Saturday, March 3, 2012
BABAERO 3
"BABAERO" 3
Ma Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween Reyes, 02/5/2012
Sa mga "BABAERO" d'yan hinihikayat ko kayo na basahin ang kwentong ito kahit hindi kayo mag like. Just read this silently. Baka makatulong ito sa inyo para magbagong buhay. Pero kung kayo'y "DI BABAERO" maglike kayo with pride. Maraming salamat. "May akda"
----------B-----A-----B-----A-----E-----R-----O----------
BOLERO
Kaytamis ng 'yong dila
Magaling na asawa
Kahit buwan at tala
Ay handa mong ibaba
Kaydali mong nasungkit
Ang iyong nilalangit
Sa titig na malagkit
Ay kaybilis nabingwit
Ang asawang nanimdim
Nadala sa yong tingin
At ang ihip ng hangin
Kayangkayang baguhin
Ang 'yong mga salita
Pag labi'y ibinuka
Ang tinig na nagmula
Parang anghel sa lupa
Asawa'y nahalina
Naniwala sa bola
At bigla ng nawala
Yaong galit sa sinta
Tuluyang naniwala
Sa bolerong asawa
Nakalimutang bigla
Ang masamang ginawa
Ngunit ng maalala
Sa Diyos ay umasa
Ang pag-ibig talaga
Laging may pagdurusa
BABAERO, BOHEMYO, PALEKERO, BOLERO, KALIWETE, PLAYBOY, GIGOLO, ano pa?
IKATLONG BATO:
Pauwi na si Marina galing sa trabaho, ngunit di ito gaya ng mga dating uwi n'ya na sabik s'yang makarating ng bahay dahil namimiss ang asawa sa maghapon na magkahiwalay sila. Ngunit ngayong hapon ay kakaiba. Kung maaari nga lang ay huwag na siyang umuwi. Hindi n'ya alam kung ano ang mangyayari ngayon sa kanyang pag-uwi o kung may mararatnan pa s'yang asawa. Pero dasal n'ya sana nga lumayas na ang lalaking inakala n'ya na magbibigay sa kanya ng tahimik na buhay may-asawa, 'yon pala'y dusa lang ang aabutin n'ya dito.
Pero si Marina ay isang babaeng kakaiba. Posibleng malalim din s'yang umibig pero madali s'yang tumanggap kung kinakailangan. Para sa kanya ang puso ay pwedeng diktahan ng isip. Gaya nga ng pag suppress n'ya sa kanyang damdamin noong s'ya ay nagpapaaral pa ng mga kapatid. Ilan na nga ba ang pinalagpas na pag-ibig ni Marina? Hindi lang isa , dalawa, hindi rin tatlo, apat, di na n'ya matandaan. Mulang s'ya ay nagdalaga ay hindi nakapag boyfriend dahil pinaniwala n'ya ang sarili na kung s'ya ayiibig, hindi n'ya mailalagay sa ayos ang mga kapatid.
Maraming binata ang sumuyo sa kanya noon pero kahit may napupusuan s'ya sa mgamanliligaw ay pinuputol agad sa simula pa lang. Ayaw n'yang magpaasa. Kahit sa sarili ay di n'ya alam kung kailan ang takdang oras ng kanyang pag-ibig. Basta ang alam n'ya s'ya ay may obligasyon. Isang pangako na binitiwan n'ya sa mga magulang bago pumanaw. Ganyan katigas ang kanyang damdamin. Pinapanaig n'ya ang kanyang isip at alam n'ya ito ay para rin sa kanya. Para hindi s'ya masakatan. Akala lang nila ay pihikan ang dalaga at akala nila ay hindi marunong umibig.Pwede ba yon? "Ibig na ibig na nga eh" aniya kung may nagtatanong.
Pagdating sa kanila ay sumimangot si Marina. Bukas ang bahay, ibig sabihin hindi umalis ang hunghang n'yang asawa. Napailing na lang s'ya at napahingang malalim. Pagpasok sa bahay ay ibinagsak sa mesa ang daladala n'yang gamit kaya naglikha ito ng ingay. Gusto n'yang mag "declare war" kaya pinaramdam na galit s'ya. Lumabas agad ang asawa at umakap sa kanya. Umiiyak at humihingi ng tawad paulit ulit. Ngunit galit talaga si Marina. Hindi s'ya pinansin at dumeretso sa higaan di n'ya tuloy napansin na malinis ang bahay at makintab pa ang sahig. Wala ring mga hugasin sa kusina at walang kalat sa buong kabahayan.
"Lelong mo utuin mo." Akala naman nito patay na patay ako sa kanya. Huh, kung di ka lang magandang palahian di kita patulan. Natawa rin s'ya sa naisip n'yang yon. Sana si Norman na lang pinakasalan ko, kahit malaki ang tiyan mukhang mabait naman. Pwede ko namang papayatin yon. Makunsumi lang siguro sa akin yon papayat na. Si Ramon naman. Hmmm inayawan ko dahil maliit ang kita pero mas napunta ako sa walang kita. Nakarma na yata ako ah. Kahit sa isip talaga dapat ang tao mabuti. Mahirap din yong nag-iisip tayo ng masama sa kapwa. Kakahiya kay LOrd.
Sumunod ang asawa sa kwarto. Panay pa rin ang kulit ng kapatawaran. Pero sa sobrang galit ay walang makapang awa si Marina para sa asawa. "Ma", ang tawagan nila ay papa at mama, kain na tayo nagluto na ako. "Hah, for the first time nagluto?" Gustong matawa ni Marina. Akala n'ya madala n'ya ako sa bait baitan. Hindi na uy." Hindi tuminag si Marina. Parang walang narinig. At nagtulugtulugan na pero naka diagonal sa kama kaya wala ng lugar na matulugan si Roy. Sinadya n'ya talaga ito dahil ayaw n'yang makatabi ang asawa.
Nakahalata rin yata si Roy sa ginawa ng asawa kaya di na rin nagpilit at baka lalong magalit kung makipagsiksikan s'ya sa kama. At natapos ang magdamag na walang kapatawarang natamo si Roy. Kinabukasan paggising ni Marina ay may nakahanda ng Pagkain sa mesa. Ngunit laking inis n'ya ng umalis si Marina na hindi man lang tiningnan ang kanyang niluto.
Kinahapunan ay ganun ulit, nakahanda na ang mesa para sa hapunan at napansin nito ang mga nakatuping damit sa sala ibig sabihin naglaba ang unggoy n'yang asawa. "Wala akong pakialam kahit pa magbigti ka d'yan. Ay, God forbid lang."
Nagpatuloy ang buhay kay marina na parang walang pakialam sa mundo. Ilang araw pa ang lumipas. Umalis si Roy ng maagang maaga. Nakabihis at mabangong mabango na naman. Pero deadma si Marina. Para sa kanya ay wala ng halaga kahit ano pa ang gawin ng lalaking ito. Hindi na rin s'ya nag-aasikaso ng mga groceries at ulam sa bahay para lumayas na ang kanyang asawa. Pero siguro humihingi sa nanay n'ya kaya hindi pa naman nagugutuman.
Saktong ika sampung araw habang nakahiga si Marina at namamahinga ay pumasok sa kwarto ang asawa. Umiiyak as usual, panay ang paliwanag at hingi ng sorry, umulit humingi ng tawad. "Ma sigi na patawarin mo na ako, nahirapan na ako eh. Di na yon mauulit, nakita mo nga nagbabago na ako ah. Sinabi rin nito sa kanya na natanggap na s'ya sa trabaho sa pinapasukan ng kanyang barkada at bukas ay magsisimula na s'ya dito.
Hindi n'ya tinigilan si Marina. Nagpaliwanag ito sa asawa ng husto at nangako na magbabago na alang-alang sa baby nila. "Ma, sigi na please, maawa ka naman sa akin, peksman, promise, I swear, magbabago na ako. At saka alang alang kay baby mag go goodboy na ako."
Umiyak ng umiyak si Roy, kinapakapa ang puso kunyari sumasakit. Ng makita ni Marina medyo nag-alala, hindi man nagpakita ng pag-alala, sa sarili ay nag-alala rin.Akala mo ay batang nangungunyapit si Roy kay Marina , now or never na ang drama n'ya. Naiyak na rin si Marina. Nag-iyakan na lang silang dalawa. Ito ang pinakamatagal nilang away na mag-asawa pero alang alang sa anak patatawarin na ni Marina ang asawang halaghag.
"Sigi ha ulitin mo lang yan." Sa sinabing yon ng asawa'y parang batang tuwang tuwa si Roy at pinaghahalikan ang asawa. "Salamat Ma ha, salamat at napahagulhol si Roy ng todo pero kahit mas malakas ang iyak n'ya ngayon ay dahil magkahalong hinanakit at saya ang kanyang nararamdaman. Hinanakit dahil naiisip din n'ya kung bakit ganun s'ya karupok sa mga kaunting kaligayahan bilang lalaki at nakakaranas pa sila ng mga ganitong problema.
Pero sadyang may kalokohan din talaga at sa likod ng isip n'ya ay tuwang tuwa. Sabi ko na ba, di ako kayang tiisin nito. Hah, para s'yang nagtampo sa bigas, mawawalan s'ya ng asawang kasing gwapo ko. Kunti na nga lang kami sa mundo eh tatangihan mo pa hahahah. Wagi. Magaling din talaga akong kumarinyo. Ng makatalikod si Marina, nagpalatak pa si Roy. "Tama nga ang kasabihan, "walang matimtimang birhin sa malakas manalangin. Siyang siya ang lalaki. Napa action pa ang kamay na akala mo ay nanalo sa kung saan. Hinawakan pa ang baba, "pogi mo Roy."
Pero ng magsalita, "magpapakabait na ako Ma, promise." Di na kita bibigyan ng sama ng loob kasi baka pumangit si baby. Kaya nga ako naghanap na ng regular na trabaho para maging proud naman s'ya sa akin paglaki n'ya. Mahal kita Ma ayokong mawala ka sa buhay ko." "Ewan lang, wag na tayong magbolahan. Sinira mo na ang tiwala ko sa 'yo at yan ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa mo." "Oh, Ma, akala ko ba bati na tayo, bakit naiba naman yata.
Bati na tayo ha, sigi na bati na tayo Ma wala ng bawian ha." "Oo na nga" at nagkatawanan na lang silang dalawa. Hay naku, akala mo minsan, nagdadasal ako sa D'yos. At lahat ng pasakit na ginagawa mo sa akin sana ay matapos na. Ipapasa D'yos ko na lang talaga lahat. Parang mga love birds na naman na nagtutukaan. Ngunit di madaling makalimot si Marina Hmmmmp, kainis ka kasi, naku kung alam ko lang talaga na ganyan ka hinding hindi kita tatanggapin kahit kaw na huling lalaki sa mundo.
"Huhh, ang sabihin mo di mo rin talaga ako kayang tiisin." Di rin nakatiis at nasabi rin ang nasa isip. "Sayang din ang gandang lalaki ko ha, wala ka na Ma makuhang ganito o, tingnan mo ang side view parang si fernando Poe, Ang back view, Christopher De Leon, ang front view Mat Ranillo." Tumayo pa talaga. "Kahit magdamag kang magpacute d'yan, hindi mabubura ang ginawa n'yo ng babae mo. At ang lakas ng loob mo ha dito pa sa bahay. Ginawa mo pang motel itong bahay na pinaghihirapan kong hulugan. Wag mong dalhan ng malas itong bahay."
"Oh, oh, mukhang nababalik na naman tayo ah. Tapos na yon Ma, kalimutan na natin para makapag move on tayo. Akala ko ba ayos na tayo. Halika ka nga kulang ka lang sa..." "Huh! tigilan mo nga ako di mo ako madala d'yan naku, ang laki laki na ng tiyan ko oh." At niliyad pa lalo ang tiyan sa asawa. "Tingnan mo nga naman tong Misis ko. Ayaw na mambabae ako pero, ayaw mo din ako suplayan ng pangangailangan ko, eh lalaki ako Ma. Iba kami sa inyo." "Ah wala, bahala ka sa buhay mo. Gagawa gawa ka ng kasalanan pagkatapos asa kang may reward ka pa, ano ka sineswerte?"
Tumayo si Marina pumunta sa kusina. "Mas mabuti pang kumain kaysa magpauto sa iyo. Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo. uy hard to get ito kaya nga muntik na akong tumandang dalaga kasi di ako basta basta nagpapauto. Ikaw lang talaga nakaloko sa akin pero hindi na ngayon." Niyakap ng lalaki ang asawa. Alam n'ya hindi ganun kadaling kalimutan ang kasalanang nagawa n'ya. Kilala n'ya kahit papano ang tigas ng kalooban ni Marina. "Sigi na sorry na Ma, sorry na."
Sa unang sweldo ni Roy ay excited na lumabas silang mag-asawa para i treat n'ya ito sa paboritong kainan. Natuwa naman si Marina at habang kumakain sila ay may nakita si Roy na batang nagtitinda ng roses. Agad ay tinawag n'ya ito at bumili ng isa para ibigay kay Marina at natouch naman ang huli. "Salamat, kahit papano nakatanggap ako ng rose galing sa yo kahit sa banketa lang galing." Natawa na lang si Roy.Bumili na rin sila ng mga karagdagang gamit ni Baby Marian. Iyon ang gusto ni Marina na itawag sa anak n'ya na halos ay kaparehas lang ng kanyang mga letra.
At umusad ang mga araw tinupad nga ni Roy ang promise n'yang pagbabago. Pagkagaling sa trabaho ay tulungtulong silang dalawa sa mga gawaing bahay at inako na rin ni Roy ang paglalaba at yong mabibigat na gawain. Ipinakita n'ya kay Marina na nagbabago na nga s'ya. Malaki na rin ang tiyan ni Marina. Ilang linggo na lang ang hinihintay at magiging magulang na sila.
Makalipas ang ilang linggo ay nanganak na si Marina. Walang malamang gawin ito si Roy. Natatarantang hindi mawari. Pagkaraan ng ilang araw ay lumabas na sila sa hospital. Excited na excietd ang mag-asawa. Inisip ni Marina na sana nga magbago ng tuluyan ang kanyang asawa at matapos ang mga sakit na dinaanan n'ya sa buhay nong nakaraang buwan.
Pagdating ng bahay ay tuwang tuwa si Roy na pinagmamasdan ang kanyang anghel. Gusto n'yang kargahin ito pero di alam kung paano at takot na baka mabaliaan ang anak o kaya ay mahulog kaya ang ginawa ni Marina ay kinuha ang baby at dahan dahang inilagay sa kamay ni Roy at hindi binitiwan hanggang hindi naging komportable sa pagkarga. Nanginginig ang mga kamay n'ya. Halos di igalaw. Siyang siya naman si Marina sa kanyang nakita.
Lumipas ang mga buwan ang akala ng asawa na pagbabago ni Roy ay tuluytuloy na. Ngunit nagkamali s'ya. Sadya nga yatang may kalikutan itong si Roy sa babae. At hindi talaga yata makontrol ang sarili pag nakakakita ng anak ni Eba. Minsan nayaya ng kaibigan sa beerhouse lingid kay Marina. Sinabi lang n'ya na birthday ng isang katrabaho kaya na late sa pag-uwi pero ang totoo ay sa beerhouse sila galing at may nakilala s'yang isang receptionist na nakatable n'ya. Hindi na naman nakatulog ang loko at pabalik balik na sa beerhouse kaya ng magsweldo ay laking pagtataka ni Marina kung bakit malaki ang bawas nito. Ang sabi ay may mga binayaran. Di na lang kumibo si Marina kahit hindi satisfied sa alibi ng asawa.
Malimit ding hanapin nito ang kanyang mga bagong briefs. Dati ay kung lang ang makita sa aparador ay pinagtyatyagaan na. At ng sila ay nagshopping minsan, nagulat si Marina dahil bumili ng mga magaganda at branded na briefs. Hindi lang kumibo si Marina. Napapansin din n'ya na maselan na sa mga T shirt n'ya ngayon. Ayaw ng isuot yong mga maluluwag at gusto ay yong mga hapit na lalabas ang kanyang pangangatawan at kakisigan.
Kung dati ay sa bahay lang nagpapabango ngayon ay baon baon na ang pabango sa bag na dala. Akala yata n'ya ay hindi napapansin ng asawa ang kanyang pagbabago. Kaya todo pasa lang s'ya. Minsan napapansin din n'ya na sisipulsipol sa salamin habang nagsusuklay ng buhok na dati naman ay hindi ginagawa. Mukhang excited. Minsan pinansin n'ya,"ang saya natin ah". "Syempre love mo ako kaya ako masaya." Sana nga, sana nga.
Pero kung sa akala n'ya ay ayos na sa asawa yong pagsisinungaling n'ya ay nagkakamali s'ya. Nagsimula na itong magmanman. Meron na kasing yaya ang anak nila, si yaya Jean, kaya di na ito masyadong problema ni Marina. Wala na s'yang tiwala sa asawa mulang gumawa ito ng kalokohan. Ang mga kunting pagbabago nito ay pinagsisimulan ng kanyang mga pagdududa, at kung akala n'ya ay naniniwala si Marina sa mga alibi n'ya ay nagkakamali s'ya.
Halos linggo linggo ay my lakad at sasabihin n'ya lang na birthday ng kaopisina o ng anak ng ka opisina o kasalan o debut lahat na ng alibi sa mundo nagamit na n'ya minsan naman sa patay daw. Sa isip isip ni Marina baka nga naman sa patay....sa patay...sindi ang ilaw.....
Minsang araw ng sweldo at uwian na ay pinuntahan n'ya ito sa opisina at sinundan kung saan pupunta. Alam n'ya may gagawin na naman itong kababalaghan dahil may pera na naman. Kaya pagsakay sa jeep ni Roy ay pumara ng taxi si Marina para masundan n'ya ang asawa. At tama nga ang kanyang hinuha. May kalokohan na namang ginagawa ang kanyang asawa.
Pumasok ito sa isang beerhouse at pagdating na pagdating ay may umangkla kaagad na babae. Iiling iling na lang si Marina habang bumababa ng Taxi. At pumasok din kung saan pumasok ang asawa pero napakadilim sa loob maliban sa kukutikutitap ng ilaw. Ngunit sa pagtyatyaga ay naaninag din ang asawa ng di s'ya namamalayan....
Ano ang binabalak ni Marina bakit n'ya sinundan ang asawa hanggang sa loob ng beerhouse? Kaya kayang dalhin ng powers n'ya ang posibleng mangyari sa loob?
-------------------------------- I T U T U L O Y ----------------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment