ang guard na buksan ang gate at lalabas na s'ya. Ngalog ang tuhod ni Onie. "What trouble is this?" And what is next after this. Mamaya lang ay andito na ang family ko. Paano ko mapupuntahan ang mag-ina ko. Whew, what a mess. Bago tuluyang umalis ay pinatay ang cell phone n'ya at baka may tumawag ay magduda pa ang asawa.
Pagdating sa airport ay medyo inayos ang kanyang sarili at baka may mahalata ang asawa ngunit tinawagan muna ang kanyang executive secretary at ipinagbilin si Gwen. Tapos muling pinatay ang cell phone. Alam ni Onie mahihirapan s'yang puntahan si Gwen sa pagkakataong ito na andito ang pamilya n'ya. Saka na lang s'ya magpapaliwanag kay Gwen at alam n'ya maiintindihan s'ya nito. Ah ano ba itong nagawa ko pero hindi ko rin pwedeng iwanan ang asawa ko't mga anak.
Sana Lord maging madali ang panganganak ni Gwen. Patawarin mo po kami kong kami'y nagkasala. Pero ako po ay humihingi sa inyo ng pang unawa. Maawa po kayo sa aking mag-ina. Kung matagal po akong nakalimot sa inyo ay patawad po. Halos tumangis si Onie habang nagdadasal ng tahimik habang nag-iintay sa kanyang mag-ina. Pilit n'yang inaayos ang kanyang aura para presko ang mukha n'ya pagharap sa asawa ngunit di n'ya mapigilan ang sarili na mag-alala kay Gwen.
Makaraan ang kalahating oras na paghihintay ay may tumawag sa kanya na pamilyar na boses sa mga nakapila palabas ng exit sa airport. "Daddy, Daddy." Ang mga anak n'ya. Halos mapalukso sa tuwa si Onie. Miss na miss talaga n'ya ang mga anak n'ya. Kasunod ay si Liezel na mukhang excited na nakita ang asawa. Kaya't pilit ding ngumiti si Onie para hindi mahalata na may problema. Mahal na mahal pa rin naman ni Onie si Liezel kaya nga lang ay nahati ang atensyon nya sa dalawa.
Sabik na sabik ang mga bata na tumakbo sa ama at nag-unahan ng pag halik ang dalawa. Pagkatapos ay hinalikan ni Onie si Liezel at inakbayan. Pagkaayos sa mga daladala at tuluytuloy na silang umalis.Habang nasa daan ay panay ang kwento ng mga anak kaya tawanan sila ng tawanan. Medyo naibsan ang pangamba ni Onie at sandaling nakalimutan ang problema. Si Liezel ay casual lang. Palibhasay intelehenting babae at tumira na ng Amerika kaya medyo bukas na ang isip although she's not going to take this sitting down." GUsto n'yang e enjoy muna ng pamilya n'ya ang pagkakataong ito lalot sabik na sabik ang mga anak n'ya sa kanilang ama.
Pagdating ng bahay ay nakahanda na ang mga pagkaing ipinaluto ni Onie na karamihan ay paborito ng mga bata. At syempre ang paborito ni Liezel na chicken barbecue, talaba at adobong pusit ay hindi nawala. Meron ding alimangong matataba at sugpo. Kaygugulo ng mga bata. Halatang excited na excited makauwi sa sariling bansa at lalo na sa kinalakhang bahay. Kahit si Liezel ay halatang excited din. Wow, I've missed this house. "There's no place like home".
Dumeretso ang mga bata sa kwarto nila para makapagpahinga muna sa mahabang byahe. Samantalang ang mag-asawa ay pumasok na rin sa kanilang kwarto. Nang makapagsolo ay medyo nailang sa isa'tisa ang dalawa dahil sa di pagkakaintindihan ng mga nagdaang araw. Ngunit minabuti ni Liezel na ipagpaliban muna ang mga hinanakit at bumawi sa matagal na pagkakalayo. "Halika nga hon." At sabay yumakap kay Onie. "Let's not spoil this moment. Di mo ba ako namiss?" "Of course Hon I do" "It's more than a year, remember your last trip?" Ang mga lambing ng asawa ay nagbigay
ng sensasyon sa matagal na pagkauhaw sa pagibig na kaytagal ng nawalay. Ngayon lang napatunayan ni Onie wala pa rin talagang makakapalit sa pagmamahal na inalay n'ya sa asawa. Ang babaing minahal n'ya ng lubos kaya n'ya pinakasalan at pinili na maging ina ng kanyang mga anak.
Ngunit ano itong nagawa n'ya. Alam n'ya kung sa iba lang ay baka kung ano na ang nagawa ng asawa sa kanya. Ngunit ang kabaitan ng kanyang asawa ay nandodoon pa rin. Ang asawang handang umunawa kung kinakailangan. Ngunit alam n'ya ang pagbibigay ng asawa ay may hangganan at ang mga pananahimik nito at ang mga paglalambing sa gitna ng unos ay may pinahihiwatig. Alam n'ya ang lahat ng ito ay may ibig sabihin. Nagpapahiwatig na ang kabaitan n'ya ay nangangailangan ng pagmamahal at respeto.
Maya maya ay biglang nagtago ang buwan sa ulap. Nahiya ito sa lambingang natatanaw sa bintana ng mag-asawa. At ang mga hinanakit at galit ay napalitan ng pag-ibig, ng lambingan , ng pananabik, ng pagkauhaw sa isa't isa. At unti-unti ay namutawi sa labi ang katagang matagal na ring nakaligtaan. "I love you hon, I love you and I've missed you so much." Mga salitang matagal ding hindi napansin ni Liezel ay unti unti na palang nawala sa mga labi ng asawa. At ngayon ang mga katagang iyon ay nagpapatunay na andoon pa rin ang pagmamahal ng kanyang asawa sa kanya, ang mga hiningang nagpapatunay na buo pa rin ang pagmamahal sa kanya ng asawa.
At unti-unti ang mga saplot ay nangaghulog. Nag-unahan sa paglapag sa sahig at nagsama sama. Gaya ng pagsasama ng kanilang mga kaluluwa upang ang isang sagradong pag-ibig ay bigyang laya. Ang pag-ibig na binasbasan ng D'yos at ang mga hininga'y parang ipoipong naghabulan tungo sa kasukdulan ng wagas na pag-ibig, ang pag-ibig na legal. At ng humupa ang lahat ay saka napagtanto ni Onie kung ano ang kanyang nagawa sa asawa. Ang asawang umibig ng wagas at umunawa sa kanyang mga kahinaan, ang asawang walang ginusto kundi ang kabutihan ng kanilang mga anak kaya sila ay nalayo. Ngunit tama nga bang lumayo pa?.Sadya ngang ang pag-ibig ay kailangang nadidiligan ng pagmamahal at pagkalinga ng hindi mauhaw at humanap ng dilig sa iba.
Nagtataka si Onie, all the while akala n'ya aawayin s'ya ni Liezel pagdating na pagdating nito pero kaiba sa inaasahan. Mas lalo yatang lumambing ngayon sa kanya si Liezel. Ang hindi n'ya alam ay naisip ni Liezel na dalawang linggo lang ang itatagal n'ya rito ay kung puro away ang gagawin n'ya sa asawa ay baka kulangin ang oras nila ay hindi matatapos mag-away. Gusto n'ya na kausapin si Onie ng masinsinan pero hindi ngayong kararating lang n'ya. Kailangang gamitan n'ya ng talino ang usaping ito. Mahal na mahal ni Liezel ang kanyang asawa at hindi n'ya ito ipagpaparaya kahit kanino pero hindi s'ya magmamakaawa sa asawa na sila ang piliin laban sa isang kabit lang.
Dahil sa itinahimik lang ni Liezel ang kanyang galit ay nagdulot ito ng maraming speculations kay Onie. Lalo s'yang nahirapang kumilos kasi baka bigla s'yang awayin nito ay magkagulo lang sila. Di kabisado ni Onie kung hanggang saan ang magawa ni liezel sa ganitong sitwasyon dahil mula sila mag-asawa ay ngayon lang s'ya nagmaintain ng isang babae. Alam ni Liezel na mula umalis s'ya ay marami ng kalokohang ginagawa si Onie gaya ng ibang lalaki na nalalayo sa asawa pero ngayon lang n'ya nalaman na nagbahay na ito at binuntis pa.
Nang makatulog si liezel ay pumuslit sa kwarto si Onie at ito ang inaantay n'yang pagkakataon. Dalidali s'yang pumunta sa hardin at doon pumuwesto para tumawag kay Bernie. "Hello Bernie kumusta na ang ate mo? "Kuya kakapanganak lang po, nasa delivery room pa at mayamaya pa raw ilalabas." Painless ang panganganak ni Gwen. Yon ang napagkasunduan nila ng kanyang duktor.
Pagkatapos ay Executive secretary naman n'ya ang kinausap ni Onie at binigyan ng instructions. Ang sabi ni Onie ay sabihin muna na may sakit s'ya kaya di makapunta. Pero after 2 days pag ok na si Gwen ay ipaalam na n'ya na dumating ang kanyang asawa. Hindi alam ni Onie kung kelan ulit s'ya makatawag habang and'yan ang asawa.
Pagkatapos magbigay ng mga instruksyon ay pinatay na ang cell phone n'ya ulit at bumalik sa bahay. Inabutan n'ya ang dalawang bata na nanonood ng TV sa may sala. Pagkakita sa kanya ay nagsilapitan at halos magpakarga. Ito ang namiss ni Onie ang paghaharutan nilang mag-ama. At dahil sa pagkakalayo nila ay nagdulot ito ng kahungkagan sa buhay n'ya kaya nagdesisyon na magbahay ng babae. Pero paano. Hindi umayon sa mga balak n'ya ang nangyari. Ang akala n'ya na posible ay imposible pala at hindi papayag ang asawa n'ya na sa ganito lang kadaling sitwasyon masisira ang buhay nila.
Kinabukasan ay nag-aya ang mag-ina na mag-overnight sila sa Antipolo sa isang resort. Ito ang isang namiss ng mga bata. Mahilig silang mag-outing. At sa gusto at sa hindi ay kailangang sumama si Onie. Para hindi s'ya mahalata ng mag-ina na namomroblema ay minabuti n'ya na isa isangtabi muna ang problema n'ya kay Gwen at ang kasabikang makita ang bagong anak. Para itong isang torture kay Onie. Pero wala s'yang choice. Hindi naman n'ya kayang iwanan ang kanyang pamilya.
Paraan din ito ni Liezel na ilayo muna si Onnie sa babae n'ya.Napakahirap ng pinagdadaanan ni Onie, inis na inis s'ya kung bakit nagkasabay pa ang mga pangyayari. Gusto n'yang isipin na nakarma na ata s'ya bakit pinahihirapan s'ya ng husto. Minsan, ng binanggit n'ya kay liezel na pupunta s'ya sa opisina ang sabi sa kanya ay sasama daw sa kanya para makita ang progress ng opisina kaya tumahimik na lang si Onie. Wala nga ata s'yang chance na ma kumusta ang kanyang bagong mag-ina habang naririto ang kanyang asawa't mga anak. Kaya nanahimik na lang muna s'ya.
Pero wais din si Liezel. Ayaw n'ya munang awayin si Onie at baka pagnagalit ay may rason para umalis. Gagamitan n'ya ng utak itong ginawang pagloloko ng kanyang asawa at ang pang-aagaw ng asawa na ginawa ni Gwen. Ang isang Onie ay hindi ganun kadaling bitawan. Isang eredero, gwapo at matangkad ay talagang pag-aagawan pag binitawan n'ya. Ang pagkakamali lang ni Onie ay nakalimutan n'ya na matalino pala itong napangasawa n'ya at kaya nga pinakasalan n'ya ay dahil hanganghanga s'ya rito.
Habang sila'y nasa resort ay sobrang lambing si liezel kay Onie at pag nakita n'ya na parang natutulala ay dinidedma n'ya lang na lalong ipinagtataka ni Onie, kaya lalo s'yang kinakabahan. Pagkakataon na n'ya ito dahil alam n'yang "diet" sa babae ngayon si Onie dahil pagkaalam n'ya ay kabuwanan na ng babae ng asawa. Kayat bawat kulabit ni Liezel ay tiyak susunod si Onie lalo nga't matagal na rin n'yang namiss si Liezel. Paano pa makakalusot si Onie. Lalong nababalik ang kanyang pagmamahal sa asawa at lalong natakot s'ya na mawala ito sa kanya.
Muli ay nabalik ang mga alaala nila nong sila'y magsimula at muling nabalik ang kanyang pananabik sa asawa. Tama nga si Liezel sa ganitong paraan ay mababawi n'ya ang inagaw ng iba. Imbes itulak mo ang iyong asawa palayo ay subukan mo munang ibalik sa dati ang inyong pagmamahalan at baka ikaw ay may kasalanan din kung bakit nagkaganun ang mga pangyayari.
Habang tumatagal ay napapansin ni Liezel na nanunumbalik ang asawa n'ya sa sarili gaya ng dati. Naging malambing na rin ito s kanya at totoong nagtatagintingan ang halakhakan nilang mag-ama. Masakit din para kay Liezel itong ginagawa n'ya pero alam n'ya marami din s'yang pagkukulang sa asawa. Napakahirap sikilin ang galit at ang insultong nararamdaman n'ya sa ginawa ng asawa. hindi rin n'ya matanggap na ang isang kung sino lang ay ipapalit sa kanya.
Si Liezel ay galing din sa isang Buena Familia, at nagtapos sa U.P. na isang cum laude. Nasa 2nd year law proper na s'ya nong magkasubuan sila ni Onie at nagpakasal kaya di natapos ang abogasya. Kaya alam ni Onie sa legality ay maraming alam si Liezel kaya takot din s'ya rito. Kung sa ganda't ganda ay lalong hindi patatalo dahil maputi at mestisa si liezel pero mas mababa ng unti kay Gwen. At yon nga lang mas bata sa kanya si Gwen.
Sa kabilang dako ay nagtataka na si Gwen kung bakit di n'ya makontak ang cell phone ni Onie. Naniniwala s'yang may sakit ito ngunit bakit patay ang cellphone? "Gwen may dapat kang malaman". Dumalaw ang executive secretary ni Onie sa kanya after 2 days as per struction. "May pinapasabi sa yo si Boss. Dumating kasi ang Misis n'ya. Umuwing bigla dahil sa mga narinig sa inyo. Hindi kasi masabi ni Boss noong huli kayong magkita at baka mapaanak ka daw ng di oras. Ako na lang mag-aasikaso ng lahat ng dapat asikasuhin para makalabas na kayo ng anak mo. Hinadi pa sila nakakapag-usap mag-asawa tungkol sa inyo kaya hindi pa alam ni Sir kung paano s'ya makikipagkita sayo.
Pagkarinig ni Gwen sa balita ay napaluha s'ya. At natingnan ang kanyang bagong kakapanganak na si Gwenie. "Ito na ang kinakatakutan ko. Di ko alam kung hanggang saan tayo ipaglalaban ng iyong ama.Gusto ko mang magsisi ay huli na. Andito na to. Pero kailangang maging matapang ako para sa anak ko. Kung kailangang ipaglaban ko ang aming pag-ibig ay gagawin ko. Kung ang akala ni Onie ay matatanggap ko ito ng ganito lang kadali ay nagkakamali s'ya. Bulong n'ya sa sarili. "Pakisabi sa boss mo na gumawa s'ya ng paraan na magkausap kami. Hindi ako natutuwa sa nangyayari. Hindi n'ya kami basta matatalikuran ng ganito, ngayon pa na may anak na kami."
Nagulat ang inutusan ni Onie. Di n'ya akalain na magsalita si Gwen ng ganun. Akala n'ya ay hindi ito magiging problema ng boss n'ya pero ngayon pa lang ay nakitaan na n'ya ng pagiging palaban. Ano nga naman ang aasahan n'ya ay laking skwater din naman kung tutuusin ang babae, nabihisan nga lang ng boss n'ya "Pasensya ka na raw. Dalawang linggo lang naman dito ang kanyang pamilya. Pagkaalis na pagkaalis ay makakadalaw na s'ya." "Hah, ano kami panakip butas. Pakisabi d'yan sa boss mo wag n'ya kaming gaganituhin. Hindi ngunit nananahimik ako ay pwede na yong ganito, wala ito sa usapan namin." Ang paasik na sagot ni Gwen na medyo ikinainis na ng empleyado ni Onie. "Taray!" sa loob loob n'ya at pasimpleng tumaas ang kanyang kilay.
Ano ang mangyayari? Makadalaw nga ba si Onie sa mag-ina habang andyan ang kanyang pamilya? Ano ang balak gawin ni Gwen bakit s'ya nagbitaw ng ganung salita?
--------------------------------- A B A N G A N -------------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment